viii

117 8 1
                                    


It's Friday. Maaga ang pasok ko, kung magtatagal pa ako ng limang minuto sa tower na 'to, panigurado ma-l-late ako. Habang papasok sa loob ng elevator, nag vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Toffer.

"Good morning, Ange."

"Good morning too, Toff. What's up?" sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Pagkatapos, inayos ko rin ang bag na nakasabit sa balikat ko. Pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili ko dahil nga nag mamadali, kung anong damit na lang ang kinuha ko.

White long sleeve polo and mom jeans, this is my typical outfit though.

"Paturo," sabi niya at tumawa. "Oh diba, ang aga aga may nag papaturo na."

Tumingala ako sa maliit na monitor na nasa elevator. Konti na lang...

"No problem, Toff. Tungkol saan?"

"Eh kasi hindi ko ma-gets yung tinuro last week about don sa..." tuloy tuloy na ang sinabi niya. Hinimay himay ko sa kanya ang naging discussion. Maingat ko rin na pinaliwanag kung paano siya i-ssolve. Pati na rin ang mga formula sinabi ko sa kanya.

"Hulog ka talaga ng langit! Umorder na ako ng breakfast mo, pang suhol. The best ka talaga. At dahil dyan, may kiss ka sakin mamaya."

Tumawa ako ng bahagya. Ganito talaga siya kapag nagpapaturo. Hindi mo pa na paliwanag pero may suhol ka na agad.

"Sira."

"Ingat papasok, Ange. Bilisan mo na baka maipit ka sa traffic."

Nang tumunog ang elevator mabilis akong lumabas. May nakabunggo pa sa 'kin, kung hindi ako naalalayan sa bewang baka nasa lapag na ako. Agad kong naamoy ang amoy niya. Skyler at ang pagsasagip niya sa akin sa mga ganitong pagkakataon.

"Easy, smart girl."

"Thank you, Skyler." ngumiti ako sa kanya bago takbong lakad na lumapit sa sasakyan ko.

"Drive safely, Ange. Good morning.

Mabilis na tumakbo ang oras. Sunod sunod ang naging quizzes at assignments. Kakatapos lang rin ng huling meeting ko para sa araw na 'to. Ngayon naman, uuwi ako ng Antipolo dahil aaralin at titingnan ko ang mga nangyari sa kumpanya.

"President," tawag ni A nang masagot ko ang telepono.

"Yes, A. I already arrived."

"The papers are already in your office. Your food is in the fridge. Just reheat it in the microwave. If you need something, don't hesitate to call me, President."

"Thank you, A."

Agad akong nag trabaho. Tiningnan ang mga nangyaring transactions at kung ano ano pa na pinag gastusan. Tiningnan ko rin ang mga napag usapan sa mga meeting na nangyari. Sa totoo lang, masasabi ko na magaling ako sa larangan ng negosyo. Dahil sa negosyo namin, kailangan na alam ko ang pasikot sikot nito. Sa sarili naming bansa, lahat ng negosyo ay nire-review ko. Lahat ng negosyo ay kailan dadaan sa 'kin ang mga proposal. Ang pamilya namin ang nangangalaga sa yaman ng bansang iyon.

Kung maghihirap ang bansa, kami ang si-sisihin. Bakit? Dahil sa 'min dumadaan ang lahat ng may kinalaman sa pera. At ngayon, kilala ang bansa namin sa pinaka mayaman ngunit sa pinaka saradong bansa. Walang nakakapasok na galing sa ibang bansa ron bukod sa 'min, wala rin nakakaalam kung sino sino ang mga nakatira sa lugar na 'yon. At dahil sa pamilya ko, may sariling eroplano ang bansang 'yon at meron rin kaming specific na lugar kung saan lalapag ang eroplano na 'yon. Hindi basta bastang umaalis ang mga tao sa bansang 'yon. Lahat may dahilan. At lahat ng bansa ay may pagmamay ari ang bansa namin.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon