Chapter 17

7 2 0
                                    

Chapter 17

Araw ng miyerkules ay problemadong problemado na ako sa nalalapit na biyernes. Isang araw na lang ay acquaintance party na ng university.

Hanggang ngayon ay wala pa akong isusuot para sa araw na yon kaya sa mga nakaraang araw ay halos mabaliw ako.

Minsan sumagi sa isip ko na hindi na lamang sumali ngunit nang malaman kong irerecord yun as recitation sa halos lahat ng mga subject ko ay nagulantang ako.

Pero mas nababaliw ako sa isiping hanggang ngayon ay wala pa ako kadate para sa araw na yon! Naiinis ako kay Jd. Dahil sa pagkatapos nyang itanong sakin kung may kadate na ba ako, ay di na nya ulit yon tinanong. And worst? He didn't even asked me to be his date!

Naiinis din ako sa may pakana ng theme ng party. It is strictly formal and dapat may kadate ka. Bawat pareha ay dapat magkakulay ang damit na isusuot,

Nang malaman ko iyon ay halos sumugod ako sa bawat offices ng mga Orgs. ng school para itanong kung sino ang nagdecide ng theme at nang machopchop gamit ng nailcutter!

Yun ang isa ko pang iniisip. Paano ako maghahanap ng damit ko kung wala pa akong kadate?

Ayoko namang ako ang magyaya kay Jd dahil baka isipin nyang walang may gustong maging date ako. Hay. Gumagana na naman ang pagiging babae ko mag-isip.

Pagkatapos ng klase ko ay diretso akong naglakad papuntang cafeteria. Naglalakad ako sa pathway ng may biglang kumalabit sa likod ko.

Lumingon ako at automatic na kumunot ang noo ko dahil sa nakikita ko. Isang lalaking may eyeglass na kulay brown ang frame at nakangiti ng abot tenga kaya litaw ang naka brace nyang mga ngipin. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita.

"What?" Tanong ko ng may bahid na pagtataka.

Hindi sya sumagot. Sa halip ay inabot nya ang bag nya na nasa may likuran nya at may hinalukay doon.

Oh my gosh! Is he going to ask me as his date? Pero hindi ko sya kilala at mukhang mas gusto pa nito idate ang libro kesa sakin e.

Nagitla ako nang tumikhim sya at nagsimulang magsalita. May hawak syang ballpen at papel na mukhang yon ata ang kinuha nya.

"Are you Ms.Liana Perez of Mass Communication Department?" tanong nya sabay ngiti. Napansin kong napakaganda ng boses nya. Malalim ito at malamig.

"Yes. What can I do for you?" syempre umingles e. Alangan paiwan ako di ba?

"Hi, Ms.Perez, I am Sebastian Corpin, The president of Cege thinkers organization." naglahad sya ng kamay kaya agad ko inabot ito at nakipaghandshake. Tumango lang sya tsaka tinuloy ang sasabihin.

"Our organization is the one who is assigned to organize our acquaintance party." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Bago pa man ako nagsalita ay nagsalita ulit sya.

Sya pala yon. Ang presidente na may pakana kung bakit stress ako lagi. Lord, pwede po mansalvage. Isa lang naman po please?

"We conducted a survey yesterday to all Masscom students about who will be the representative of the their department and majority is you. You will be the leader of the whole department and you are going to speak inbehalf of them." seryosong sabi nya habang nakatingin sa hawak nyang papel.

"What? Wait. No!" hindi ko napigilang lumakas ang boses ko sa sinabi nya.

"I already asked your profs. in all your subject and they all aggreed. You are excuse to their classes for tommorow. And you will have additional grade for your participation." Tinupi nya ang papel na hawak nya at tumingin sya sakin.

Gosh! He is not asking me! He is just informing me!

Pinilit kong ngumiti sakanya at tumango nalang kahit na ang gusto ko talagang gawin ay saksakin sya ng G-tech na hawak nya kahit sa mata lang.

Agad ko syang tinalikuran at agad naglakad palayo sa kulugo. I can't believe he did that! Hindi ko pa nga sya kilala, ang dami na nyang naidagdag para sa wringkles ko.

Now, I really have to attend that party!

Una, kailangan ko nang makahanap ng damit na susuotin pero bago yon, kailangan ko munang magkadate para sa color ng gown ko.

Ako na magyayaya. For the sake of my peace of mind, my grades and for the life of that President bookworm!

I need to find that man. Sya lang naman ang gusto ko makapareha. Bahala na.

Where is Jonas Doan?

_______________________
End of chapter

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon