Chapter 33

0 0 0
                                    

CHAPTER 33

Nakatayo ako sa garden mag-isa habang naka blind fold. Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Jd. Sumunod lang ako sa isang katulong na nagsabing kailangan ko mag blind fold bago pumunta ng garden. Inalalayaan pa nya ako papunta dito.

Paglabas namin ng kwarto ay hinatak nya ako papunta sa isang room doon. Sinabi nyang magpalit ako ng damit at suotin ang damit na gusto ko sa loob ng cabinet doon. Ganoon nga ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit puno ng magagandang damit ang kwartong pinasukan ko.

I wear a white knee-length dress. Simple lamang yon. I tied my hair in a messy bun and hinayaan ko lang ang aking white sandal. Hinintay kong balikan ako ni Jd ngunit hindi na sya bumalik. 6pm na ng gabi pero nandito pa din ako sa kwarto. Tanging ang isang babaeng katulong lang ang dumating.

Nagulat ako nang may biglang tumugtog sa paligid. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yon dahil nga sa takip ang aking mata.

When you're legs don't work like they used to before
I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will you're eyes still smile from your cheeks?

Naramdaman kong may kumabig sa akin at pinulupot ang mga kamay sa aking bewang. Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko kung sino ang lalaking malapit sa akin.

"Still gorgeous as ever, Loves." He whispered in my ears. Medyo kinilabutan pa ako dahil sa mainit na hininga nyang bumalot sa aking tenga.

"Can I have this dance please?"

"Can I take off the blind fold now? I wanna see you." Sabi ko at akmang aalisin na yon pero pinigilan nya ako.

"No. Please."Kumunot ang noo ko. Seriously? We will dance while Im on blind fold?

Inilagay nya aking mga kamay sa kanyang magkabilang balikat. Mas inilapit nya ang kanyang katawan sa akin at hinigpitan ang yakap sa aking bewang.

And darling I will be loving you till we're seventy
And baby my heart could still fall as hard at twenty three
And I'm thinking bout how people fall inlove in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Me, I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

Hindi na ako umangal. We just danced there with pure of love. His moves are reaching my heart. It is like he is trying to talk to my heart through his moves. I feel so loved and contented.

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are

Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat ni Jd. Kumunot ang noo ko.

"Jd? What's wrong?" Tanong ko ngunit naramdaman kong umiling lang sya. Pero nararamdaman ko din na he is shaking.

"Jd, Aalisin ko nating fold. Sumagot ka." Akmang aalisin ko ulit yon pero pinigilan nya ang kamay ko. He kissed my back hand and place it again in his shoulder.

"Please. Don't Liana. Please. Just don't" Nabigla ako nang garalgal ang boses nya at parang bulong na lamang yon. Hindi ko maintindihan kung bakit sya umiiyak. I want to ask him pero ayokong pilitin sya kaya sumunod na lang ako sa gusto nya.

Hanggang sa matapos ang kanta ay sumasayaw lang kami ng tahimik. Hindi na ako nagsalita pa at ganoon din sya. Nang matapos na ang kanta ay naramdaman ko syang pumunta sa likod ko at tinanggal ang aking piring.

Pagkita ko sa lugar ay napanganga ako. How did he this?

Ang garden na kanina ay punong puno lang ng mga bulaklak ay nagmistulang isang paraiso. Bawat bulaklak na nandoon ay may kulay pulang mga maliit na ilaw. Nakapalibot ito sa buong garden at unang tingin ko pa lang ay alam kong hugis puso ang mga ito kung titingnan sa itaas.

Sa gitna non ay may isang table at dalawang magkabilang upuan. May tatlong mahahabang kandila sa pinakagitna ng table. May champagne doon at nakita kong maayos na nakalugar ang mga pinggan, baso at mga utensils doon.

May nakatayo sa gilid non na nakaputing lalaki with black ribbon sa may leeg nya. He is holding a big bouquet of red roses.

Naramdaman kong niyakap ako ni Jd galing sa likuran.

"You like it?" Bulong nya sabay halik na maliit sa aking tenga. Napatalon pa ako sa ginawa nya.

"Y-yes. I love it, Jd. Thank you." Natawa pa sya nang mag stutter ako. Hinarap nya ako at nagulat pa ako nang makita kong namamaga ang kanyang mga mata.

"Jd. You cried? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko. Nakita kong umiling sya at ngumiti.

"I'm just happy that I have you. I really love you so much." Nakita kong hinawakan nya ang kwintas na binigay nya na nakasabit sa leeg. Infinity sign ang pendant non. Kumikinang ito dahil sa may mga maliliit na diamonds ang nandoon.

"I love you so much more, Jd." Napangiti ako. Hindi ko alam na ganoon din ang nararamdaman ni Jd. Yun bang sa sobrang saya ay parang gusto mo nalang umiyak.

Iginiya nya ako papunta sa table na nandoon. Pinaghila nya pa ako ng upuan at inalalayang umupo.

"The necklace really fit on you." Napahawak ako sa kwintas at ngumiti.

"Thank you."

Unang sinerve sa amin ay ang appetizer. Nang sa main dish na ay tahimik kaming kumain. Jd is really romantic. Hindi ko inakalang magagawa nya ito ng ilang oras lang. Kaya pala hindi nya ako binalikan dun sa kwarto. Napangiti ako dahil doon.

"Penny for your thoughts?" Umiling lang ako.

"Iniisip ko lang kung paano mo nagawa lahat ng to. Dapat ay nagpapahinga imbes na ganto."

"Ayaw mo ba? Seeing you smile is my relaxation." Kumindat pa sya ng sabihin yon. Napailing na lang ako at iniba ang usapan.

"Ano sabi ng doctor? Ilang araw ka pa ba dito?" Tanong ko habang kumakain. Nakita kong natigilan sya kaya tumigil ako sa pagkain at tiningnan sya.

"Well, the doctor said Im now fine pero I still need to rest here. Sorry, Loves." Tumango ako.

"I understand, Jd." Hindi ko alam kung totoo bang naiintindihan ko o napipilitan lang akong intindihin.

"C'mon, Loves. I need you to understand." Hinawakan nya ang kamay ko at inilapit yon sa kanyang labi para halikan.

"Naiintindihan ko, Jd. Ayoko lang ulit malayo sayo. Nahihirapan ako pag wala ka. Namimiss kita agad." Nakita kong parang nanigas sya sa sinabi ko. Yumuko sya at binitiwan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kaba guilt sa sinabi ko dahil doon.

"Be happy kahit wala ako. You deserve to be always happy, Liana. Promise me you'll be happy even without me." seryosong sabi nya. Bumuntong hininga lang ako.

"I can't do that. I want to be with---"

"Please. Promise me." Hindi ko na natuloy ang dapat sabihin ko. Tumango na lang ako.

"Promise." Sabi ko. Tinuloy lang namin ang pagkain. Tahimik kami hanggang matapos ang aming pagkain.

Nagdesisyon kaming libutin muna ang buong garden bago pumanhik sa kwarto. Umupo si Jd sa may damuhan doon at nabigla pa ako ng bigla sya humiga doon. Sinundan ko sya at umupo sa tabi nya. Tahimik syang nakatulala sa mga bituin sa langit na mukhang may iniisip.

"Im sorry, Liana but I love you very much." Seryosong sabi nya. Kumunot ang noo ko at tinitigan syang mabuti.

"I love you too, Jd. Pero bakit ka nagsosorry?" Nagkibit balikat lang sya. Hinila nya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib nya. I can smell his manly scent.

"Promise me that you will always remember that I love you so much. You are my first and last. Promise me." Yan na naman ang mga salitang yan. Napansin kong halos kanina pa nya sinasabi ang mga salitang yon.

"I will always remember, Jd. Promise." Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Good." He said then he lowered his head and crashed his soft lips into mine. I closed my eyes and feel his love.

_______________________
END OF CHAPTER

Ang sweeeeeeet ni Jd! Hahaha. Juice ko. Ako kinikilig kay Liana. XD

How was it? Feedbacks!

Loveyow!

Suichiann

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon