"Honeybunchsweetiepie, have a dinner with me." aya sa akin ni Niko. "Please," dagdag niya at pinag dikit pa ang palad.
Umiling ako sa kanya habang inaayos ko ang mga papeles na pinakita ko sa kanya kanina at ang mga pinirmahan niya. Kakatapos lang ng meeting namin, halos madaliin ko na nga dahil gusto ko ng umuwi. Kanina ko pa gustong gusto umuwi. Anong oras na, kahit pa kasama ni Rai ang anak ko.
Tiningnan niya ako nang may pagtatampo, "Oh c'mon. Kahapon lang kita nakita at nagmamadali pa, at saka kape lang ang inorder mo." aniya sabay sulyap sa kape na nasa harapan ko. "Halos hindi mo pa nga nagalaw."
Pabiro akong umirap sa kanya bago tumango.
"Alright. Ang kulit mo pa rin." pagsuko ko. Tuwang tuwa siyang nag tawag ng waiter at umorder. We were busy catching up and eating when a familiar voice caught my attention.
Freaking! Freaking freak! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko but I'm trying my best not to panic.
"Hey, Cuz! Who are you with?"
Pinunasan ko ang aking labi bago uminom sa wine na nasa harapan. Nakita ko pa na tumayo si Niko para salubungin ang lalaki.
Boses pa lang. Kilala ko na 'to. At kung nandito siya... posibleng nandito rin ang taong iyon.
"Shut up, Kol. This is Angel," aniya at tinuro ako, wala akong nagawa kung hindi ang lumingon. Kita ko ang gulat sa mata ni Kol nang tingnan ako. "Do you remember her? Evangeline?"
Ma-drama pa siyang napahawak sa bibig. "Oh shit, Angel!" tumayo ako para salubungin ang yakap niya.
"Shit shit shit, I missed you!" at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti lang ako at bumati pabalik. "How are you? Oh, God. You look gorgeous, grabe. Mas lalo kang gumanda!"
Tumawa lang ako at pabiro siyang hinampas.
"Is that a compliment? Thanks, Kol." sagot ko. Umiling iling pa siya, halos hindi makapaniwala sa nakikita.
"Why are you eating with Niko, by the way? Kakauwi mo lang ba ng Pinas? Kailan pa? Bakit ngayon lang kita nakita?" sunod sunod na tanong niya. "Saan ka naglagi? Hmm?"
He then looked at his cousin. "At ikaw naman, bakit hindi mo sinabi na nandito na si Angel?" dinuro niya pa ang pinsan niya.
Ang daldal pa rin niya.
"She's my financial advisor." sagot ni Niko. "Pauwi na nga 'yan, buti na pilit kong kumain."
Dapat pala talaga pinilit ko na lang na umuwi. Dapat talaga...
Bumaling ulit sa akin si Kol, tuwang tuwa na nakita ako muli. I was about to talk when I saw another guy.
Kol looks at his side, the person is busy looking at me. "Our angel, do you remember him?"
Of course.
Kumunot ang noo ko. Napasulyap ako kay Niko na ngayon ay kagat na ang ibabang labi, si Kol naman ay napahalakhak. Ang isa naman ay titig na titig sa akin.
"Hindi ka na ata naalala, bro." banat ni Niko pero pabulong. Matalim siyang tiningnan nito.
"Angel, this is Engineer Castilianno. Engineer, this is Evangeline." pagpapakilala ni Kol. Sumulyap ulit ako kay Niko na ngayon ay nagpipigil ng tawa.
"Eva." Niko whispered.
"Nice to meet you, Miss." seryoso niyang sambit.
Miss?! Pakiramdam ko bahagyang tumaas ang kilay ko. Agad rin akong pumormal. Halos rinig ko ang impit na pag tawa ni Niko.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfikceBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22