"... please?" dagdag niya. "Hindi ko kayang... pakawalan ka ulit. Love please, can we fight together? Please? Stop fighting alone, nandito ako... maari mo akong sandalan."
"Skyler..." I mumbled softly.
Napapikit siya sa sinabi kong iyon. Naisandal niya ang noo sa 'kin. "Sa bibig mo lang maganda ang pangalan ko."
Hindi ko mapigilan na hindi matawa sa sinabi niya. "Anong nakakatawa?" sabi niya at nilayo ang mukha. Salubong ang kilay niya.
Ah, I missed him.
So freaking much.
"Huy, nakikipag usap ako ng maayos bakit ka natawa d'yan? Seryosohin mo ako, please." napairap ako sa sinabi niyang 'yon na ikinatawa niya.
Sineseryo ko naman siya ah? Natawa lang ako sa pang bobola niya.
"Seryoso ako," I said and tried not to laugh. Pinagmasdan niya ang mukha ko, sa huli, sumimangot rin siya.
Napakamot siya sa sintido niya, nag iisip. "Na unsa," mahina niyang bulong sa sarili.
"What?"
Na unsa? Parang narinig ko na iyon kay Jade.
"Pasalamat ka talaga." dagdag niyang bulong.
"Kasi?" tanong ko, bahagyang nakataas ang isang kilay.
"Sumusungit ka ata ah?"
"Bakit ako magpapasalamat?"
"Kasi binisita ka ng poging tulad ko," he wiggled his eyebrow.
Wala pa rin pinagbago si Skyler. Parang ganon pa rin ang topak ng utak niya. Mataas confidence niya na mapagkakamalan mo na siyang weirdo.
"'Di nga, usap nga kasi tayo seryoso." sambit niya at marahan na hinihila hila ang braso ko. Minsan ganito ang anak namin, madalas maghila ng braso lalong lalo na kapag may ipapabili.
Namin...
Totoo naman na anak namin. Alam ko na sa kanya si Caele dahil kuhang kuha ni Caele ang kulay ng mata niya, just a little lighter. Kuhang kuha niya rin ang buhok ni Skyler at kung paano ngumiti.
"Anong iniisip mo?" mahina niyang tanong, pinaglalaruan ang kamay ko.
Napatitig ako sa kamay ko na hawak niya bago nagsalita. "Tanggap mo ako kahit may anak ako?" tanong ko at tiningnan siya ng diretso.
Agad siyang tumango.
"Oo bakit?" sagot niya. "Ayaw mo bang tanggapin ko? Sorry ka, tanggap ko." sabi niya at pinitik ang noo ko. "Sinong tatay, girlie?" casual niyang tanong.
"Chismoso ka." sabi ko sa kanya. Ngumuso siya sa 'kin.
"Hindi ako makapaniwala na may tumakbo sayo. Sa gandang mo 'to? Puta, sila ang lugi." pang bobola niya at hinaplos ng marahan ang baba ko. "Sino nga? Ano pangalan nang mapagpasalamat."
Kumunot ang noo ko. "Dahil?"
"Dahil matatali ka sa 'kin, sa ayaw at gusto mo." kinurot ko ang braso niya. Puro talaga kalokohan ang isang 'to. "Oo nga, ayaw mo bang maniwala? May pari d'yan sa labas saka judge. Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya dalawa kinuha ko." sabi niya sa seryosong boses. "Ano bang gusto mo sa dalawa?"
"What?! Are you even serious?" agaran kong tanong. Why would he bring those kinds of busy people to a hospital?!
"Joke lang. Take your time to heal. But you can't run away from me anymore." seryoso niyang saad.

BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22