Chapter 41

2 0 0
                                    

CHAPTER 41

"Liana, anak maiwan muna namin kayo." Sabi ni Papa at sabay silang umalis ni Mama. Umupo ako sa sofa.

"Tita. What are you doing here?" Nanginginig na tanong ko sa Mommy ni Jd.

"Liana. Im so sorry, Anak." She said the burst into tears. Natigil ako nang makita syang ganon. Namumugto ang mga mata nya na mukhang kanina pa sya umiiyak.

"Alam kong galit ka sa akin dahil niloko kita. Sana mapatawad moko, Liana. Sorry." Nangilid na rin ang mga luha sa mga mata ko.

"Tita. Hindi po ako galit sa inyo. Pero bakit nyo po yon nagawa?" Umiiyak na ako at nanginginig ang mga labi. Lalo pa syang naiyak ng sabihin ko yon.

"Liana, Anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagawa ko lang yon bilang isang ina. Hindi ko intensyon na saktan ka pero nagawa ko. Naging masama ako sayo. Patawarin mo sana ako."

Hinawakan nya ang dalawa kong mga kamay. Mahigpit yon na para bang doon sya kumukuha ng lakas. Naguguluhan ako.

"Hindi ko po maintindihan, Tita." Sabi ko.

"Alam mong gustong gusto kita para kay Jd nung una pa lang kitang makita. Alam kong mabait kang bata. Napamahal kana sa akin, Liana. Lalo na nung mga panahon na nalalaman kong pinupuntahan mo pa din ako sa bahay kahit na iniwan ka ni Jd ng walang paalam kahit na hindi naman totoo lahat ng yon. Im so sorry."

"Tita. Bakit po kung ganon? Bakit mo sinabing umalis sya? Bakit po nya ko niloko?" Umiling si Tita sa akin at tinitigan ng maayos sa mata. Bakas pa din doon ang labis nyang pag-iyak.

"Liana. Hindi ka niloko ni Jd. Pinrotekhan ka lang nya. Ayaw ka nya masaktan na kahit sya nalang ang magdusa at masaktan ay ginawa pa din nya. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang may idea ng lahat. Kaya humihingi ako ng tawad ngayon sayo. Hindi ka nya gustong saktan." Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi nya. Hindi ako niloko ni Jd? Pinoprotektahan nya lang ako? Saan? At bakit?

"Liana, makinig ka. Hindi ka niloko ni Jd at Anna. Hindi naging sila. Totoong kaibigan mo si Anna. Ginawa nya lang din yon para sayo. Nagawa nya din yon dahil sa ayaw ka nyang masaktan. Tinulungan nya si Jd na itago ang lahat sayo. Sya ang unang nakaalam ng lahat.

"Na ano tita? Please tell me." Sabi ko. Bumuntong hininga sya.

"May sakit si Jd, Liana. Tumor stage 4." Humagulgol sa iyak si Tita habang ako ay parang binuhusan ng malamig na tubig at tinusok yon ng libo libong pako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"T-totoo po ba y-yan, Tita?" Hindi ko pa din maiwasan na hindi magduda pero tuloy tuloy na ang buhos ng luha ko.

"Liana, Jd needs you. Please puntahan mo sya. Kailangan ka nya. Hinang hina na sya. Please nagmamakaawa ako sayo. Please." Nabigla pa ako nang lumuhod ang mama ni Jd sa harap ko habang hawak pa din ang mga kamay ko. Agad naman akong umupo kung nasaan sya at hinarap sya.

"Tita. You don't have to beg. I will always be at Jd's side." Sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit at humagulgol na din.

Jd is in pain. Buong akala ko ay ako ang nasasaktan! Buong akala ko ay sya ang masama! Ngunit ako pala! Ugh. I hate myself dahil hindi ko sya pinakinggan.

And Anna? What did I do? Iniwasan ko sya sa wala? Hindi ako nagtiwala sa kanila. They just trying to protect me from more pains! Ako ang nananakit sa kanila. Ako ang masama dito! Ang selfish ko! Ang tanga ko!

Tinago nila sa akin yon dahil sa alam nilang masasaktan ako. Kaya lumayo si Jd sa akin dahil sa ayaw nya akong masaktan? Pero nasaktan din ako sa paglayo niya. But I judged him. Hindi ako naniwala sa mga salita nya. Hindi ako nagtiwala sa mga pangako nya.

Ang tanga tanga ko at ang sama sama ko.

Si Jd. Anong ginawa ko? Hinayaan ko syang mabasa sa ulan, nanginginig doon habang nakaupo sa harap ng gate namin at nagmamakaawang pakinggan ko. But what did I do? Hinayaan ko sya at nagmatigas. Hindi ko sya naisip. Hindi ko naisip ang mga dahilan nya.

"Tita. Nasaan po si Jd? Pupuntahan ko sya."

_______________________
END OF CHAPTER

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon