Chapter 12

50 2 10
                                    

Chapter 12

Dumaan ang mga araw na ganong lagi ang set-up namin.

Lagi ko na syang kasabay maglunch kasama ni Van at Anna Marie. Kahit na minsan ay aso at pusa pa din and dalawa kong kaibigan. At parang laging badtrip si Van.

Si Van ay lagi ako hinahatid sa bahay pauwi. Naging okay na ang lahat simula nung may sinabi syang weird sakin. Bumalik yung dating prince ko.

Im so happy!

Nararamdaman ko din ang unti-unting paglalim ng pagtingin ko kay Jd habang dumadaan ang mga araw.

Umpisa pa lang ng araw na to ay nakangiti nako.

Umuulan kasi.

Nagising ako sa patak ng ulan sa yero ng bahay namin ngayong umaga. Ngayon lang ulit umulan simula noong akala ko ay pinaasa ako ni Jd.

Ang sarap pakinggan ng ulan. Parang at peace ang mind ko. Para bang ang saya-saya ko dahil sa ulan.

Kaya naman masigla ako pumasok sa school. I didn't even bring my umbrella. Nagpasundo lang ako kay Van para hindi ako mabasa. Though gusto ko sana maligo sa ulan kaso may pasok pa ako.

Dati ay pangkaraniwan lang sakin ang ulan. Pero dahil sa isang tao ay naging special ito. Alam nyo na? :)

Naging Hyper ako sa loob ng room. Nagpaparticipate ako at sinasagot lahat ng tanong ng prof ko. Natapos ang class ko ng mabilis. Hindi ko namalayan dahil sa nakafocus ako.

Nasa cafeteria ako kasama ni Anna. Kumakain kami habang nag-uusap. Hindi sumabay si Jd ngayong araw nato. May gagawin daw sila ng mga classmate nya about sa thesis nila.

It's still raining.

I am silently eating nung makita ko si Van na papasok sa cafeteria. Agad namang nagtama ang paningin naming dalawa. I immediately gave him a smile. And he smiled back pero alangan ito. Alam kong peke iyon.

May problema na naman ba?

Papalapit sya samin ni Anna. Tumayo ako para sana salubungin sya ng biglang,

May lalaking lumapit sakin at inabutan ako ng white rose.

Kumunot ang noo ko. Sino to?

Nagulat ako nung may isang lalaki ulit na nagbigay ng white rose. Hanggang sa sunod sunod na ang mga lalaking lumalapit at nag-aabot ng bulaklak.

I tried to asked them pero ngiti lang ibinabalik nila sa tanong ko.

99 White Roses.

Naguguluhan akong tumingin sa paligid ko. Si Anna ay biglang nawala sa tabi ko. Yung mga lalaking nagbigay ng mga roses sakin ay nakangiting nakapalibot sa cafeteria.

Anong nangyayari?

"Feels like I have always known you And I swear I've dreamt about you. All those endless nights I was alone. It's like I've spent forever searching. Now I know that it was worth it. With you it feels like I am finally home."

Laglag panga akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nangagaling ito sa speaker na nasa loob ng cafeteria. Hindi ako pwedeng magkamali. That familiar voice.

Hindi ko alam kung ano irereact ko. I was stunned.

"Falling head over heels but with you it's like the first day of my life."

Naguguluhan ako sa nangyayari. Lumabas ako ng cafeteria para pumunta sa kung saan pwedeng manggaling yon. Pero nagulat ako sa nakita ko.

I saw Jd. Nakatayo sya sa pinakadulo ng canopy. Nakita kong nakaayos ang canopy. Ang gilid nito ay naliligiran ng mga puting bulaklak. At may green carpet na para bang nagsisilbing grass. It's like nung nasa field kami.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon