We ended our night drinking all the liquor that Tana brought. Halos mag karerahan na kami ni Jade sa daan dahil sa pagmamadali, ako dahil umaga na at papasok na si Skyler. Siya na nakikipag karera lang dahil trip niya. Kay Rai raw muna siya matutulog. Hinatid namin si Tana sa tower niya dahil siya ang hilong hilo. Ako naman mag isang bumiyahe papuntang Makati.
Bumili ako ng takeout breakfast para sa kanya, umakyat ako sa kwarto para maligo. Nang mahiga ako sa kama, hinalikan ko ang noo niya bago umayos ng higa. Kinapa niya ang bewang ko paakyat sa mukha ko, bago sa buhok. Nakapikit niyang ginawa 'yon at ako naman ay halos maging bato sa tigas.
Skyler. What are you doing to me?
He groaned.
"Just got home?" he asked. I hummed. Dinikit niya ang labi aking pisngi.
"Hm..."
"What time is it, 'ga?"
"You still have 2 hours to sleep, love." I answered and slowly caressed his jaw.
xxx
Three weeks passed and nothing much happened. In three weeks, ako ang naghahatid at nagsusundo sa kanya, 'pag nasa school siya, nag pupunta ako sa unit ni Yvo dahil nagpapaturo akong magluto. Minsan naman nagala kami ni Skyler kapag may free time. Madalas rin kami nag d-date sa labas. He's happy all the time just being with me, and so am I.
"Saturnina, Paciano, Narasa, Olympia, Lucia... Maria... Jose..." Skyler is looking at the ceiling while counting on his fingers. After our lunch, we went to the library. I'm reading a novel book while he's reviewing Kursong Rizal. Their final exam is on Monday. Cover to cover.
"Conception." pagdagdag ko.
"'Ga! Paano mo naman 'yan nalaman?"
I look at him. He's lying down on the sofa. Nilingon niya ako, ang papel na hawak niya ay nasa dibdib niya.
"Well, you've been saying that for 5x already."
"Shit, bakit kasi ang daming kapatid ni Rizal?"
"Yeah. Ilan nga ulit?"
"10?"
"No." sagot ko at nilipat ang librong binabasa. He just sighed.
"Bad trip. Anong sunod kay Trinidad?" tanong niya, sinulyapan ko siya, nakatingin siya sa kisame, 'yon ata ang tinatanong niya.
"Sol..." pag bibitin ko.
"Ano? Anong Sol? Sino 'yon?" tumaas ang dalawa kong kilay sa kanya. Kanina niya pa sinasabi si Soledad, ang bunsong kapatid ni Rizal. "May gusto sayo 'yang Sol?" tanong niya sa 'kin, nanlalaki ang mga mata.
Oh my gosh.
"Soledad." sabi ko at nag buntong hininga.
"Oh shit... oo nga pala. Tangina naman. Cover to cover pa nga. Gusto kong maging mechanic hindi maging historian, my gosh."
Si Skyler, nahahawa na sa 'kin.
Tinuloy ko ang pag babasa ko siya naman ay inaaral si Dr. Jose Rizal.
"Grabe naman 'to si Sir. Pati mga asawa ng mga kapatid ni Rizal tinuro, ano naman? Huh? Grr."
Hirap na hirap siya sa subject niya na 'yan. Excited na raw siya sa final exam niya sa Kursong Rizal, excited na bumagsak. Kaya kami nandito sa library ngayon para makapag aral siya, kanina kasi nasa living room kami, masyadong na d-distract, pati ang mga vase napag tritripan. He's like a kid. But a cute one... for me.
"Prayle... pinakamakapangyarihang tao noon. Wew, sana all may power. Erehe, aserehe, tangina."
"Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa pagitan ng 11-12 midnight, siya ay pang pito sa mga magkakapatid, malaki ang ulo kaya nahirapan siyang ipanganak ng kanyang mama. Tangina, pati 'to kasali pa... Okay. 'Di wow."
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22
