Nagising kaming dalawa ni Skyler dahil sa sunod sunod na katok. Parang lahat ata sila ay nakatakok sa amin.
"Hey! Wake up na love birds! It's almost 12!" malakas na sigaw ni Spr. Nakarinig pa ako ng alma na sobrang lakas ng boses niya. Gumalaw ako at umupo sa kama, ang kamay ni Skyler ay nasa bewang ko. Nakapikit pa rin siya.
Sunod sunod pa rin ang katok, "Dalawang kamay ko na pinangkakatok ko, lumabas na kayo d'yan. Mamaya na ang baby, hindi pa pala ako ready maging ninong! PERO 'pag kayo?! Shege na nge, shureeee." madaldal na sabi ni Kollin.
Hanga talaga ako sa kanya. Napaka ingay.
"Pangga, ipasoundproof natin 'tong kwarto." pikit pikit niyang sabi. Tinawanan ko siya, sinalat niya muna ang noo ko bago kami lumabas dalawa.
"Oh you guys! Super tagal huh! Hey love! Sabi nila you're sick daw? Naambunan ka?" sunod sunod na tanong ni Spr, hawak ang noo ko, sa isang kamay naman niya ay hawak ang leeg ko. Tinawanan ko siya,
"I'm okay na." I kissed her cheek. I saw Jade fighting with Rai and Kollin. Ginala ko ng paningin ko sa paligid. "Huh? Kailan kami nagkaroon ng Christmas tree?" tanong ko sa hangin na kinatawa nila. May christmas songs na nag p-play. Merong puting christmas tree na mukhang eight feet tall sa sala. May mga regalo rin sa ilalim. Ang puno ay makinang at punong puno ng kung ano anong palamuti.
My people also have a Santa hat on their head. They are all wearing maroon or red shirts or pullovers. I feel so out of place because even my boyfriend is wearing a red polo na bahagyang nagusot.
"Oh god. Sinong — anong? Bakit?" tanong ko sa kanila habang ginagala ang tingin sa paligid.
"Syempre, mabilisan na gawa lang dahil kami si Batman." sabi ni Riley habang nakangiti. He is holding a drumstick chicken. Ang lamesa ko ay punong puno ng iba't ibang putahe. "I hope you like it our angel." binigyan niya ako ng isang ngiti at nilagay pa ang kanang kamay sa dibdib.
Sa totoo lang, hindi ko halos naramdaman ang December, bukod sa naging busy ako sa school, business and dating Skyler. Dahil minsan umalis kami ng bansa dahil nag crave ulit ako ng ramen, sometimes gagala kami sa iba't ibang tourist spots na meron sa Pilipinas and because of that I lost track of time. Ang pinagtataka ko lang, bakit pati si Skyler hindi nag aya na mag tayo kami ng christmas tree or to decorate the house or something.
"Ayos ba, angel?" sabay na tanong ng mag pinsan, I gave them thumbs up. Naiiyak na naman ako!
"Uy! Bakit naiyak si Era?! Inaway mo ba 'yan Skyler? Hahampasin na kita!" sigaw ni Rai at inalo ako. Lumapit rin sa akin si Yvo na nakangiti.
Maybe he knows why I am crying.
"Malapit na mag 12! Bakit naiyak si angel?" tanong ni Riley. Nagsisimula na naman mag panic. Ayon na naman siya sa patalon talon niya, ang kamay ay pinapaypay sa sarili.
Nilapitan ako ni Skyler at hinawi ang luha ko. He is looking at me with serious eyes, pero bakas ang pag aalala. "I'm just happy." I said to him while sobbing.
Narinig ko na nagpakawala ng buntong hininga si Riley at Kollin. Skyler hugged me. Shushing me. Kumalas ako sa yakap niya at hinarap sila na nakatingin sa amin. Halo halo ang emosyon. Pero lamang ang natutuwa sila.
"Thank you guys..." madamdamin kong pagpapasalamat sa kanila. "Alam ko naman na may kanya kanya rin kayong event pero nandito kayo." lumakas ang hikbi ko. "Yung mga kaibigan ko, nandito kayo kahit sa 26 pa naman party natin."
Nakaugalian na namin ang mag party kada 26 syempre laging wala si Lian.
"Sus wala 'yon!" sunod sunod nilang sabi.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22