Chapter 43

3 0 0
                                    

CHAPTER 43

Warning: Medyo Spg

"Liana." Nagising ako sa mahinang tawag na yon. Agad akong nagmulat. Nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Jd na halatang gulat na gulat na makita ako. Kumunot ang noo ko.

"Wag mo nga kong tingnan na para bang multo ako." Sabi ko sakanya. Pero hindi parin sya nagsasalita. Ganon pa din sya, hindi gumagalaw.

Agad kong nilapit ang mukha ko sakanya at hinalikan sa labi ng mabilis.

"Galaw." Sabi ko. Nakangiti ako sakanya habang sya ay mas lalong nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa ko kaya humagalpak ako ng tawa.

"Gad! Jd stop that! Para kang timang. Hindi na lalaki yang mga mata ko kahit na anong gawin mo." Tawa pa ako ng tawa nang sabihin yon. Doon palang sya gumalaw. Nabigla pa ako nang higitin nya ako at agad na niyakap ng mahigpit.

Naramdaman ko na maiiyak ako dahil sa ginawa nya ngunit pinigilan ko yon. Dapat ay maging malakas ako.

"I missed you, Liana. Gad! I missed you so much." Sabi nya at hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"Ugh! Jd chill. Wag mo namang baliin ang mga buto ko sa yakap mo." Natatawang sabi ko. Dapat ay lagi akong nakangiti. Be strong, Liana. Kaya yan!

"Sorry." Sabi ni Jd at kumalas sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Hinalikan ko ulit sya ng mabilis sa labi. Napangiti naman sya at naiiling.

"Nakakarami kana huh? Kung ganyan ang gagawin mo tuwing namimiss moko ay magpapamiss pa ako." Sabi nya. Ngumiti ako at suminghap sa may leeg nya kaya natigil sya.

"L-liana. W-what are y-you d-doing?" Napangiti ako nang nag stutter sya. Kaya suminghap ulit ako. Hindi sya gumalaw. Nakita kong tumindig ang mga balahibo nya.

"Bat ang bango mo?! May babae ka sa panaginip mo?" Tanong ko. Agad naman syang kumunot ang noo pero agad naman syang napangiti.

"Ikaw lang babae ko kahit sa panaginip." Seryosong sabi nya. Agad ako nag-ayos at umupo.

"I'm sorry." Sabay pa naming sabi. Kaya pareho kaming natawa. Tumango ako para sabihing mauna na sya.

"Im sorry, Liana. Loves. Hindi ko gustong saktan ka. Hindi-"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil hinalikan ko ulit sya ng mabilis. Ayoko ng iniisip pa nya yon.

"I'm sorry too, Loves. Kalimutan na naten yon." Sabi ko. Tumayo ako para yakapin sya. Pagyakap ko ay naramdaman ko ulit ang init ng katawan nya at ang mabilis na pintig ng puso nya.

"Liana. Thank you." Sabi nya at niyakap nya ko pabalik. Tumango ako.

"Mahal na mahal kita, Jd. Ang gusto ko ngayon ay magpagaling ka." Natigilan sya sa sinabi ko pero tumango din sya. Kumalas sya sa yakap at agad akong tinitigan.

"Mas mahal kita, Liana. Your my first and last love." Sabi nya bago siniil ng mainit na halik ang aking labi. Hindi ko alam kung bakit agad na uhaw yon. Siguro ay dahil sa miss na namin ang isat isa. Inupo nya ako sa kamay nya at hinawakan ang magkabilang baywang. Naiiyak ako dahil sa halik nya. Puno ito ng pagmamahal at pinaparamdam nya ito gamit non.

Hinayaan ko syang halikan ako. Gumanti na din ako dahil sa parang nagdedemand ng response yon. Nang naramdamang gumanti ako ay naramdaman kong humigpit ang hawak ni Jd sa baywang ko. Nakakalasing ang halik nya. Para bang nakalimutan ko na lahat ng sakit at hirap dahil doon.

Nabigla ako nang bigla nya akong hiniga sa kama habang hinahalikan. Hindi nya yon nakita dahil sa nakapikit sya at lasing na lasing sa halik na ginagawad nya. Mas lalo akong nagulat nang pumatong sya sa akin.

"Jd.." Sabi ko. Mahina lang yon pero narinig nya. Natigilan sya sa halik at nanlaki ang mata nang makita ang posisyon namin. Ginulo nya ang buhok nya at agad na umalis sa taas ko. Natawa pa ako dahil sa pulang pula ang mukha nya at panay ang gulo sa buhok nya. Naririnig ko pa ang mahihina nyang mura at parang pinapagalitan ang sarili.

"Jd. What's wrong? Bakit ka tumigil?" Nakangiting sabi ko. Alam kong hindi tama na itinanong ko yon pero Gusto ko ang ideyang yon. I love Jd very much and Im willing to give him my everything. Kung saan sya masaya at hindi mahihirapan ay gagawin ko ang lahat.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nya nang lumingon sa akin. Laglag ang panga nya at parang napakalaking kasalanan ang sinabi ko.

"L-liana. N-no. I r-respect you. Hindi ko yon gagawin. Lalo na ngayong ganito ako." Malungkot nyang sabi at kinuyom ang palad.

"I don't mind giving it to you, Jd." Seryosong sabi ko. Nanlaki ulit ang mga mata nya at bumilis ang hininga nyang nakatingin sa akin.

"No. Liana. I can't do it. Not now. No." Sabi nya. Pero alam kong taliwas yon sa gusto ng katawan nya. Dahil nanginginig sya at ang bilis ng hininga nya.

"Are you rejecting me?" Nanliliit matang tanong ko. Alam kong I am pushing his man's button. Alam kong lalaki pa din siya.

"Fuck! Liana!" Sigaw nya sabay tulak sa akin sa kama at agad na pumatong. Napatili pa ako dahil doon at tumawa ng malakas. Ugh! Sabi na e. Iba ang sinasabi ng isip sa katawan at puso nya.

Hinalikan nya ako ng uhaw na mga halik. Tinitingnan ko lang sya habang nakapikit na hinahalikan ako habang ako ay natatawa sa reaksyon at ginagawa nya. Napansin kong yung kamay nya ay naglalakbay na sa mga parte ng katawan ko kaya natigilan ako. May nararamdaman din akong kung ano sa may ibaba ng tyan ko. Hindi kaya ano yon? Ugh!

"Liana. I love you." Bulong nya sa tenga ko bago hinalikan yon. Para akong kinuryente dahil doon. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Nararamdaman ko ding gumagapang na ang kanang kamay ni Jd papunta sa dibdib ko. Can I really do this? Natatakot ako.

Nang marating ng kamay nya yon halos sabay kaming napasinghap.

"Jd..." Sabi ko. Nabigla pa ako dahil sa napakalambing ng boses na lumabas sa bibig ko.

Hinahalikan nya pa din ako at naramdamang pinaglalaruan na nya ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Nasa ganoong posisyon kami ng biglang bumukas ang pintuan.

Pareho kaming napabalikwas ni Jd. Inayos agad ni Jd ang damit ko at umalis sa taas ko. Ako naman ay umalis agad ng kama. Ugh! Anong nangyari?

Nakita ko sa pintuan ang nakangiting mommy ni Jd. Pulang pula ako dahil sa nakita nya kaming ganoon. Ugh!

"Ohh? Nakakaistorbo ba ako?" Yung boses na gamit ng mommy ni Jd ay yung tuwang tuwa.

"Mommy. Thank you." Hindi ko alam kung sarcastic yon o totoo dahil sa seryoso yong sinabi ni Jd.

"Ipapaalala ko lang ang gamot mo. Sige. Ipagpatuloy nyo na. Para magka apo na agad ako." Agad namang umalis ang mommy. Nakita ko pang pinindot nya ang lock ng pintuan bago nya yun sinara. She locked us?!

Nalaglag ang panga ko sa ginawa at sinabi ng mommy ni Jd. Hindi tuloy ako makatingin kay Jd. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumingin pagkatapos ng nangyari. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Jd.

"Sorry, Liana." Sabi nya. Tumayo sya at lumapit sa pintuan. Ang akala ko ay lalabas sya ngunit nakita kong inunlock nya yon. Pagkatapos ay pumunta sya sa kama nya at humiga.

"Napagod ako." What? Wala nga kaming ginawa e. Tas napagod sya?! Baka dahil sa sakit nya. Nakita ko syang lumapit sa tray na may lamang pagkain na dala ng mommy nya kanina. Lumapit ako sakanya para tulungan sya. Ako na ang nagayos ng pagkain nya at sinubuan ko sya. Pagkatapos nyang kumain ay pinainom ko sya ng gamot.

Nakatulog sya ulit pagtapos non. Napagod nga ata sya. Mukhang mahina na ang katawan nya. Naiiling na lang ako. He can surpass this, I know. He's strong.

Hinalikan ko sya sa noo.

"I love you, Jd."

_______________________
END OF CHAPTER

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon