Chapter 32

2 0 0
                                    

CHAPTER 32

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung huli kami magkita ni Jd. Simula nang araw na dinala sya sa hospital ay yun na ang huli kong kita sa kanya. Kahit noong valentine ay hindi kami nagkita. Naiintindihan ko naman na hindi sya makakauwi dahil sa kailangan nya ng pahinga. Pero hindi ko maiwasan ang mamiss ko sya.

Hindi ko natupad ang pangako kong dalawin sya sa tarlac everyweek dahil sa dami ng ginagawa sa school. Sinusubukan kong magkaroon ng oras pero sa huli ay nauuwi ito sa hindi pagpunta doon.

It's been two months. Hindi ko alam kung bakit hindi pa din sya bumabalik dito. Buong akala ko ay isa o dalawang linggo lang ang pahinga nya pero hanggang ngayon ay wala pa din sya.

Hindi din kami nagkaroon ng communication. Hindi sya tumatawag o nagtetext man lang sa akin na dahilan ng sobrang pagkamiss ko sakanya. Minsan gusto kong magalit sa kanya dahil doon pero hindi ko kaya dahil alam kong para sa kanya ang pagpapahinga nya.

Kaya ngayong araw na to ay nagdecide ako na puntahan sya. Alam kong dapat ay noon ko pa ginawa to pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras. Hindi nya alam na pupunta ako. Hindi ko sya tinext o tinawagan man lang.

Nakarating ako sa bahay nila gamit ang map na binigay sakin ni Jd nung nasa hospital sya. Tinuruan nya ako kung pumunta by discussing kung paano. Hindi ko akalain na makakapunta ako mag-isa ko but I guess magaling na teacher si Jd dahil lahat ng tinuro nya ay eksaktong nakita at nadaanan ko.

Napunta ako sa harap ng isang malaking gate. Hindi ko ito napansin nung pumunta kami dito dahil sa tulog ako nun. The gate is huge. Kulay white ito na may nakalagay na 'Suarez' sa pinakagitna ng gate.

"Hi Ma'am. Sino po hanap nila?" Tanong sakin ng isang guard na papalapit sakin galing sa isang maliit na guardhouse sa gilid nung gate.

"Hello. Nandito ba si Jd?" Medyo tiningnan ako nang mabuti ng guard bago sumagot.

"Yes. Ma'am. Sino po sila?"

"I'm Liana. Girlfriend nya. Pero wag mo sabihin na nandito ako ah?"

"Ma'am Liana. Sorry po." Sabi nya at agad na binuksan ang maliit na gate at inalalayaan akong makapasok.

"Sundan nyo lang po ang path, makakadating kayo sa main entrance ng mansion." Tumango ako at nagpasalamat bago nagsimulang maglakad.

Agad ko namataan ang garden na nakita ko noon. Maganda pa din ito at punong puno ng ibat ibang kulay na mga bulaklak.

Pagdating ko ng pintuan ng mansion ay pinindot ko ang doorbell doon at ilang minuto lang ay bumukas yon at nakita ko agad ang loob non. Bumungad sakin ang isang babaeng nakauniporme.

"Hi. Good afternoon. Nandyan ba si Jd?" Tanong ko.

"Yes po Ma'am. May kausap lang po sya. Gusto mo po ba syang hintayin sa sala? Nasa may garden po kasi sila." Kumunot ang noo ko. Garden? Dumaan ako ngunit hindi ko sya nakita doon. Marahil ay sobrang laki non kaya hindi ko sila napansin. Tsaka sinong bisita nya? Bigla ako kinabahan.

Iginiya ako nung babae papunta sa sala. Umupo ako doon para hintayin nalang sya. Nakita kong pumunta yung babae palabas sa likod ng bahay kung saan may isang glass door doon. Ilang minuto lang ay kumalabog ang puso ko sa nakita ko.

Nakangiting pumasok si Jd kasama ni Izzy na nakangiti din na nakahawak sa braso nya. Bigla ako nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Ang akala ko ay nandito sya sa para magpahinga?

Nakita kong nanlaki ang mata ni Jd nang makita ako. Natigilan sya at agad inalis ang hawak ni Izzy sa braso nya. Nakatingin lang ako sa kanya ng may sakit sa dibdib ko. Ilang ulit ko ba silang madadatnan na magkahawak?

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon