"Maghiwalay na nga tayo, Eva." sabi ni Ace. Siya ang pangatlo kong boyfriend ngayong college.
Tumango lang ako sa kanya habang nakalagay sa magkabilang bulsa ng puti kong hoodie ang aking mga kamay.
Naging trip ko na ang pag b-boyfriend ngayong college. 'Pag nag tanong sila kung pwede manligaw, humi-hindi ako dahil gusto ko boyfriend agad, para sa 'kin kasi, bakit pa ako mag papaligaw kung sa boyfriend rin naman mapupunta. 'Pag umayaw, edi okay. Ang pag b-boyfriend ay hindi ko masyadong sineseryo dahil marami akong pinagkakaabalahan unang una na ron ang pag aaral.
Relationship for me are just for kisses and sex. For now... dahil iyon naman ang uso ngayon, 'pag may boyfriend ka people would always ask if you already do it, seems like in a relationship, sex is important at hinding hindi mawawala. Kung wala man, there's a possibility na magsawa ang lalaki or babae sa relasyon. Depends.
But in my own observation, it seems like.
"Okay." sagot ko.
I have nothing to say, right? If he wants that, then okay. Hindi ko hilig ang paghahabol sa lalaki.
My friend always told us that we don't need to chase someone, if they want to drop the blue diamond, then it's their loss.
My other friend said, may darating pang mas higit sa kanya, iyong hihigitan lahat ng ginawa niya sa'yo.
One said that, you don't need to chase anyone, as a human being, you should know your worth.
The other one said, kung ayaw na, edi good-bye.
Ang sabi naman ng isa ko pang kaibigan, kung ayaw na sayo, pilitin mo. Baka raw pumayag pa.
He's crazy.
For me, it's okay. First, I don't chase boys. Second, I don't want to force someone to be with me kung ayaw na niya.
Ayaw mo na? Edi, okay.
Anyway, gusto ko na umuwi, kailangan ko na umuwi. Kakatapos lang ng midterms. Sabaw pa ang utak ko. Kailangan magpahinga saka wala pa akong tulog. Sana lang ay makatulog ako.
Tinuro niya ako at tumawa ng sarkastiko.
"Ayan! Ayan! Kaya kita hiniwalayan dahil ganyan ka! Palagi kang busy. Kaliwa't kanan ang mga orgs mo, subsob sa pag aaral. Kung hindi pa kita tatawagan hindi ka magpaparamdam? Ganon pala makipagrelasyon?" sarkastiko niyang sumbat.
Lakas manumbat wala naman sa lugar.
Hay nako. Paano na dapat manumbat? Sumbat here at Diliman, ganon ba?
Hindi ko maiwasan na mapa hikab.
I'm so freaking antok na!
"Tingnan mo kinakausap pa kita tapos gustong gusto mo na umuwi. Alam mo? Makipagrelasyon ka na lang sa mga libro mo. We're done! Don't even think to call or message." aniya at umalis sa harapan ko.
Hindi ko maiwasan na mahikab muli, sinabi niya na nga na hindi ako nagrereply kung hindi pa tatawagan tapos tatawagan ko siya? Ayos lang ba siya? Saka ano naman? Cheater naman siya.
Kaliwa't kanan nga ang orgs na sinalihan ko, kaliwa't kanan din naman ang mga babae niya akala mo ay kina gwapo niya, hindi naman.
Nilagay ko ang hood ng jacket ko sa ulo ko, "Parte ka na ba ngayon ng arts and theater, Ev?" rinig kong sabi ni Win.
Napalingon tuloy ako. Siya ang sekretarya ng isa sa sinalihan kong org sa school na 'to. Tapos ka org mate ko rin siya sa isa pa.
"Siya siguro. I just said, okay." sagot ko sa kanya at sabay kaming tumawa.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22