Chapter 49

0 0 0
                                    

CHAPTER 49

Habol hininga akong lumapit sa kanya. Nang makita yon, agad ako lumuhod para kausapin siya. Hindi ko alam kung bakit nandito ulit ako sa harap niya ngayon. Pagtapos ng interview na yon ay dito ako dinala ng sarili kong mga paa.

Sa totoong Jd.

"Hi.." nakangiti ako ng mapait habang tinitingnan ang lapida niya at pinupunasan yon gamit ang aking palad.

"May trabaho na ko.. I'm now taking a step forward but that doesn't mean na kakalimutan kita. You will always be my one and only love. My one and only Jd."

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko to sabihin ngayon. Simula kasi nong marinig ko ulit ang pangalan na yon, parang nabuhay ulit ang sakit sa puso ko. Para bang nakakaramdam na naman ako ng lungkot dahil don.

Bakit ba kasi may iba pang Jd na pangalan dito sa mundo? Paano ko siya malilimutan kung lahat na lang ng bagay e nagpapaalala sakanya?

Nasa ganoong posisyon ako nang may naramdaman akong patak ng ulan na dumdampi sa balat ko. Tumingin ako sa kalangitan. Hindi ko napansin na madilim na pala yon at nagbabadya ang mukhang napakalakas na ulan.

Tag-ulan na naman pala.

Lumingon ako ulit sa lapida.
"Kita mo na. Paano kita malilimutan, kung lahat ng bagay konektado sayo? Kung lahat ng mga alaala ko at puro sayo lang ang natatandaan ko?" Uminit ang gilid ng aking mga mata. Bumuntong hininga na lang ako para pigilan ang pagbabadya ng luha sa aking mga mata.

Unti-unting lumakas ang ulan. Malakas din ang ihip ng hangin na humahawi sa aking buhok para magulo ito pero hinayaan ko lang. Imbes na sumilong ako gaya ng ibang taong nandito ay nanatili akong nakaluhod sa may tapat ng puntod ni Jd.

Ramdam ko ang unti-unting pagiging basa ng aking kasuotan at pati ang aking buhok na kanina ay malayang gumagalaw sabay sa ihip ng malakas na hangin ngayon ay nakapirmi at basang basa na.

Masakit ang mga patak ng ulan na dumadampi sa aking balat. Masakit na para bang may tumutusok sa akin at sobrang lamig nito.

"Gusto mo bang kantahan uli kita?" Garalgal na tanong ko. Tuluyan na akong umiyak. Hindi naman ito makikita ng mga tao dahil sa ulan kaya hinayaan ko ulit na umiyak ako.

Sa parehong dahilan na naman.

Bakit ba hindi na ko napagod umiyak? Bakit ba laging masakit? Bakit ba ang hirap kalimutan? Bakit ba ang hirap maging masaya ng wala siya? Bakit ba?

"Jd naman e!" Sigaw ko. Habol hininga na ako dahil sa sakit sa dibdib. "Ang sakit na e! Sana sinama mo na lang ako! Buhay nga ako pero para na din akong patay dahil sa iniwan moko!"

Napansin kong yung mga iilang tao na nandoon ay napatingin sa akin. Nakita ko ang mga malulungkot nilang mga mata na para bang awang awa sa akin. At dahil doon kaya lalo akong nasasaktan!

"Ayokong maging masaya ng wala ka! At hindi ko kaya! Ayokong maniwala kaya ko pang mabuhay dahil putangina! Sa bawat oras na naalala kita, nandyan sa ilalim ng lupa habang umuulan, gusto ko nalang din pumunta diyan at yakapin ka! Ayokong maranasan ang ulan na wala ka! Jd!"

Wala na ako pakialam sa mga nakakakita. Humahagulgol lang ako ng malakas habang kinakausap ang isang puntod. Sa isang taong kailanman hindi na ako mabibigyan ng sagot.

Hinang hina ako. Tingin ko ay ibinuhos ko lahat ng aking lakas sa iyak at pagsigaw. Nanginginig na ako sa lamig ngunit ininda ko yon. Ramdam kong maga na din ang aking mga mata at mahapdi na din ang mga yon.

"Hanggang kelan ka luluhod diyan?" Rinig kong tanong ng isang tinig galing likuran ko. Nilingon ko yon at nakita si Van, nakatayo at may hawak na payong sa kaliwang kamay. Nakatiim ang kanyang mga bagang at may seryosong mga mata.

Binawi ko kaagad ang aking mga mata. Intinuon ko ulit yon kay Jd. Sinimulan hawiin ang tubig pumatak sa lapida.

"Hinhintay ka na ng mama mo, tara na't umuwi na tayo." Sabi niya ulit at nakita ko sa gilid ng aking paningin na inilahad niya ang kanyang kamay.

"Dito lang ako.." Napapaos na sagot ko. Pakiramdam ko ay maging ang pagsasalita ay nanghihina ako. Rinig ko ang malakas niyang mura kaya napapikit ko.

"Stop doing this Liana! Damn it! You look pathetic!" Sabi niya sabay hablot ng mahina sa aking kamay na agad ko naman hinawi.

"Just leave Van! I'm already a pathetic one! I don't need to act like Im not. Because obviously, Im not just pathetic. Im also a stupid and a miserable one."

"Fucking shit!" Sigaw niya. Nanlaki ang aking mga mata nang sa isang hablot lang ng mga kamay niya ay buhat buhat na niya ako.

"Bitawan moko!" Sigaw ko pabalik habang nagkakawag para makababa ngunit parang hindi siya natitininag man lang. He has a strong grip and nanghihina nga ako kaya hindi ko din siya magawang pigilan ng tuluyan.

"I'll let you go until you stop being such brat!" Umirap lang ako doon at hinayaan na lang siya.

Isinakay niya ako sa kanyang kotse. Nakaramdam ako ng labis na ginaw dahil sa aircon ng kotse niya.

"Wear this." Nakita ko ang isang black na jacket sa kanyang kamay. Iniaabot sa akin habang sinisimulang paganahin ang makina ng kotse niya. Kinuha ko yon at agad na sinuot.

Agad din ako sumandal sa upuan at naramdaman ang labis na pagod. Kasalukuyan kaming nasa gitna ng byahe nang magsalita siya.

"Are you always like this?" Ramdam ko ang diin sa kanyang pagsasalita. Nilingon ko siya. Ang kanyang kaliwang siko ay nakapatong sa may bintana ng kotse habang ang kamay ay nakahawak sa may baba niya. Hawak lang niya sa isang kamay ang steering wheel ng kotse at seryosong nakatingin sa daan.

"Im always like this from the very start." sagot ko.

"You're not! Why are you doing this to yourself Liana?" kumunot ang noo ko dahil doon.

"This is what I want! Pati ba naman yon ipagkakait sakin?" Maanghang kong sagot. Narinig kong bumuntong hininga lang siya. Ilang sandali ay nagsalita ulit siya.

"Pinapasabi ni Justin, start na ng work mo sa lunes. Tinanong kita sakanya. He said, matapos niyang magpakilala ay bigla ka nalang tumakbo. Hindi niya nasabi kung kelan ang umpisa mo. And my guess is right. You are really in that place. Tsk."

Inirapan ko lang sya at napailing dahil doon. Nang makauwi ako nf bahay ay agad ako nagpalit ng damit at nahiga sa aking kama. Natulog na lang ako buong araw.

Ilang ulit bumalik si Mama sa aking kwarto para tanungin kung kumain na ko ngunit hindi ko siya kinikibo. Nagkukunwari lang akong tulog. Buong weekend ay ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa sumapit ang araw ng lunes.

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay napabuntong hininga na ako. Bakit ba pakiramdam ko ang bigat sa kalooban ang gagawin ko?

Nag-ayos ako. I decided to wear a pencil cut skirt and a white spaghetti strap dress at nagsuot din ng black blazer and pumps. Hindi na ako nagabalang maglagay ng kung ano sa mukha ko. Konting pulbos at lip balm lang ay okay na ako. Nakalugay lang ang aking kulay tsokolateng buhok tulad ng nakagawian.

This is it.

_________
End of chapter

Halu! :) Nitatamad ako mag-update pero dahil medyo may nagbabasa nito, medyo din sinipag ako. Hahaha

Please vote and comment! :)

Suichiann

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon