Kinabukasan, alas sais pa lang ng umaga nang umalis ako sa aking cabin. Pumantik ako papunta sa bukas na restaurant at bumili ng kape at sandwich.
Pagkatapos dumiretso na ako sa kwadra. Balak ko mag horse riding ngayong umaga. Balak kong puntahan ang dulo ng lupain. Hindi magugutom si Lux roon dahil maraming madadaanan na pwede niyang kainan.
"Ma'am Ange! Totoo nga't dumating kayo! Igagala mo ba si Lux?" ngiting ngiti na tanong ni Mang Juan. Tumango ako sa kanya, siya ang nangangalaga ng mga kabayo dito.
Five of us have our own horse here. Iba pa ang mga kabayo na ino-offer nila sa mga turista. Kahit na bihira kami rito, inaalagaan nila ang mga kabayo namin. Pero sa aming lima, si Ija lang ang madalas dito. Siya rin ang gumagala sa mga kabayo namin 'pag nag pupunta siya rito.
"Opo, Mang Juan, balak ko sanang dalhin si Lux sa dulo. Ngayon ko na lang ulit siya magagala." sabi ko habang hinihimas ang ulo niya.
"Kumusta naman ang byahe niyo? Mga batang ire! Ang hilig niyong pumunta rito sa alanganing oras, mabuti at hindi kayo naabutan ng ulan. Mga batang ire." alanganin akong ngumiti sa kanya.
"Hehe, pasensya na po, Mang Juan. Alam mo po naman," pangbibitin ko habang kumakamot kamot pa sa ulo ko. Sa susunod nga ay hindi na ako gigising ng maaga, ako ang nasasabon ni Mang Juan, eh.
Sino ba kasing nag aya ha, Era? Kung mag aya ka kasi madaling araw ng gabi.
"Hm, ang iyong mga kaibigan, Ma'am Ange? Tulog pa ba?" tumango ako at sinimulan ng ilakad palabas si Lux.
Swabe akong sumakay kay Lux at hinawakan ang tali. I fixed the slit of the long white maxi dress that I am wearing. It is a long dress with a slit on the right leg. Sa ilalim nyon ay ang puting two piece bikini.
"Salamat po, Mang Juan. Pag hinanap po nila ako pakisabi na lang po na naglilibot ako." tumango siya sa akin at nakangiti na kumaway.
Sinimulan kong patakbuhin si Lux. Ang mahaba kong buhok ay nakalugay at sumasayaw sa hangin. Dumaan ako sa lugar na maraming puno at basa pa ang lupa. Pagkarating namin rito kahapon ay umulan, maaga pa lang kaya hindi pa natutuyo ang lupa.
Paminsan minsan ay tumitigil ako 'pag tinatawag ako ng kakilala. Kaibigan ko ang mga empleyado rito. Ang mga nakatira sa lugar na ito ay eksklusibo para sa mga empleyado lang. At si Rai lang ang may bahay rito.
Mas binilisan ko pa ang patakbo kay Lux, para na lang akong dumadaan sa hangin. Tumigil ako ng marating ko ang dulo ng lupain. Sa totoo lang, maganda ang dulo ng lupain dahil may falls. Hindi nga lang 'yon masyadong napupuntahan dahil masyadong malayo, at saka, pag may mga turista, madalas ron sila sa malapit naliligo. Sabi nila, unang tapak pa lang sa rancho ay nakaka relax na. Pero kung ako, lilibutin ko talaga ang rancho dahil mahal ang per night rito 'no.
Bumaba ako sa sakay na kabayo at tinali siya sa isang puno na may mga damo. Tinanaw ko ang talon. Napapalibutan 'yon ng mga puno. Sakto lang ang bagsak ng tubig, medyo may kalaliman pero kaya naman languyin. May hagdan rin na gawa sa bato kung ayaw mong tumalon sa falls gamit ang mahabang lubid. May mga kubo rin sa paanan ng falls, pwedeng tumambay at mag picnic kung gugustuhin. May balsa rin ron.
Tinahak ko ang hagdan para makababa. Nakapamewang akong tumitig sa talon. Ah! I miss this place! Hinubad ko ang suot ko na puting maxi dress at isinabit sa sanga ng puno. Umakyat ako sa isa pang hagdan na gawa sa bato para makatalon gamit ang makapal na baging.
"Whoo!" sigaw ko ng makabagsak sa talon. Iba talaga ang sarap ng lamig 'pag umaga. Masarap sa pakiramdam. Paulit ulit akong lumangoy hanggang sa mapagod ang aking mga braso. Lumangoy ako papunta sa parte na may konting daloy ng tubig at nilagay ang magkabilang kamay sa bundok at pumikit. Para akong nag s-shower, nga lang, ang tubig ko ay galing sa bundok.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22