xxix

67 4 0
                                    


Ngumisi siya bigla. "Alam mo ba ang sinabi sa 'kin ni Ija?"

Napakamot ako sa tuktok ng kilay ko. Anong sinabi ni Ija?! Na mag make up sex kami?! Na mag kiss kami?! Gosh, Jade. Hindi ko na alam gagawin ko sayo.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Jade na nandito sa loob ang anak ko. Mabilis rin siyang sumagot ng 'take your time.'

Take my what?! For what?!

"Oh, kunot na kunot ang kilay mo," sabi niya sa 'kin. Napalingon ako sa kanya. "Sabi ni Ija single ka raw,"

I scoffed. God, Jade is unbelievable!

"Mukha ba akong doble?" pabalang kong tanong.

He laughed at me, gracious. Ang ganda ng tunog ng tawa niya, isa iyon sa namiss ko sa kanya. Napakamot muli ako sa kilay ko, ang tingin niya ay tumagal ng bahagya sa kamay ko.

"Tss, kumain ka na?"

Napanganga ako sa tanong niya. Anong sinabi ng tatay mo, anak?! Kung kumain na ako?! Anong pakialam niya?!

"Tinatanong ko lang kung kumain ka na, ako kasi tapos na." sabi niya, at tumawa.

Unbelievable.

"Hindi ko tinanong."

"Sungit. I went here to ask if you're sure about the 30?" tiningnan ko siya. Ang labi niya ay may mapaglarong ngisi.

"Yes."

"K." pairap niyang sagot.

Umalis rin siya pagkatapos. Grabe! Bakit parang lalong naging wirdo si Skyler?! Hindi pa tuluyan na nagsasara ang pinto na pinaglabasan niya ay bumukas iyon ulit.

"Is he here?" tanong niya, ang mata ay diretso sa 'kin.

Nagsalubong ang kilay ko, "Who?"

Dumapo ang tingin niya sa upuan na nasa tabi ko, binalik niya ang tingin sa 'kin at lumabas without saying a word. The freak?! Sinong hinahanap niya?! Is he looking for my son?!

Hindi nagtagal pumasok sa loob ng opisina ko si Jade. I glared at her,

"What was that?"

"Move faster, Era. Your son needs his father." she said and shrugged.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya," I mumbled. "Where's my son, by the way?"

"Baka nabili na ng isang franchise ng Krispy Kreme."

Hindi ako makapag focus sa work ko, kinausap ko na lang si Jade habang hinihintay ang pagdating ng anak ko.

Bumukas ang pinto, may dalang isang eco bag si Harper na punong puno ng donut.

"Baby, you bought all of their stocks?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa 'kin at ibinigay ang coffee jelly frappe sa 'kin.

"Is it bad, mommy?" tanong niya at tinanggal ang shades niya. Malaki ang mata niya habang nakatingin sa 'kin.

"You've done this before." sabi ko sa kanya. Nagawa niya na bilhin ang lahat ng stocks ng glazed donut noon sa States, kasama niya ang Tito handsome niya. Hindi rin naman namin mauubos iyon kaya pinamigay ni Timothy ang mga donut sa kapitbahay namin.

Ngumuso siya sa 'kin, "Can't help it, mom. It's so good." tiningnan niya ang tita niya, "Want some Tita Jaja? How about you Tito Harper?"

Lumakad ang anak ko at binigyan ng tig isang box ang dalawa. Umalis rin si Harper pagkatapos dahil may gagawin pa raw siya.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon