Chapter 27

2 0 0
                                    

Chapter 27

Nakatulala lang ako sa sala ng bahay nila Jd. Pagdating namin dito ay agad na tinawagan ng isa sa mga katulong ang doktor daw ng pamilya nila Jd. Nang dumating yon pinasok si Jd sa isang kwarto. Naghihintay lang ako dito sa may sala ng bahay nila tahimik na nananalangin na maging maayos sya.

"Where is Jd?" Halos napatalon ako ng marinig yon. Agad ako lumingon sa lolo ni Jd bakas sa mukha nya ang labis na pag-aalala. Nakasuot pa sya ng isang pormal na damit.

Sinagot ng mga katulong ang tanong ng Lolo ni Jd. Bumaling ang tingin nya sakin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya dahil doon ay naiiyak na naman ako. Lumapit sya sakin at inabutan nya ako ng panyo na agad ko naman tinanggap.

"Wag kang umiyak. Magiging okay sya." Mahinahong sabi nya. Tumango lang ako at pilit na tumigil sa pag-iyak.

"Bakit hindi ka pa nagbihis? Mag-ayos kana. Magagalit si Jd pag nalaman nya yan." Narinig kong inutusan nya ang isa sa katulong na kumuha ng damit para sa akin at pinaluto nya ng mainit na sabaw.

"Hihintayin ko na po si Jd, Mayor Suarez." Ayokong pag nagising si Jd ay hindi nya ko makita. Tulad ng sinabi nya, gusto ko din na ako ang una nyang makita pag gising nya.

"Lolo na lang itawag mo sakin, Hija. Magbihis kana para mapuntahan mo na si Jd." Wala na ako nagawa kundi ang sumunod. Mabilis akong naligo at nagbihis kahit nagtataka ako sa mga damit na bigay nila ay sakto para sa akin.

Sinamahan ako ng isa sa mga katulong papunta sa isang room dahil yon daw ang bilin ni Lolo. Pumasok kami sa isang malaking kwarto at agad ko nakita si Jd na nasa kama na tulog na tulog pa. Si Lolo at yung doktor ay nag-uusap ng seryoso sa may gilid ng kama.

Nang mapansin nilang nakapasok na ako ay bigla sila tumahimik. Ngumiti sakin ang Lolo ni Jd.

"Hija. Ito si Doctor Santos. Doc si Liana. Girlfriend ni Jd." Nakita kong nagulat ang doctor sa sinabi ni Lolo. Kunot noo syang tumingin kay lolo pero agad din naman yun napalitan ng ngiti nang makitang nakangiti si Lolo.

"Here. Have a seat. I'll just ask you few questions. Is it okay?" Sabay turo ni Doc sa upuan malapit kay Jd. Tumango sa kanya at agad umupo doon.

"Can I ask, what do you think is the reason of his severe headache? May ginawa ba kayo?"

Kinwento ko sakanya lahat ng ginawa namin. Yung natulog kami tapos biglang umulan at naligo kami sa ulan at naghahabulan.

"Sweet story." Uminit ang pisngi ko ng humalakhak silang dalawa ni Lolo. "Pagod lang siguro sya. He need to rest but I still to do some tests para makasigurado tayo. He is now okay. Anytime magiging na sya." Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin yon ni Doc. Umalis sya after nyang gawin ang mga dapat nyang gawin. Naiwan kaming dalawa ni Lolo na nagbabantay kay Jd na tulog na tulog pa.

"I am glad na nakahanap na si Jd ng kasintahan." Nakangiting sabi ni Lolo habang nakatingin sya sa apo nya.

"Hindi pa po ba sya nagka kasintahan?" Muntik ko ng iuntog ang sarili ko dahil sa hindi ko na naman naiwasan ang dila ko na magsalita.

"Hindi pa. Simula noong namatay si Joana ay natakot na sya."

Joana? Yung kapatid nya na kambal nya. Oo nga pala.

"Bakit naman po?"

"Marahil ay natakot sya na maramdaman uli yong mawalan ng taong mahal na mahal nya. Sobrang malapit kasi silang dalawa ng kambal nya. Pinoprotektahan nya ito at inaalagaan kaya labis syang nasaktan sa pagkawala nya." Naging malungkot ang mga mata ni Lolo habang sinasabi yon.

Parang nararamdaman ko din ang kalungkutan nya. Lahat naman tayo ay takot mawalan ng minamahal sa buhay. Nakakalungkot lang na kailangan natin yon maramdaman at mapagdaanan.

"Salamat, Hija. Sana ay maging masaya kayong dalawa. Sana hindi na sya makaramdam ng lungkot. Tulungan mo sya sa mga takot nya. Wag mo syang iiwan kahit na anong mangyari."

Tumango ako. Nginitian nya lang ako tumango din. Kahit sabihin ni Lolo yon ay yun ang gagawin ko. Akala ko ay matapang si Jd. Walang takot sa puso nya or insecurities. Ngayon ko lamang nalaman na may ganito din syang side.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nagulat ako nang makita si Jd na nakatingin sakin ng nakangiti.

"Hey. Anong pinag-uusapan nyo?"

"Wala. Kinukwento ko yung nangyari sayo nung bata ka na naihi ka salawal mo dahil sa nakita mo yung crush mo."

"LO!" Natawa ako ng malakas ng marinig yon. Natawa din si Lolo at Nakita ko namang namumula si Jd at iniwas ang tingin sakin.

"Uutusan ko lang yung katulong na magdala ng soup dito. Pareho nyong kailangan yon." Umalis si Lolo ng kwarto kaya naiwan kami ni Jd.

"Love, how are you? May masakit oa ba sayo?" Nilingon nya ako ng may nanlalaking mata.

"Okay na ako. Tinawag mo akong Love e." Tumawa sya kaya hinampas ko sya sa braso. Parang kanina lang halos iuntog nya ang ulo nya dahil sa sakit ngayon ay bumabanat na.

Naramdaman ko na naman ang takot ng maalala yon. Para ulit akong nasa ganoong sitwasyon. Bumigat ang loob ko at naiiyak na naman ako.

Yumuko ako at pinatong ang ulo ko sa may dibdib nya.

"Love. Matutulog ka?" Tanong nya.

Hindi ko na napigilan at umiyak na ako. Natakot talaga ako kanina.

"Woah. Liana! What's wrong?" Natatarantang tanong nya sakin kaya hinampas ko ulit sya sa dibdib nya. Hinarap ko sya at nagsalita.

"Ikaw! Pinag-alala moko! Tinakot moko! Hindi ko alam ang gagawin ko. Takot na takot ako!" Umiiyak kong sinabi yon habang patuloy na hinahampas ang dibdib nya.

Natigil lang ako sa paghampas ng hawakan nya ang dalawa kong kamay at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Sorry kung pinag-alala at tinakot kita. Hindi na mauulit yon. Pangako." Nakita kong seryoso at may lungkot ang mga mata nya nang sinabi nya yon.

"Wag mo na uulitin yon, Please Jd. Hindi ko alam ang gagawin ko." Umupo sya at sumandal sa may headboard ng kama. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at unti unti nyang nilapit ang mukha nya sakin.

Pumikit ako nang maramdaman ang mainit at malambot nyang labi sa labi ko. Sandali lang yon. Pagkatapos non ay yinakap nya ako ng mahigpit.

"Pangako, Love." Naramdaman ko na kumalma na ako. Niyakap ko sya pabalik at siniksik ang ulo ko sa may dibdib nya.

"Mahal na mahal kita, Liana. Gagawin ko ang lahat para hindi ka lang masaktan."

Napangiti ako nang marinig yon. Ang sarap pakinggan ng mga salitang yon na nanggaling mismo sakanya. Ang pinakamamahal kong lalaki. Damn. I'm so inlove.

"Mahal na mahal din kita, Jd." Naramdaman kong mas hinigpitan nya ang yakap sakin na para bang any time ay tatakbo or mawawala ako.

______________________
End of chapter

Kaylangan ng putulin dito! Nabibitter na ako. Hahaha charot! XD Kinilig ba kayo? Sarap mainlove no? Akin ka nalang Jd please? Hahaha.

Feedbacks. :)

Fb: Suichiann WP

Loveyow!

Suichiann

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon