epilogue iii

179 5 5
                                        

Final chapter. I hope you learned something in their story. Kahit na parang wala naman aral dito HAHAHA! Ito kasi ang unang story na natapos kong isulat. Sorry for all the wrong grammar. 

Epilogue III


Sa apat na taon na hinahanap ko na rin siya. More like, ang Instagram niya. Pero atleast, sa nagdaan na apat na taon, nakita ko rin ang mukha niya... kahit na litrato lang 'yon.

Pero sino 'tong lalaki na 'to? Nakaramdam ako ng matinding lungkot, boyfriend niya ba 'to? O... asawa?

Hindi nakatakas sa paningin ko ang malaking bato ng singsing na suot niya.

Red diamond.

That's rare as fuck. Lalong lalo na iyong size ng suot niya. Sa tingin ko hinanap pa iyon mula sa kasuluk sulukan ng mundo. Bigay ba ni Timothy 'yan sa kanya?

Tangina. Kasal nga ata.

Nalaman ko ang pangalan niya dahil pinindot ko ang account na minention niya sa story niya. Napasimangot ako nang makita ang story highlights nong lalaki. Bakit ang dami niyang picture sa mahal ko?! He's been with her to the past 4 years?

Hindi ko ugali ang mainggit sa isang tao, ngayon lang. Pero... Sana all si Timothy.

Swerte mo Timothy!

Gulat na gulat ako nang makita ko siya na kasama ni Niko, ang tangang 'to, hindi man lang sinabi na nandito na si Evangeline. Knowing na kasama ko siya kahapon dahil bigla siya nag aya ng inom. Which is very surprising these days, dahil mas busy pa sa busy si Niko.

"Nice to meet you, Miss." halos makagat ko ang loob ng pisngi ko sa katangahan ko.

Miss amputcha.

Miss you baby ko, uwi ka na. Sa 'kin...

Peo Skyler paano kung may asawa na nga? Ready akong maging kabit niya. Bulong ng isang parte ng isip ko. Putcha. Kabit amputa.

"Likewise, Engineer." she dryly said.

Kahit sobrang dry ng pagkasabi niya, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Ang daming tumatawag sa 'kin ng Engineer pero kapag galing sa bibig niya? Grabe ang kilig. Ang tanda ko na para sa kilig pero putcha, para akong nasa college days ulit.

Grabe ka talaga, ano bang ginagawa mo sa 'kin?

Sa apat na taon, masasabi kong ang dami niyang nagawa. Paano niya nagawa 'yon? Ang dami niyang pinagkakaabalahan. Kung mag papapansin ba ako sa kanya... posibleng hindi niya ako mapansin dahil sa dami ng ginagawa niya. Kainis naman!

Sumama ang tingin ko kay Kollin nang dumantay siya sa lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko at nag text sa kanya.

Me: Masyado kang malapit, ulol.

Ang gago tumawa lang.

Nang umalis siya sa lamesa, mas lalong sumama ang tingin ko kay Kollin. Tawa sila nang tawa. Silang dalawang ugok na mag pinsan.

"Ang seloso mo 'no?" tawang tanong ni Kollin.

Binato ko sa kanya ang table napkin ko, "Pakyu."

Narinig ko ang pag sipol ni Niko. "Matured."

Oo! Matured talaga ako pagdating kay Eva.

"Sa tingin mo may asawa na siya?" tanong bigla ni Kollin.

"Siguro. May anak, eh. Kamukhang kamukha ni Angel kahit na naka aviator nong nakita ko."

"Huh?" halos sabay na sagot namin ni Kollin.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon