Chapter 26

5 0 0
                                    

Chapter 26

Naggising ako na dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko. Nang iminulat ko ang mata ko ay nakita kong sobrang liwanag ng kwarto ko dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa kwarto ko.

Agad akong napabalikwas at tumingin sa oras sa cellphone ko. Nagulat ako nang malaman na alas diyes na pala ng umaga. May usapan kami ni Jd na pupunta kami sa bahay nila dito sa tarlac. Dali dali akong lumabas ng kwarto kahit hindi pa ko nakapag-ayos ng sarili ko. Kaylangan kong magpaalam kina Mama at Papa.

Nasa hagdan palang ako pababa ay muntik na akong umurong at bumalik sa kwarto ko. Naabutan ko na nasa sala silang lahat kasama si Jd at mukhang nagkakatuwaan sa pinag-uusapan nila dahil sa may mga ngiti sila sa kanilang labi.

Nakita kong napatingin sila sakin kaya agad kong chineck ang sarili. Im only wearing a white sleeveless shirt and a short-short na kulay pink. Magulo pa ang buhok ko at hindi ko alam kung anong itsura ng mukha ko.

Mabilis akong tumakbo papuntang Cr at nag-ayos ng sarili ko. Damn! I should have fix my self first bago bumaba! What is he doing here by the way? Ugh!

Nang lumabas ako ng banyo ay nakita kong nandoon pa din sila sa sala kaya lumapit na ako doon.

"Liana. Kanina kapa hinihintay ni Jd. Hindi mo sinabi na may pupuntahan pala kayo, hindi ka naggising ng maaga." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Agad ako tumingin kay Jd at agad naman nya ko nginitian.

"It's okay tita. Medyo late na din po kasi kami nakauwi kagabi baka po napagod sya lalo na dun sa contest."

"Kahit na. Naku. Baka sabihin ni Mayor Suarez pinaghihintay ka namin at palayasin pa kami dito sa resort nyo." Batid ko na nagbibiro lang si Mama ng sabihin yon pero nagulat ako ng marinig na resort pala nila ito?!

"No. Tita. You can stay here as long as you want." Nakita ko namang napangiti si Mama nang marinig yon pero Agad nya ibinaling sakin ang tingin nya.

"Mag-ayos kana Liana. Dalian mo baka naiinip na si Jd." Natawa si Jd nang marinig yon ako naman ay agad na bumusangot at agad na pumanhik sa taas para makapag ayos na.

Nang nasa kotse na kaming dalawa ni Jd ay nakakabinging katahimikan ang nangyari. Seryoso lang syang nagda drive at nakatuon ang mga mata sa kalsada samantalang ako ay dahil sa sobrang pagod at puyat ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako buong byahe.

Nagising lang ako nang parang umaalog ang dinadantayan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nabigla ng makitang karga ako ni Jd na bride style. Agad na ibinaba nya ang tingin nya sakin at ngumiti.

"Sorry. Nakatulog pala ako. Ibaba mo na ako." Nahihiyang sabi ko sakanya. Agad naman tumango at sumunod sa sinabi ko.

Inalalayaan pa nya ako na makatayo nang maayos dahil sa bigla ako nahilo dahil ata sa biglaang paggalaw ko. Napahawak sya sa magkabilang bewang ko samantalang ako ay sa braso nya.

Nasa ganoong posisyon kami nang may biglang nagsalita sa may harapan namin nang hindi namin namamalayan. Agad akong bumitiw kay Jd pero hindi nya ko binitiwan.

"Apo. Bakit dito kayo sa labas naglalabing labing? Sa kwarto mo kayo." Sabi ng isang matandang lalaki na tanya ko ay nasa 70 years old na. Nakangiti ito sa amin.

"Lo. This is Liana. My girlfriend."

Medyo nagulat pa ako ng sabihin ni Jd yon dahil ngayon ko lang yon narinig kaya siguro hindi pa ako sanay. Agad ako lumapit at inabot ang kamay ng lolo ni Jd para magmano. Malugod naman nya itong binigay.

"Nagmana ka talaga kay Lolo. Magaling pumili." Nag-init ang mukha ko ng marinig yon. Si Jd at ang lolo nya ay narinig kong tumawa ng malakas dahil siguro sa reaksyon ko.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon