xxiii

68 6 3
                                    


"Evangeline, anong sabi mo?" may diin niyang tanong.

"Maghiwalay na tayo." pag uulit ko.

Sinundan niya ako sa walk in closet at marahan na hinawakan ang siko ko. "Harapin mo ako, sa harapan ko mo iyan sabihin."

Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin at tiningnan siya sa mata. Mata na nabigla, natatakot at kinakabahan.

"Bakit? May nagawa ba akong mali? May ayaw ka ba? Bakit?" pahina nang pahina ang boses niya.

Ang mata niya ay puno ng pagtatanong.

Gulat na gulat nga siya nang marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Wala. I just want to have a break."

"Break from what?"

"From all of this." sambit ko.

He licked his lips. "I don't understand... bakit biglaan? Parang kahapon ang sabi mo sa 'kin mahal mo ako. Tapos ngayon?" umiwas siya ng tingin, marahas na pinunasan ang luha na kumawala sa mata niya.

Ang sakit... ang sakit na makita siyang ganito. Na... sinasaktan ko siya dahil...

"Ano ba 'yon, Evangeline? Wala naman atang biglang nagigising nang tulad niyan. Ano 'yon? Pag mulat mo kanina ganito ang nasa isip mo? 'Ay ayaw ko na kay Skyler.', 'Gusto ko makipaghiwalay sa kanya kasi ayoko na, eh.'" mapait niyang sambit, ang boses ay unti unti ng nababasag.

"No... it's not like that." sabi ko at hinarap muli ang maleta ko.

"Please... bigyan mo naman ako ng rason kung bakit. Bakit ayaw mo na? Ayaw mo ba nang maya't maya ka tinetext kapag kasama mo sila Yvo? Ayaw mo ba ng maya't maya ko sinasabi na mahal kita? Na lagi kitang hinahanap? Anong ayaw mo? Love, please... magbabago ako..."

"No... no..." pilit kong pinapatatag ang boses ko. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang mga damit ko. I don't need much but...

"Eh, ano?" he clicked his tongue and laughed dryly. "Putcha, para naman akong tanga rito. Ganoon ba kamahal ang paliwanag mo?"

Hinarap ko siya at pilit na nagpapakatatag. "I just need a break, okay? Wala kang ginawang mali. Siguro nga tama ka, pag gising ko kaninang umaga, roon ko napagtanto na ayoko na."

"Na hindi mo na ako mahal?" mahinang tanong niya, ang mata ay diretsong nakatingin sa 'kin.

Kumikislap ang mata niya... pero hindi dahil sa saya. Iyon ay dahil sa... sakit.

"We can just cool off, pwede naman na hindi na maghiwalay." nagmamakaawa niya.

Skyler... this is not love.

Ang pagmamahal ay binibigay ng kusa at hindi nagmamakaawa. Hindi ganitong klaseng pagmamahal ang nababagay sayo. You deserve so much more.

"It's the same thing." I said at hinagis sa maleta ko ang mga damit na nadampot ko.

Nakita ko ang dahan dahan siyang tumango.

"Sige... kung ito ang gusto mo." tumango tango siya habang nakatingin sa kisame. "Ang sabi ko naman noon... hinding hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo kahit gaano ko pa kagusto... kung ayaw mo na..." pagak siyang tumawa bago pinunasan ang bagong luha na nalaglag mula sa mukha niya. "... edi iintindihin ko. Kahit wala talaga akong maintindihan."

Sobrang sakit ng lalamunan ko para mapigilan ang pag iyak... pero sa tingin ko kapag nasasaktan ka, kusang tutulo ang luha sa mata mo, nang hindi mo malalaman.

"I'm sorry..." I whispered quietly while sobbing.

"Para saan?" agad niyang tanong. "Sorry dahil nasasaktan ako ngayon? Oh sorry dahil napilitan ka lang sa 'kin? Kasi 'di ba ang kulit ko? Kinulit kita." pinadaan niya ang kanyang daliri sa kanyang buhok, piniga pa na parang sinabunutan ang sarili. "Putcha. Ako yata ang dapat mag sorry. Pasensya ka na."

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon