xxxi

66 4 0
                                    


Hindi ko alam na ang bahay pala na tinutukoy ni Rai ay ang bahay na binili niya noong araw na nalasing sila ni Kollin... ang bahay na binili out of the blue. Hindi ko alam na tinitirhan pala ito ni Rai. Sinundan ko lang rin si Jade dahil ang sabi niya baka hindi ko alam ang daan kaya convoy kami.

Oh well... I know it. Very much.

Many memories flashed through my mind like a freaking blowing gale. I didn't know that it could be like this. That you could possibly miss someone crazily... like this. The things that we did together, our first kiss, our spontaneous trip... everything. I think everything came back... instantly.

Bumuntong hininga ako ng makarating ako sa loob ng bahay ni Rai. He just smirked at me and pressed a kiss on the top of my head.

"Aw, I didn't know that you're using this house, Rai." Tana said and gave me an old fashioned glass with cognac.

"Sayang eh." ani Rai, he opened the box of pizza and got a slice. Si Jade naman ay inangkin na ang isang box. Nasa hita niya ang mga iyon, sa kabilang kamay ay may coke.

Tana let out a long sigh, "Crazy," I mumbled under my breath.

Rai just laughed.

Pumindot siya nang kung anong number sa karaoke na hinanda niya. "Where's Yvo?" tanong ko nang igala ang paningin sa bahay, apat lang kaming nandito. Si Lian naman ay understandable na kapag wala.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa kami nasa bansang 'to. Maybe we're just good at time management. Or maybe we have a lot of responsibilities. I don't know. But one thing for sure, I won't go to this country for a while. Pag natapos ko na ang lahat, I'll go back to the place I was born and raised.

"I'm here," Yvo said and also kissed the top of my head.

"Hey, you look exhausted," sambit ko.

"Drink meds," si Tana, ang tingin ay nasa TV.

"You know what you need, Yvo?" tanong ni Rai habang bahagyang iniikot ikot ang alak na nasa baso niya.

Tumabi sa 'kin si Yvo, kinuha ang alak na nasa kamay ko at nilagok bago tiningnan ang kaibigan.

"Kalibugan na naman." sambit ni Jade.

"What is it, Rai?" tanong ni Yvo.

"Some good orgasm," kibit balikat ni Rai at nagkibit balikat.

"Gosh,"

"God,"

Simula nang makagraduate si Rai ng kolehiyo, mas lalong naging straightforward ang bibig niya. Or most likely sobrang straightforward niya pagdating sa mga ganyang bagay. Buhay na buhay ang pagkatao ni Rai pag sex ang pinag uusapan. Hindi ko alam kung bakit.

"Gago." sambit ni Yvo at nagsalin ng panibagong alak.

"Deserve," Jade said and munched her two pizzas.

Dahil wala naman kaming ganang magkwentuhan, nagpa tugtog na lang si Jade ng kanta. Medyo malakas iyon pero nagkakarinigan pa rin kami. Hindi naman kami totally na nag uusap, kanya kanya kaming tulala at inom.

And it's strange how your face doesn't look so innocent. Your secret has its consequence and that's on you, babe.I break down every time you call we're a wreck you're the wrecking ball we said no one else, how could you do this, babe?

Sobrang lakas ng tugtog ngayon. Pakiramdam ko rinig ito ng mga kapitbahay, baka mamaya ireklamo si Rai.

"Hindi ka ba ireklamo sa lakas, Rai?" tanong ko.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon