"Putcha!" rinig kong sambit ni Skyler nang makarating kami sa bungad ng dadaanan namin. "Tinatawag mo 'tong light trail?" dagdag niya habang palipat lipat ang tingin niya, mula sa 'kin at sa daan. Kinuhaan ko ng litrato ang daan. Madalas kong ginagawa yon dahil may balak ako na isa isahin ang mga sikat na best off-road trails na nandito sa bansang ito.
"Oo, light lang 'yan."
"Pucha, Gel! Puro lahar 'to." OA niyang sagot.
"Of course. Malapit siya sa Mount Pinatubo, eh." sagot ko sa kanya. Nanlalaki na ang mata niya ngayon at halatang kinakabahan.
"Bakit ka kinakabahan, wala ka bang tiwala sa driver mo?" tanong ko sa kanya habang tinatapik ko ang daliri sa manibela.
"Meron!" agad niyang sagot. Napangiti ako sabay patakbo ng sasakyan.
"Light lang 'to, wala pang hills, wala pa 'to sa mga napagdaanan ko. Kung makasigaw ka naman," pag tapak ko kasi sa gas biglang sumigaw.
"Grabe naman ang sports mo lods, puro extreme." pikit mata niyang salita. "Hindi ba nakakatakot dito? Malapit sa Pinatubo, baka mamaya pumutok bigla ang Pinatubo, oh my gulay. I can't die yet."
Sasagot na sana ako ng nakatanggap ako ng tawag mula kay A. Ang sabi niya every hour siya tatawag, ngayon lang siya tumawag dalawang oras na ako na nasa daan.
"President, where are you?"
"Kakarating lang sa trail. After 20 minutes maybe I'll be in our accommodation na."
"Alright. Sorry, I didn't call earlier."
"It's okay. Just update me from time to time." binaba ko ang tawag pagkatapos. Napalingon ako sa katabi ko na tahimik na nakatingin sa dadaanan. May kumindat na raptor sa 'kin kaya inilawan ko rin bago dumiretso.
"Is that normal?" he asked.
"Hm?"
"What you did earlier with the raptor."
"Oo, batian sa daan ganon." nakita ko siyang tumango. Halos marami rin kaming nakasabay sa daan. Iyong iba naka 4x4, yung iba naman ay naka bike. "Gusto mo maligo sa falls? May falls d'yan."
"Di na 'uy!" tanggi niya agad. Natawa ako sa kanya. Halatang kinakabahan. "Pero ikaw? Gusto mo bang maligo?"
Kahit naman na gusto ko... mukhang hindi ako makakaligo ngayon dahil kinakabahan ang kasama ko. Ayoko pa naman sa lahat yung ganito, iyong feeling ng kasama ko na hindi siya safe kasama ako. Kaya ide-deretso ko na lang sa accommodation. Bukas pag uwi, mag iiba na lang ako ng daan para hindi na siya kabahan ng ganito.
"Hindi na." nakangiti kong tanggi. Sa isip ko, wala naman ng ibang mapupuntahan pa rito bukod sa iilang falls. Dahil naka hindi na ako sa falls, baka idiretso ko na lang sa Baguio.
Dahil nag c-crave ako ngayon ng strawberry taho.
Napasulyap ako sa katabi ko, mahimbing na siyang natutulog ngayon. Habang nasa daan, tumawag ako sa accomodation na tinawagan ko kanina na hindi na ako tutuloy, bayad naman na yung stay ko kaya hindi na galit.
"A, can you reserve an accommodation for me in Baguio?" tanong ko sa kalagitnaan ng pag biyahe nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.
"What?" gulat na gulat niyang tanong. I chuckled. Itong sekretarya ko hindi pa sanay sa mga spontaneous kong gala.
I heard him typing, "Ilang oras ka na bumabyahe ah? Ikaw lang ba ang nagmamaneho?" tanong niya.
"Yes, and it's alright. Hindi naman traffic."
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
Fiksi PenggemarBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22