Kinabukasan kakalabas ko lang sa banyo ng marinig ko ang doorbell. Tanghali na at kagigising ko lang. Hindi pa ako nakakakain.
"Good afternoon, pangga." matamis ang ngiti niya. Bumati ako at ngumiti pabalik bago inanyayaan na pumasok sa loob.
"Sigurado ko, dili ka pa nakain. Mangaon ta."
"Huh?"
"Huh?" pang uulit niya bago dumiretso sa banyo. Nakaayos na rin ang pagkain sa lamesa ko. Hindi ko alam kung bakit dinadala niya pa rito kung pwede niya naman ako imbitahan sa unit niya, hindi ba?
Pero ayos lang, this is his effort though. Nilagyan niya ng towel ang ulo ko bago ako pinag sandok ng ulam at kanin.
"Gusto mo umalis?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Sa totoo lang kanina ko pa ramdam na nakatingin siya sa 'kin, ilang beses na rin kami nagkatinginan pero ngayon niya lang binasag ang katahimikan.
"You still look restless." dagdag niya.
Sasagot na sana ako ng 'oo' nang maalala ko ang mga assignment namin. May project rin ako na gagawin. Ilang linggo na lang finals na. Kailangan tutok muna sa pag-aaral bago lumabas at magpakasasa.
"Sana... pero marami akong gagawin eh,"
He twisted his lip. "Ay ganoon? Same."
The heck! Akala ko ay aayain ako! Naku, Evangeline! Masyado ka na atang assumera. Hindi maganda 'yan ha.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Hahahaha! Akala mo ba yayain kita? Survey lang 'yon, 'ga."
Umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Marami rin akong gagawin. Pero pwedeng dito ko na lang gawin? Gusto pa kitang makasama," napakamot ako sa taas ng kilay ko.
"Clingy." sagot ko sa tonong nagbibiro.
Ngumuso lang siya sa 'kin at inirapan ako bago binalik ang mga mata sa kinakain. Sasagot na sana ako ng magsalita na naman siya.
"Wala, nakapag desisyon na ako, dito ko gagawin." tinawanan ko na lang siya.
True to his word. We are both busy in our world. Nagpa grab food pa nga para sa meryenda na halos hindi ko rin naman nagalaw dahil sa ginagawa. Ganito talaga ako kapag nag aaral, hindi naiistorbo. Gusto ko kasi matapos agad, gusto ko 'pag umupo ako sa harapan ng laptop ko matatapos ko na ang mga gagawin ko. Ayoko ng pagbubukas ang gawain.
Habang iniisip ang isusunod na i-t-type. Tumingin ako kay Skyler na mukhang madali ang ginagawa dahil hindi mo makikitaan ng paghihirap ang mukha niya. May mga papel rin na na naka kalat sa sahig. Nasa study table ako. May study table kasi ako rito sa sala, siya naman ay nasa coffee table. Likod niya lang ang kita ko at nag f-flex na naman ang mga muscle niya. Ang isang kamay ay nakahawak sa mga papel na nasa sahig, sa isang kamay naman ay ang mouse niya. Nakita ko pa na parang may tinitignan siyang 2d ng eroplano.
'Pag naka graduate 'to, ito ang kukunin ko na titingin sa mga eroplano namin. Paano kung ex mo na siya non, Evangeline?
Edi... i-hire ko pa rin.
Business is business though.
Kung ayaw niya, edi wag. Pag naghiwalay kami nito sana civil pa rin. Hindi tulad ng huling relasyon ko na hindi maganda ang naging hiwalayan.
Pero... sa tatlo ko na naging boyfriend, siya lang ang nag aya ng ganito. Yung sabay na mag aaral. Ang common denominator nang tatlong 'yon ay gusto lagi kaming nalabas o hindi kaya nag p-party. Bakit pakiramdam ko iba ang lalaki na 'to? Pakiramdam ko tatagal ang isang 'to. Eh, bakit parang ayaw mo naman na tumagal? Eh, 'di ba nga, mabilis kong sinagot dahil sa paniniwala ko, maghihiwalay rin naman. Pero tulad nga ng kasabihan, 'enjoy it while it lasts'. Bahala na.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22