Chapter 42

0 0 0
                                    

CHAPTER 42

Nang makapasok ako ng bahay nila Jd ay agad akong kinabahan. Ilang buwan na din simula nong manggaling ako dito. Yun pang akala ko ay niloko nila akong lahat. Nagflashback lahat sa akin nang naabutan ko si Jd at Anna na magkahawak ang mga kamay at tawa ng tawa na nakaupo sa sofa ng bahay nato.

Yung pagluhod ni Jd nung paalis ako dito habang umiiyak. Yung pagsampal ko sakanya at pagtulak. Bakit ko nagawa yon? Nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Gusto ko nalang humingi ng tawad ng paulit ulit sa kanilang dalawa ni Anna.

Paano ko sya nagawang saktan at pahirapan kung labis labis na pala ang paghihirap nya? Dapat ay sinabi nya sa akin na may sakit sya. Para hindi ko sya sinaktan. Pero dapat sa una pa lang ay hindi ko na sya sinaktan kahit na yun ang akala kong ginawa nya, ang saktan ako. Hindi ko dapat na sinuklian ng sakit ang sakit na nadama ko. Nabulag ako sa nararamdaman ko.

"Liana. Nasa kwartong yon si Jd. Pumasok ka. Siguradong matutuwa yon pag nakita ka." Mapait ang ngiti ang pinakita ng Mama ni Jd sa akin. Tumango lang ako at agad na pumunta sa kwartong tinuro nya.

"Bakit po dito, Tita?" Napansin ko kasing maliit lang yon kumpara sa totoong kwarto nya sa itaas.

"Nahihirapan na kasi syang umakyat ng hagdan kaya dyan na lamang sya." Sabi ni Tita at nag-iwas ng tingin.

Parang pinilipit ang puso ko nang marinig yon. Jd is weak. Yan ang nakuha ko sa mga sinabi nya. Nangilid ang mga luha ko sa mga mata pero pinigilan kong tumulo yon. Ayokong makita nya kong galing sa pag-iyak o umiiyak. Ako dapat ang maging lakas nya. Dapat ay magpakatatag ako.

Lumapit ako sa pintuang yon at marahang pinihit ang pintuan. Agad ko syang nakita na nakahiga sa isang kama na tulog na tulog. Napasinghap ako nang makita ang itsura nya. Sobrang payat na nya simula nong una ko syang nakita. Hindi ko napigilan ang iyak ko nang makita syang payapang natutulog na para bang yun ang pinaka masayang bagay na magagawa nya.

Tinahak ko ang distansya namin at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama nya. Umiiyak ako ng walang boses. Nakatakip ang aking mga kamay sa aking bibig para pigilan ang mga malakas na paghikbi.

Ang Jd ko. Ang dating masayahin na tanging nagpapasaya sakin ay nahihirapan. Hindi ko kayang isipin na may kasalanan din ako kung bakit sya nasasaktan at nahihirapan. Gad! I hate myself!

Narinig kong pumihit ang pintuan ng kwarto ngunit hindi ko yon nilingon. Nakatitig lang ako kay Jd habang umiiyak.

"Liana, Anak." Nakita kong inilapag ng Mama ni Jd ang isang soup at madaming bote ng gamot doon sa may side table ni Jd.

"Tita. Im sorry." Yun lang ang nasabi ko. Hinagod ng mama ni Jd ang likod ko at marahang tinapik sa ulo.

"Wag mong ipakita kay Jd na mahina ka. Masasaktan yon pag nakita ka nyang umiiyak. Kung alam mo lang kung anong ginagawa nya tuwing nakikita ka nyang umiiyak at malungkot. Halos mabaliw sya, Liana. Please be strong for him." Nanginginig ang boses ng Tita ng sabihin nya yon. I know na nagpapakatatag din sya para kay Jd. Tumango ako sakanya at pinunasan ang mga luha. I should be strong.

"Tita. Bakit si Jd pa? Napakabait ni Jd." Sabi ko pero huminahon na ako. Umupo sya sa may mahabang couch doon na nasa may tapat ng paanan ng kama ni Jd.

"Tinanong ko na din yan, Anak. Ilang ulit pa nga e. Ang buong akala ko ay si Jhoana lang. Hindi ko akalaing pati si Jd."

Bigla ko naalala ang kambal ni Jd na si Jhoana. Binanggit ni Jd sa akin yon. Na namatay yung kambal nya dahil sa Tumor sa maikling panahon. Hindi ko naisip na pwedi ring mangyari sa kanya yon. Ugh! Kambal sila. Malaki ang possibility non!

"Noong ipinanganak ko sila ay sobrang saya namin ng Daddy ni Jd. Kambal agad ang naging anak namin. Isang lalake at isang babae kaya hindi na namin sila sinundan pa. They looked very little and fragile. Napakasaya ko. But 1 year after their birthday, their father died because of cancer. Brain cancer to be exact. At hindi ko akalaing yon pa ang mamanahin ng dalawa sa Daddy nila." Naiyak na si Tita ng sabihin nya yon. Lumapit ako at niyakap sya.

"I lost my husband. I lost My only daughter and I don't know if I can accept that my only son is also suffering because of that disease again! Sana ako nalang! Not my children. Not them. Oh gad!" Inalo ko si Tita dahil sa alam kong hinang hina na din sya. She is also suffering. Not physical but emotional.

Napakatatag nya. Imagine ilang beses sya dapat mawalan dahil sa pare parehong sakit? Ilang beses nya dapat pagdaanan ang ganung sitwasyon? Kung ako yon ay parang hindi ko kakayanin ang lahat ng yon.

"Bakit hindi nya din ako kunin? Bakit ko dapat pagdaanan to? Hirap na hirap na ako. Natatakot na akong mawalan."

"Tita. Jd is strong. He can surpassed this. Trust him. Hush, Tita. Hush. God will never leave you. Trust him also." Sabi ko habang yakap sya.

"Liana, parang anak na din kita. Salamat." sabi ni Tita at gumanti ng yakap.

"Hindi kita iiwan tita. I will always be at your side." Nakita kong napangiti sya sa sinabi ko at tumango sya.

"Osya. Baka magising na si Jd at makita nya tayong ganito. Pakainin mo sya pag gising at painumin ng gamot ha? Mag gogrocery lang ako. Buti nandito ka." Nginitian ako ni Tita. Tumango ako. Agad namang tumayo doon si Tita at lumabas ng kwarto.

Naiwan ako doon kasama ni Jd na tulog na tulog pa din. Mukhang pagod sya dahil ang himbing ng tulog nya. Lumapit ako sa kanya. Umupo ulit ako doon sa upuan nya.

"Jd. Mahal na mahal ka namin. Magpakatatag ka." Bulong ko sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko at hinalikan sa pisngi. Napangiti pa ako ng maamoy ko sya.

"Bakit ang bango mo pa din huh? Nagchichiks ka sa panaginip mo? Hmp. Subukan mo lang. Gigisingin kita." Mahina akong natawa sa sinabi ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa gilid ng kama nya. Tinitingnan ko lang sya at hindi ko namalayang nakatulog ako.

_______________________
END OF CHAPTER

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon