Chapter 35

2 0 0
                                    

CHAPTER 35

Ilang araw pa din ang lumipas simula nong graduation nya pero hindi ko na ulit sya nakita. Hindi na sya ulit nagparamdam. Minsan iniisip ko kung tama nga ba ang sinabi ni Anna. Baka nga ibig sabihin ng hindi nya pagpapakita sa akin ay dahil hindi na nya ako mahal?

Pero hindi e. He promised me. Hindi ako kailanman nagdoubt sa mga salita nya. Jd is very sincere in his words. Never pa syang tumupad sa mga pangako nya. He is always been a full of integrity man. That's why Im still hoping and waiting for him that one day he will text or call me, or come to me and hug me and he will say I love you, again.

Bakasyon na. Nagpasya ang mga parents ko na pumunta ng Pampanga pero nagpaiwan ako. Iniisip kong baka pag dumating si Jd or bisitahin nya ako ay wala ako sa bahay. Lagi lamang ako naghihintay sa bahay. Kahit sobrang nasasaktan ako araw-araw pag walang Jd na dumadating. Tutulugan ko lamang yon at gigising ulit ng may panibagong pag-asa na baka ngayong araw na yon sya magpapakita.

Hindi ko kailanman inisip na sumuko sa paghihintay sakanya until one day.

Ako lamang sa bahay. Kahit gutom na ako dahil wala ng pagkain sa refrigerator ay hindi pa din ako umalis ng bahay. Nasa kwarto lang ako at laging hawak ang cellphone ko.

Nagring ito kaya napatalon ako. Pinagdasal ko na sana ay si Jd ang tumatawag ngunit gaya ng nakaraan, hindi pa din sya ito. Sinagot ko ang tawag.

"Hello, Anna." Sobrang tahimik ng kabilang linya. Tanging naririnig ko lang ay ang mabigat nyang paghinga. Narinig kong may bumuntong hininga sa kabilang linya.

[Liana.]

"Oh napatawag ka? Kumusta ka na?"

[Miss na kita. Pwede ba tayo magkita? Sa Mall na malapit sainyo. Ngayong lunch.]

"Anna, hindi pwede. Baka kasi dumating----"

"Gad! Liana. Please? Stop it." Alam kong naiirita na sya. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Hindi lang naman si Jd ang kay karapatang makita ka ulit diba? We will meet. See you." At agad nyang pinatay ang tawag. Bumuntong hininga na lamang ako.

Ayoko sanang pumunta ngunit parang naiirita na sakin si Anna. Simula kasi nung nag-usap kami nun sa graduation ay hindi ko na din sya nakita O nakausap man lang. Napagpasyahan kong pumunta. Dahil walang pagkain dito at gutom na ako tsaka namimiss ko na si Anna.

Nagsuot lang ako ng blue faded shorts, white printed T-shirt and converse. Malapit lang naman dito yung Mall kaya hindi na ako nag-ayos ng maigi. I just tied my hair in a messy bun and powdered my face and then I go.

Para akong timang na nagleave ng note sa may pintuan ng bahay namin. Nakalagay doon na kung sakaling dumating sya ay nasa Mall ako kasama ni Anna. I even put my number on it and said that call me if he ever read this note. Kaya nakaalis ako ng maluwag sa dibdib dahil doon.

Pag mga ganitong magkikita kami ni Anna ay alam kong sa Sbarro kami magkikita. It's the usual. Kaya agad akong nagtungo doon at hindi na sya tinext. Hindi naman ako nabigo dahil nandoon nga sya.Lumapit ako sakanya. Agad naman syang tumayo at niyakap ako.

"Gad! Liana. Pumayat ka. Hindi ka ba kumakain?" Yon agad ang unang tanong nya sakin.

"I missed you too, bestfriend." Humalakhak naman sya dahil sa pagiging sarcastic ko.

"I missed you. But seriously, pumayat ka. Look at you. You're real thin." Napansin ko din na pumayat ako. Dahil na rin siguro sa wala ako gana lagi kumain at late na ako matulog dahil sa laging may laman ang isip ko.

"Hanggang ngayon ba ay iniisip at hinihintay mo pa sya? Gad! Liana. Hindi pa ba sapat ang ilang months na syang hindi nagpakita sayo? Hindi ka tinext or tinawagan? He even changed his number! Stop it, Liana!"

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon