Friday na ulit. Nag aya si Spr na uminom kaya pinaunlakan namin. Sakto naman na si Ija ay pumunta ng Manila dahil may laban raw siya. Sila Sivan rin ay nag aya.
Paglabas ko sa banyo ay tumunog ang cellphone ko kasabay ng pag doorbell. Kinuha ko muna ang cellphone ko bago pumunta sa pinto wearing my bathrobe. Bumungad sa akin si Ija na naka white shirt, black leather jacket, black jeans and black ankle boots of Dr. Martens. Sa kabilang tenga ay ang cellphone niya.
"Hey, love. What are you doing here? Come in." dumiretso siya sa sofa, sumubsob ron. "Magbibihis lang ako." I heard her grunt.
Nag damit ako ng simpleng jeans bralette top. Kinuha ko ang isang puting sneaker bago lumabas. "Bakit, Jade? Do you have a problem?" I asked while fixing my hair.
Umupo ako sa sofa, "Wala naman. Sinusundo lang kita." umayos siya ng upo, tumingin sa akin.
Tumawa ako ng konti, "Pupunta naman ako."
Ngumuso siya, "Akala ko nga tulog ka, ang tagal mag bukas ng pinto. Kaso naalala ko hindi ka pala natutulog."
"Ayaw ng tulog sa akin." she nodded. They know that I take sleeping pills to help me fall asleep. Ang hirap matulog. Hindi ko rin alam kung bakit. Madalas naman wala naman akong iniisip. Sabi ng therapist, maybe my mind is somewhere whenever I try to sleep o hindi kaya stress at maraming iniisip. Parang wala naman. Pero mabuti na lang at may sleeping pills, nakakatulog rin ako agad.
"Let's go, love. Convoy?" tumango siya sa akin, lumabas kami ng unit at naglalakad papuntang elevator.
"May pasok ako mamaya." convoy kami papuntang Yks. Ang Yks ay ang kilalang bar dito sa Manila. Madalas kami ron, kung hindi naman ron doon kami sa Ax's. Magkatabi lang rin ang sasakyan namin. Nakita ko ang motor ni Rai bago kami pumasok sa loob.
As usual maraming tao at magulo. Madalas dito ang mga college student, although nagpupunta lang naman ako dito pag Friday o hindi kaya pag may yaya ng mga kaibigan ko.
"Nakamotor si gago ah." comment ni Ija. Dumiretso kami sa usual na table namin. Nandoon na ang tatlo. Hinila ako ni Spr sa gilid niya.
"Guess who's my prospect for tonight!" she exclaimed, tiningnan ko siya. She looks excited.
Humalakhak ang dalawang lalaki. May mga alak na rin sa lamesa namin.
"Who?"
"Baka alak! Pakunwari mo Spr sa ganyan, hindi ka naman nadidiligan ng tuluyan." Ija mocked. Spr pinched her arms.
"Of course! I'm too drunk sometimes so... I can't give proper consent, you know." she said and poured liquor to the glass. She gave it to me.
"Edi maganda. Gentleman pala mga nagugustuhan mo." she said and drank her shot.
"It's Toffer! You guys are classmates, 'di ba?" oh. Toffer?
I nodded. Gumaganoon pala si Toff? Sa paningin ko kasi mukha siyang mabait. "And he also said that you are a mamaw to your class. You're always perfect daw sa quizzes."
Tumawa si Yvo sa harapan ko. "Nahihirapan ka? San banda?" I can't help but to roll my eyes to him which made him laugh more. Minsan kasi, nagrereklamo ako kay Yvo at sa mga kaibigan ko na nahihirapan ako sa academics. Lalong lalo na sa math although I was trained to understand it and to learn everything that involves numbers. Nakakahilo na.
Spr left our table to dance. Or not. Yvo and Rai also stood up, may kinausap. Natira kaming dalawa ni Ija, kinuha niya ang sigarilyo niya sa bulsa ng leather jacket. "Smoke?" she asked.
I nodded. We went to the smoking area of the bar. She gave me one stick. Sumandal kaming dalawa sa railings. Mabilis niyang inubos ang isang stick and lighted another one.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22
