Chapter 40

0 0 0
                                    

CHAPTER 40

Naging magkaibigan nga kami ni Sebastian. Pag may free time kami ay lagi kaming nagkikita. Kahit na minsan ay nawiweirduhan ako sa mga hilig at gusto nya ay hinahayaan ko lang yon. I should accept that dahil kaibigan ko sya. Atleast he's real.

Hindi ko pa din maiwasan ang hindi maisip ang mga nangyari tuwing nasa kama na ako para matulog tuwing gabi. Minsan umiiyak pa din ako pero gigising pa din ako na may bagong lakas para harapin ang buong araw.

Naikwento ko na din lahat kay Basty ang tungkol doon. Hindi ko inaasahan na magiging palagay ang loob ko sa kanya. Ilang linggo na din ang lumipas nang araw na naging magkaibigan kami at hindi ko pinagsisisihan yon. Labis labis ang pasasalamat ko sa Diyos dahil dumating sya.

Minsan ay nadadaanan namin si Anna sa hallway na nagugulat pag magkasama kami ni Basty. Galit pa din ako sa ginawa nila. Alam kong darating ang panahon na mapapatawad ko sila pero hindi pa sa ngayon. They wrecked my trust.

Nasa may park kami ni Basty at kumakain ng chocolate ice cream habang naglalakad. Natutuwa ako sa kanya dahil sa para syang bata kumain dahil sa hinhintay nya munang may tumulo sa cone bago nya ito isusubo.

"Kaya natiturn off sayo si Vendetta e!" Sabi ko habang tawa ng tawa. Inismiran nya lang ako.

Totoong girlfriend nya si Vendetta. Nalaman ko yon nang minsang ihahatid dapat ako ni Basty pauwi sa amin ngunit biglang sumulpot si Vendetta na galit na galit. Nagseselos daw sya sa amin sabi ni Basty pero nang makausap sya at sinabing magkaibigan lang kami ay medyo naging okay sya sa amin.

Palihim nga lang ang relationship nila. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na tinanong dahil sa ayokong manghimasok sa relasyon nilang dalawa.

Natigil ako sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar na lugar. Nakatayo ako sa lugar kung saan naganap yung fireworks ng pangalan ko na ginawa ni Jd. Napailing na lang ako at bumuntong hininga.

"Naaalala mo pa din ba sya?" Tanong ni Jd. Tumigil din sya paglalakad at hinarap ako.

"Kelan ko ba sya malilimutan?" Hindi ko namalayan na nasabi ko yon ng malakas. Ang akala ko ay sa isip ko lang yon. Umiiling lang sya at lumapit sa akin.

"Kausapin mo kaya sya? Pakinggan mo ang paliwanag nya. Hindi mo talaga sya malilimutan kong hindi mo alam ang dahilan kung bakit. Paano mo sya mapapatawad kung tinatakasan mo ang katotohanan imbes na harapin yon?"

Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Ganun pa din ang epekto ng mga yon sa akin. Para pa din akong paulit ulit na sinasaktan pag nababanggit ang mga yon.

"Natatakot ako, Basty. Ayokong marinig sa kanya na hindi ako sapat. Na hindi na nya ako mahal at mas mahal na nya ang kaibigan ko." Lumungkot ang mga mata nya nang marinig yon.

"Liana. Lalo ka lang masasaktan kung hindi mo yon haharapin. Lagi ka na lang bang iiyak? Lagi ka nalang bang malulungkot dahil sa mga nangyaring yon? You deserve an explanation at alam kong kaya pilit na nag-eexplain sayo si Jd ay dahil alam nya yon. You deserve to be happy." Mas lalo akong naiyak sa sinabi nya.

"Pero wala na sya, Basty. Hindi na nya ko sinusubukang puntahan."

Alam kong kahit na iniwan nya ako noon ay nararamdaman kong sinusundan nya pa din ako. Dahil sa tuwing naglalakad ako papunta ng school at pauwi ay may nararamdaman akong sumusunod sa akin. Nung una ay natakot ako dahil sa akala ko ay masasamang tao. Pero hindi man lang sya nagtangkang lumapit sakin ng isang metro at sa tuwing lumilingon ako sa daan ay napapansin kong nagtatago sya.

May time na din na akala ko ay hahabulin ako nung aso dahil sa tinatahulan ako. Mukha itong nakawala sa pagkakatali. Tumatakbo itong lumapit sa akin. Nanginig ako sa takot kaya wala akong nagawa. Pero bago pa yon nakalapit sa akin ay narinig ko tong humiyaw. Nakita kong may malaking batong dumapo sa may bandang gilid nya kaya humiyaw ito sa sakit at agad na tumakbo palayo sa akin. Luminga ako sa paligid ngunit wala akong makitang tao. He saved me. Who is he?

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon