epilogue ii

86 4 0
                                    

Epilogue II


Araw araw masaya, araw araw iba. Mahilig siyang mag sabi ng kahit ano pag itatanong kung anong ulam ang gusto niya, nakakatawa nga dahil halos iyon lang ang pinagaawayan namin. Imagine, ulam lang ang pinag aawayan namin? Minsan nagseselos ako dahil puro lalaki ang kaibigan niya, eh kaso anong magagawa ko? Maganda girlfriend ko, eh. All in na. Sinong hindi kakaibigan sa kanya? Noong una nga gusto ko siyang maging kaibigan.

Buti na daan sa dasal dahil naging ka-ibigan ko rin kalaunan.

Walang away, bukod sa ulam. Hanggang sa umeksena na naman si Patricia.

Buong akala ko cool kaming dalawa, civil. Pero hindi pala, noong nag OJT kami, tuwing madaling araw nag t-text kung gusto ko ba ng kape.

Kape-ling ang gusto ko. At si Evangeline iyon.

Hindi ko naman tinatanggap ang mga kape na galing sa kanya. Busog na busog ako sa pabaon sa 'kin ni Evangeline, bakit pa ako tatanggap ng ibang pagkain mula sa iba? Kuntento na ako sa anong naibibigay sa 'kin ng girlfriend ko. Sobrang saya nga dahil pati ang pagluluto, paghuhugas ay pinasok na niya. Ayokong isipin na para sa 'kin, pero parang ganon na nga. Pero maganda rin iyon dahil natututo siya sa mga simpleng gawain bahay kahit na alam kong hindi naman siya pinaghuhugas ni Yvo o ni Rai. Mahal na mahal ng mga kaibigan niya ang girlfriend ko. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil alagang alaga nila.

Pagkatapos ng pasko, umalis ako ng bahay. Sabi ko sa girlfriend ko, may titingnan lang ako sa bar ko pero ang totoo ay kikitain ko ang daddy niya. Tumawag ang daddy niya sa 'kin, nakikipagkita. May sasabihin lang raw.

"Tito, good afternoon po." dumiretso ako sa airport nila dahil ito ang lugar na sinabi niya sa 'kin.

"Maupo ka hijo. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto ko lang ibigay sa'yo 'to." nilapag niya ang isang kahita na maliit na kulay itim sa lamesa at tinulak palapit sa harapan ko.

"Ano po ito, tito?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Maipapangako mo ba na hindi mo iyan bubuksan hanggat hindi pumapayag ng kasal ang anak ko?" nakangiti niya sabi.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"

"You need to wait." napalunok ako. "Skyler, ayoko man sabihin 'to pero sa tingin ko ay... hindi na ako tatagal sa mundong ito." kinabahan ako.

"Tito, 'wag po kayong magsalita ng ganyan."

"Skyler... binibilin ko ang anak ko sayo, ha?" nakangiti niyang sambit. Tumikhim siya, tiningnan ko siya diretso sa mata, halatang gustong umiyak pero nagpipigil. "Sa lahat, Skyler... sayo ko nakikita na magiging masaya ang anak ko. Kung ano man ang mangyari, alam kong mapapatawad niya kayo dahil ganoon kalaki ang puso niya pagdating sa pag intindi at pagpapatawad. Hangad ko ang magandang buhay para sainyo, hijo... 'wag na 'wag mong papaiyakin ang anak ko ha? Kung papaiyakin mo man, sana sa tuwa at hindi sa lungkot... kung ano man ang mangyari sa susunod na bukas... sana maintindihan mo na mahirap rin iyon para sa kanya." binigyan niya ako ng isang magandang ngiti. "Sana ay patuloy mo siyang mahalin nang puno ng pag intindi. Hindi mo man ito naiintindihan ngayon pero darating ang araw at doon mo mauunawaan ang lahat."

Naguguluhan ako. Pero tumango ako.

"Pinapangako ko po, tito."

"Salamat hijo."

Gulong gulo ako noong araw na nakipaghiwalay sa 'kin si Evangeline. Anong ginawa kong mali? Saan ako nagkulang? Ano ang mali sa ugali ko? Maari ko bang baguhin 'wag niya lang ako hiwalayan?

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Masaya naman kami ah? Kagabi bago kami matulog ang sabi niya sa 'kin ay mahal na mahal niya ako.

Tapos kinabukasan ayaw na niya?

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon