Chapter 46

3 0 0
                                    

CHAPTER 46

Nagising ako ng may mainit na kung ano humahaplos sa mukha ko. Agad kong minulat ang aking mga mata only to find out that Jd is intently looking at me with his sad and tired eyes. Bumangon ako at kinusot ang aking mga mata. Naramdaman ko ang lamig sa kwarto. Kaya lumapit ako sa aircon para hinaan ito ngunit hindi pala ito naka-on.

"Liana.." Hirap na sabi ni Jd. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko at lumapit sa kanya. Tumango siya. Umupo ako at hinaplos ang mukha niya, pumikit siya na para bang dinadamdam niya ang haplos ko.

"C-can you open the window?" Nanginginig ang boses niya. Kumunot ang noo ko.

"Are you cold?" Ramdam ko din kasi ang lamig ng hangin. Umiling siya at itinuro ang bintana. Ngumiti ako sakanya. Lumapit ako sa bintana, hinawi ko ang kurtina nito at natigilan sa nakita ko.

It's Raining.

"Umuulan ba sa labas?" Tanong ni Jd. Nakatingin pa din ako sa bintana. Nakatulala. Naalala ko lahat. Nangilid ang mga luha ko sa mata.

Yung habulan namin sa field, yung putik, yung pagkarga niya sakin sa likod, yung stunt niya sa field ng school, yung unti unti niyang paglapit sa akin nung nasa pathway, yung fireworks display, yung habulan namin nung nasa tarlac kami, Yung oras na sinagot ko siya. Lahat. Bumalik sa isipan ko. Pumikit ako at inalala ko lahat.

'Lia-na." Napadilat ako nang marinig si Jd. Pinigilan kong hindi maiyak.

"Oo. Umuulan." Lumapit ako sakanya, umupo sa kama niya.

"Are you hungry?" Umiling siya.

"G-gus-to k-ko l-lumabas." Nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo.

"No. Jd hindi ka pwe-"

"Plea-se.. L-lia-na." nahihirapan siyang magsalita. Medyo mahina yon pero naririnig ko pa din.

"Jd. Please. You can't do this. Please iba nalang hilingin mo." Garalgal na din ang boses ko. Alam ko kung ano ang gusto niya magyari.

"I j-just w-wanna feel it a-again. Plea-se." Kahit labas sa kalooban ko ay tumango ako. Nagpaalam ako kay Mommy. Ayaw niya nung una pero pumayag din siya. Tinulungan niya pa akong alisin ang mga nasa katawan ni Jd.

Para akong sinasaksak ng paulit ulit habang nakikita ko siyang ngumingiti ng matamlay habang inaalis namin ang mga yon. Sinootan ko siya ng jacket at tinakpan din ng blanket at isinakay namin siya sa wheelchair niya. Habang inaayos ko si Jd ay nakatulog siya. Alam kong pagod na pagod na siya.

Panay ang buntong hininga ko para mapigilan ang bigat ng nararamdaman ko. Tumalikod ang Mommy ni Jd at humagulgol kaya agad ko siya hinatak palabas ng kwarto.

They are all weak. I should be strong.

Nang bumalik ako sa kinaroroonan ni Jd ay nakita ko si Mama at Papa sa may pinto ni Jd. Kita ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Si Mama ay nakatakip sa kanyang bibig at pinipigilan ang mga luha. Nang makita nila ako ay agad akong niyakap ni Mama. Walang nagsalita sa amin. Kumalas ako para pumasok sa loob ng kwarto.

Nakita ko siya doon na tulog na tulog pa din habang nakaupo sa wheelchair niya. Nagsuot din ako ng jacket.

"Jd, we'll go now outside." Narinig ko siyang umungol kaya nagsimula ko ng itulak ang wheelchair niya.

Paglabas namin ay nakita ko silang lahat na hinihintay kami. Si Mama, Papa, Anna, Mommy at si Mayor Suarez. Pare-pareho silang may malulungkot na mga mata. Hindi ko namalayan na nakapunta silang lahat dito ng ganun kabilis.

"Jd. They are here. Si Mama at Papa. Si Anna. Your favorite Lolo is here and of course our beautiful Mommy." Narinig kong humagulgol si Anna at Mommy. Nanginig din ang labi ko dahil doon at gusto ko ng maiyak. Pero pinili kong maging matapang.

"Sala-mat. Mahal ko kayo." Sabi niya kahit nakapikit pa din. Tinulak ko ulit ang wheelchair niya papuntang labas. Tinapik ako sa balikat ni Mayor na may luha na sa mga mata. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

Nang nasa may pintuan na kami ay sumalubong agad ang malamig na hangin sa labas. Humugot ako ng lakas bago tuluyang lumabas ng bahay. Agad dumampi sa akin ang malamig na tubig ng ulan at doon ko binuhos ang aking iyak. Tutal ay hindi naman ito makikita ni Jd.

"Jd. Feel the rain." Nanginginig kong sabi. Nakita ko siyang tumingala at sinalubong sa mukha ang patak ng ulan. Nakangiti siya.

"Protect her. Calm her. Be with her." Yun ang sabi niya habang nakatingala. Napasinghap ako at tinakpan ang bibig ko para hindi mapahagulgol. Tahimik lang ako umiiyak. Nakita kong tinuro niya ang carabao grass don.

"Upo tayo." Ani Jd. Sinunod ko siya. Inalalayan ko siyang umupo sa damuhan. Sumandal ako sa pader doon habang siya ay nakasandal sa akin. Basang basa na kami ng ulan. Niyakap ko siya galing likod. Ramdam kong hinang hina na siya dahil sa nakasandal na halos lahat siya sa akin. Hawak ko ang isang kamay niya.

"I love you, Liana. My first and Last." Naiyak ulit ako dahil sa sinabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya ba basang basa na.

"I love you too, Jd. No one can replace you in my heart. Your space will still be here inside."

Hinaplos niya ang aking kamay na nakahawak sa kanya.

"Sorry. Kung iiwan kita." Sabi niya. Umiling ako at hinigpitan ang yakap niya. Gustong gusto ko ng umiyak ng malakas dahil sobrang sakit na pero pinipigilan ko yon. Tahimik lang akong umiiyak.

"I want you to be always happy. I don't want to leave you with so much pains. Sorry, But I want to leave with you my side til my last breath."

"Kantahan mo ko." Sabi niya. Nagkunwari akong natawa pero ang totoo ay parang binasag ang puso ko dahil doon.

"I don't know how to sing." Sabi ko.

"Please? Yung tulad nung nasa ulan tayo." Nararamdaman ko na yung hinga niyang malalalim. Tumango ako.

"Buhos pa ulan aking mundo'y,
Lunuring tuluyan
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin nito ng puso kong,
Sumasamo
Pag-ibig ko'y, umaapaw
Damdamin ko'y, humihiyaw
Sa tuwa.
Tuwing umuulan at kapiling ka."

Narinig ko siyang pilit na humalakhak kahit na nahihirapan.

"Sintunado pa din, Loves." Sabi niya. Nagkunwari naman akong tumawa. Naramdaman kong mas sumandal pa siya sa akin.

"Ulit." Sabi niya. Kaya inulit ko nga yon. Sa pangatlong beses na ulit ko, Sa kalagitnaan ng kanta ay humigpit ang hawak niya sa kamay ko pero unti unti din yong lumuwag. Yung luwag na wala ng kahit anong pwersang nakahawak doon. Naramdaman kong tuluyan na siyang sumandal sa akin at bumagsak ang kamay niyang kanina humagaplos sa kamay ko.

Tinuloy ko pa din ang kanta. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Jd..." Sabi ko. Hindi siya sumagot kaya humagulgol na ako. Inilabas ko ang kanina ko pa pinipigilan na sakit.

Kumanta pa din ako. Ilang beses ko pang inulit yon. Kahit na nanginginig na ang boses ko ay patuloy pa din akong kumakanta.

Ang sakit na ng lalamunan ko pero kumakanta pa din ako. Yung kanta ko ay hagulgol na. Hindi ko na alam kung ilang beses kong naulit ang kantang yon habang hawak ang walang buhay na katawan ni Jd. Inuuga ko pa siya na parang pinapatulog lang.

Nakarinig ako ng sigaw na tumawag sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Kumakanta lang ako, umiiyak at yakap ng mahigpit si Jd.

Jonas Doan Suarez left me with a broken heart.

_______________________
END OF CHAPTER

Wakas na ba to? Hmm.. Let us see. Hahahaha. XD

Nakakalungkot ang ending ng love story.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon