Chapter 38

0 0 0
                                    

CHAPTER 38

Bumuhos lahat ng sakit ng nararamdaman ko ng yakapin ako ni Mama. Gulat na gulat sya nang makita ako. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya. Halos isang oras ata kaming ganoon.

Hindi ko alam kung mapapawi pa ba ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang hapdi na ng aking mga mata pero mas mahapdi ang sugat sa dibdib ko. Doble dobleng sakit ang nararamdaman ko.

Niloko nila akong lahat.

Si Jd na iniwasan na lang ako at iniwan ng walang pasabi. Hinintay ko sya. Nagtiwala ako sa mga pinangako nya. Hinayaan ko ang sarili kong mahalin sya ng lubos pero ano makukuha ko? Panloloko? Pinaasa at ginawa nya kong tanga!

Kahit na nalaman kong umalis sya papuntang Canada na walang pasabi, hinintay at nagtiwala ako sakanya. Hindi ako nawalan ng pag-asa dahil sa mga ipinangako nya. Tapos malalaman kong wala pala sya sa Canada at nandito lang sa pilipinas. Worst? Nahuli ko pa syang may kalandiang iba.

Mas worst? Bestfriend ko pa! Si Anna na buong akala ko ay kasangga ko. Yung hindi nang iwan sa akin. Yung pinagkatiwalaan ko ng lubos! Yung taong alam ang totoong nararamdaman ko. Ang mga akala kong lakas ko ay syang wumasak sa akin.

Jd and Anna?

Paano nila nagawa sakin yon? Hindi ko kayang isipin na habang umiiyak ako at naghihirap na hintayin si Jd ay nagsasaya silang dalawa! Naglalandian at God knows kung ano pa ang mga ginagawa nila habang magkasama. I hate them. Hinding hindi ko sila mapapatawad.

"Anak. Tama na." Alo sakin ni Mama habang pinapasadahan ng kanyang palad ang aking likod.

"Ma." Yun lang ulit ang kaya kong sabihin. Hindi ko alam kung may salita ba na makakapag express ng nararamdaman ko. Kung kaya ko ba silang lumabas sa mismong bibig ko at kung kaya ko ba silang isipin pa.

"Liana. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" hinila nya ako papunta sa sofa para umupo. Umiling lang ako bilang sagot.

"Ayos lang sa akin kung hindi mo muna sabihin sakin. Nag-aalala lang ako." Sumiklab ulit ang sakit sa dibdib ko dahil sa mga salita ni Mama.

Inalala. Bakit hindi nila inalala ang kung ano ang mararamdaman ko? Bakit nila hinayaang maging tanga ako sa harap nila at masaktan ng ganito? Hindi ko maintindihan.

Nakita ko si Papa na lumabas sa may pintuan ng kwarto nila at agad na naglapat ang aming mga paningin. Malungkot ang tingin na ipinakita nya sa akin. Umupo sya sa tabi ni Mama.

"Anak. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Papa. Naiiyak na naman ako ngunit pinipilit ko ng pigilan yon. Tumango ako. Narinig kong bumuntong hininga si Papa.

"Liana. Alam kong malaki kana at alam mo na ang ginagawa mo pero lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng Mama mo. Wag kang mahiyang magsabi ng nararamdaman mo."

Sasagot na sana ako ngunit biglang kumalampag ang pintuan namin. Isang malakas na katok ang narinig namin. Bigla ako kinabahan. Parang alam ko na kung sino yan. Tumayo si Mama at pinagbuksan ng pinto yung kumakatok.

"Sus maryosep Jd! Bakit basang basa ka?!" Sigaw ni Mama at agad nya syang hinila papasok sa loob.

"Liana! Kumuha ka ng tuwalya. Baka magkasakit si Jd." Utos sa akin ni Mama pero hindi ako sumunod. Tiningnan ko sya ng may labis na pagkamoot.

"Ma. Wag na. Aalis na din sya." Sabi ko. Natigilan si Mama sa inasta ko at kumunot ang noo. Nakita kong napayuko si Jd dahil doon.

"Liana, Anak. Kung may away kayo ni-"

"No. Ma. Aalis na sya." Matigas na sabi ko.

"Liana. Mag-usap ta-"

"NO! Ayaw na kita makausap kahit kelan! Ma please. Paalisin nyo na sya. Please." Nagulat sila sa biglang pagtaas ng boses ko. Si Mama at Papa ay parehong nanlalaki ang mga mata pero hindi sila nagsalita. Gumaralgal pa ang boses ko sa mga huling salita.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon