Chapter 47

0 0 0
                                    

CHAPTER 47

** AFTER TWO YEARS **

"Jd! Happy anniversary!" Nakangiting sabi ko habang pinagtatalip siya ng paborito niyang santol. Isang basket yon na kinuha ko pa sa bahay nila sa Tarlac nang minsan pumunta ako doon.

"May bagoong din dito. Paborito mo ito diba?" Pagkatapos kong binalatan yung tatlong santol ay nilagay ko yon sa tabi ng lapida niya. Umupo ako doon sa tapat niya habang kumakain din ng sarili kong tinalapan na santol.

It's been 2 years simula nang mawala siya. Ang taong pinakamamahal ko pero parang kahapon lang yon nangyari. Ramdam ko pa din ang sakit ng pagkawala niya. Lalo na tuwing umuulan, ay halos hindi ako makahinga sa iyak dahil naaalala ko siya.

Paano ko siya malilimutan? Kung kasangga niya ang ulan? Ang ulan na parte na ng buhay natin.

Nung araw na nawala si Jd ay lagi akong tulala. Hindi ako makausap ng mga magulang ko. Tipid ang mga salita at galaw ko. Mas gusto kong nasa kwarto ko at nagkukulong. Nagbabakasakaling magpakita siya ngunit hindi niya kahit minsan man ginawa.

Natapos ako na Cum Laude ng school. Simula nong araw na nawala siya ay sa pag-aaral ko ginugol lahat ng oras ko. Doble kayod ako sa pag-aaral. Kung hindi naman ay nasa kwarto lang ako at nagkukulong.

Nang makauwi ako ay nadatnan ko si Mama at Papa na nasa sala. Mukha silang may hinihintay. Nang makita nila ako ay agad na tumayo si Papa.

"Saan ka galing, Liana?" Tanong niya.

"Jd." Tipid kong sagot. Napasinghap si Mama.

"Liana. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?!" Sigaw ni Mama. Tahimik lang ako nakatingin sa kanila. Nakita kong lumapit si Papa kay Mama at pinakalma siya.

"Liana, Anak. Dalawang taon na ang nakakalipas. Yan na lamang ba ang gagawin mo? Bata kapa. Madami ka pang pwedeng gawin! Hindi doon titigil ang mundo mo." Malumanay na sabi ni Papa sa akin.

"Hindi ibig sabihin na nawala siya ay, iniwan ka na niya. Nasa paligid lang siya at binabantayan ka. Tingin mo ba masisiyahan siya pag nakita ka niyang ganyan? Wala sa sarili? Laging umiiyak at panay ang kulong sa kwarto?"

Naiyak ako sa mga sinabi ni Papa. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Liana, hinayaan ka namin nung una dahil alam kong nasasaktan ka. Alam kong mahal mo siya at mahal ka namin. Pero hindi ko hahayaan na gugulin mo ang buhay mo ng ganyan. Tingnan mo, hanggang ngayon ay hindi ka pa din nagtatrabaho."

Madaming nag-offer sa akin na kilalang mga company na trabaho dahil sa Cum laude ako ng gumradwate. Pero tinanggihan ko lahat dahil sa mga panahong yon ay mas gusto ko pang nasa harap ng lapida ni Jd at kinakausap siya kahit na wala akong nakukuhang sagot.

"Magtatrabaho na ako, Pa." Sabi ko.

"Liana. Hindi ka namin pinipilit na magtrabaho pero Anak, para sayo to. Para hindi ka nasa kwarto lang at nagmumukmok. Madaming bagay pa ang pwede mong maranasan." Tumango ako at niyakap niya ako. Si Mama na kanina pa tahimik ay niyakap din ako.

Ngayon lang ako sinabihan ni Papa. Dalawang taon din nilang tiniis na para akong robot. Hindi ko namalayan yon. Hindi ko na namalayan na umiikot pa ang mundo. Nasaktan ako sa nakaraan pero hindi ibig sabihin non ay patuloy akong masasaktan.

"Pa. Kahit na matagal ng panahon yon ay parang kahapon lang to nangyari. Ang sakit ay paulit ulit kong nararamdaman. Kahit simpleng bagay ay siya ang naalala ko. Hindi ko kayang maging masaya dahil wala siya."

Naiiyak na lumapit sakin si Papa at sinalubong ako ng isang mainit na yakap. Para akong nanghina nang gawin niya yon. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng katatagan at hinang hina ako para harapin ang bukas.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon