Chapter 30

2 0 0
                                    

CHAPTER 30

Hindi natin malalaman kung gaano tayo magmahal hanggat hindi natin nakakayang tanggapin lahat ng bagay na akala natin ay hangganan natin. We set rules pero bandang huli, ibebreak mo din yon para sa taong mahal mo. Love is about accepting and loving his or her weaknesses the way you love his perfections.

Hindi ko alam na may kakayahan akong mag-isip ng ganitong bagay dahil sa baguhan ako sa mga ganitong bagay pero ito siguro ang nadudulot ng pagmamahal.

Nasa may van kaming lahat nila Anna. Lahat ng halos nandito ay tulog na dahil kanina pa ang byahe namin papunta sa resort na paggaganapan ng birthday niya. Ang mga kasama namin ay nasa isang van na nasa may likuran namin.

Halos mga kamag-anak lang ni Anna ang kasama. Yung mga pinsan nya at ilang kaibigan na hindi ko kilala dahil sa nanggaling pa sila sa ibang lugar.

"Hey. Hindi ka ba matutulog?" Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko.

As usual, he look so gorgeous as ever. He is wearing a white printed shirt, black pants and a vans shoes na dahilan ng pagiging mas gwapo nya. His neatness and simpleness makes him more manly and handsome.

"Yeah. You're so gwapo." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"I know." Humalakhak sya pero natigil dahil sa kinurot ko sya sa tagiliran.

"Ouch!" Natawa pa ako nang parang balewala lang sakanya ang kurot ko pero nag-ouch sya para lang kunwari ay nasaktan sya.

"Im gonna sleep. Wag ka malikot."

"Opo." Agad syang nag-ayos ng upo at inalalayan ang ulo ko na nakapatong sa balikat nya na ilagay sa komportableng posisyon. At dahil don, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang may nararamdaman akong mainit na kung ano ang lumalapat sa labi ko. Pagkamulat ko ng mata ko, ay kong nakita ang ngingiti-ngiting lalaki sa harap ko. Kumunot ang noo ko. Nang unti-unti kong narealized ang kalokohang ginawa nya.

"Pervert!" Singhal ko sakanya at agad syang napahalakhak.

"I didn't do anything." Defensive nyang sabi habang umiiling at winawagayway ang dalawang kamay. Napailing nalang ako.

Napansin kong nakatigil na ang van na sinasakyan namin at kami nalang dalawa ang natira dito.

"Nasaan na sila?" I asked.

"Nasa loob na. Gigisingin na sana kita pero hindi ko kinaya. You are peacefully sleeping kaya pinagmasdan muna kita at---"

"Hinalikan ako habang tulog?" Tuloy ko dun sa dapat sana ay sasabihin nya.

"No. I just watched you and and" Nakikita kong nag-iisip pa sya ng palusot nya. May ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.

"And? Nevermind Jd. Let's go." Binitbit ko ang gamit na dala ko at lumabas na ng van. Hindi ko akalaing may pagkapilyo si Jd. Napailing nalang ako at hindi napigilang mapangiti.

Pumasok kami sa isang hotel ng resort. Glass covered ito na kulay blue kaya hindi makikita ang mga nasa loob. Agad kami dumiretso sa counter para itanong ang rooms namin.

Naalala ko tuloy nung minsang maabutan kami ng ulan ni Jd. That day was so awkward. This is the first time na papasok kami sa ganitong lugar na couple na.

"For Mr and Mrs. Suarez po ang natitirang room na pinareserved nila Ms. Anna Marie Alvarez." Nagkatinginan kaming dalawa ni Jd pero mas nakita ko na namutla si Jd dahil doon.

"What? Wala bang Jonas Doan Suarez and Liana Perez ang nakareserved?"

"Wala po sir. Para kay Mr. Jd Suarez lang po." Sabi ng nasa counter.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon