Chapter 24

16 1 0
                                    

Chapter 24

Natauhan ako ng marinig ko ang tawag sakin ni Mama. Dahil doon ay nagsimula akong naglakad. Inalis ko ang mga distractions sa isip ko at naglakad ng base sa kantang tumutugtog.

Naririnig ko ang mga palakpakan ng mga taong nanonood. Hindi ko alam pero mukhang napakadami ng mga pumalakpak sakin at sinisigaw ang 'Pampanga'.

Habang naglalakad ako ay kita ko na nakatiim bagang si Jd. Mukhang naiinis sya sa hindi ko malamang dahilan. Kaya binigyan ko sya ng matamis sabay kindat. Nakita ko syang nalaglag ang panga at siniko sya nung katabi nyang lalaki na Judge din. Pero inignora lang nya yon. Nakatingin lang sya sakin na may pagkamangha kaya lalo ako napangiti.

Apat silang judges na nasa harap ko. Si Shelly na nasa pinaka kanang bahagi ng mesa na katabi ni Jd tas ang may katabi si Jd na lalaki at yung lalaki ay may katabing sopistikadang babae na nakataas ang kilay habang tiningnan ako maglakad.

Tumalikod na ko para maglakad pabalik sa stage nang marinig kong may mga sumisipol sa mga nanood pero inignora ko lang yon.

"Fuck!" Rinig kong sigaw ni Jd pero hindi ako lumingon dahil naalala ko ang bilin ni Perly na huwag magpapadistract at tuloy lang sa lakad.

Nang pagdating ko sa may backstage ay naabutan ko si Perly na pumapalakpak at yinakap ako.

"Ghad. Panalo na tayo." Sabi nya na ikinatawa ko.

"Wala pa nga e. Mukha ngang talo ako." Nahihiyang sabi ko sakanya.

"Ano ka ba. Hindi mo ba nakita yung Apo ng mayor? Si Jonas. Laglag panga sya sayo girl. At yung pinsan nyang si Miguel na nakatingin sayo na parang type ka kaagad. Plus Judge si Shelly! Ay winner." Masiglang sabi nya kaya napatingin ang lahat ng mga nasa backstage samin.

Hinila ko sya papunta sa lugar namin kanina dahil masama na ang tingin nila samin at iniirapan pa sila ni Perly. Inayusan nya ulit ako para daw sa Face-off. Lahat kami sa stage.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang makita si Jd doon. Nang narinig kong tinawag kaming lahat ay pumila ulit ako sa pinaka huli. Nang makapasok kaming lahat sa stage ay tumigil ang tugtog ng kanta.

Narinig kong sinabi ng emcee na magtatanong ang mga Judges ng mga questions randomly. Kung sino ang tinawag ng Judge na sasagot ay kailangan sagutin yon.

Nakita kong si Shelly ang unang humawak ng mic kaya agad ako kinabahan. Ngumiti sya sakin kaya ngumiti din ako sakanya. Buong akala ko ay ako ang tatawagin nya ngunit hindi.

"If you will win this contest, what will you do with the prize? But before you answer that I want to compliment Ms.Pampanga for being so gorgeous. I wonder where did you get your genes." Humalakhak sya matapos sabihin yon at agad ako pinamulahanan at nailing at tahimik na tumawa.

Nang si Jd na ay lalo akong kinabahan pero hindi din ako ang pinili nya. Ni hindi na nga nya ko nilingon simula kanina. Parang pinipilit nyang hindi tumingin sa gawi ko.

"Ms.Pampanga." Nakangiting sabi nung katabing lalaki ni Jd kaya agad ako pumunta sa pinakagitna nung stage. Narinig ko na namang nagmura si Jd at sinamaan ang tingin sa katabi nya pero hindi sya pinansin nito. Nakatuon lang ang mata nya sakin kaya ganun din ang ginawa ko.

"Agree ako kay Ms.Shelly. You're so gorgeous. This is my question, Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging isang kilalang tao. Magiging sino ka at bakit"? Halos matawa ako ng marinig ko syang magtagalog dahil sa mukhang hindi sya sanay.

"Madami akong pwedeng gayahin or maging sila. Pwedeng maging presidente ng Pilipinas. Pwede ring maging isang sikat na manunulat na makakapagpamulat sa mga tao ng mga bagay-bagay. Pwede ring si Pacquiao na nagbibigay karangalan sa bansa natin. Pero isa lang talaga ang gusto kong gayahin at yon siya." Sabay turo ko sa itaas.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon