"Love." malambing niyang tawag sa akin, I just hummed while looking at my paper kagat ang dulo ng ballpen. Nag aaral ako para sa quiz namin. I have 3 long quizzes tomorrow. All of them are my majors, that's why I really need to study.
"Kakain na po." I felt him hug me sideways.
"Uh-hmm." I replied. He kissed my cheek and stood up.
Sa totoo lang, alagang alaga ang buong pagkatao ko kay sa kanya. Kapag coding ako siya ipagddrive niya ako sa school. Kahit na ang pasok ko 8 a.m at siya naman ay may OJT, hindi ko alam kung paano niya napagkakasya ang oras niya. Kapag maaga silang pinapauwi at wala akong dalang sasakyan, susunduin niya ako. Minsan naman kung hindi siya aabot makikisuyo siya kila Kollin. Pinagluluto din ako ng breakfast at dinner, kapag di niya ako na lutuan automatic may take out food.Minsan gigisingin niya ako para ipaalala na kumain at maligo na dahil malalate na ako. Mas alam na nga niya schedule ko.
Hindi ko namamalayan ang oras dahil sobrang busy na ako sa school. At hindi na rin ako inaatake ng insomnia ko.
In short, mabilis ako makatulog kapag nandyan siya. He is indeed like a walking sleeping pill. I found comfort in his arms. I feel like whenever he's holding me, nothing would go wrong because he is there for me.I feel like I am depending on him, na hindi naman dapat. Madali ang buhay ko kapag nariyan siya. Pakiramdam ko nga e, tumataba na ako dahil sa kanya.
"Tulala ka." napatingin ako sa kanya na nasa gilid ko gilid ko na ulit. Konting distansya lang ang meron kami. "Pogi ko ba?" ngisi niyang sabi.
Napaungol ako sa inis at tinulak siya ng bahagya. Binalik ang tingin sa papel kong hawak.
"You should stop doing that triple e." seryosong sabi niya habang inaayos ang dala niyang plato.
Luh bakit naman? "Parang ungol na inis lang." sagot ko sa kanya.
"Kahit na Ebangelen. Tigilan mo na." irap niyang sabi at inilapit sa akin ang kutsara na may laman na pagkain. Nginusuan ko siya at sumubo at binalik ang tingin sa reviewer ko.
Pinapakain ako ni Skyler ngayon.
Nang pagkain...
Normal na ito sa amin, kapag masyado na akong busy dahil sa ginagawa ko, susubuan niya ako para magkalaman ang sikmura ko. Normal na din na kapag bagong ligo ako siya magtutuyo ng buhok ko hanggang makatulog ako. Normal yung sasandal lang ako sa balikat niya kapag pagod na pagod ako tapos makakatulog ako ng mahimbing.
"Paano na lang?" nakapatong ang ulo ni Skyler sa coffee table at seryosong nakatitig sa akin.
"Hmm?" hindi ko kasi masyado naintindihan ang sinabi niya. Pinanliitan ko siya ng mata habang tinitingnan ko siya.
"Wala." hindi na kami nag usap pa. Nang mabusog ako, tinapat niya ang coffee jelly from SB sa bibig ko. I sipped there happily.
"How about you? Aren't you going to sleep for a while?" I asked him. I looked up at him, he looked hella tired. "You looked so tired." I cupped his face. Napapikit siya sa haplos ko.
"You can rest now, love. I'll clean up the kitchen later." I said to him. Humiga siya sa hita ko I gave him a throw pillow. "Are you sure you're going to sleep here? You can sleep in my bed." malambing kong sabi sa kanya. Mabuti na lang at nakaligo na siya bago nagluto.
He just hummed and closed his eyes. I leaned forward to kiss his forehead and went back to review my notes. He is sleeping peacefully. He is hugging me, his both hands are in my small waist. Napaka clingy talaga.
I am massaging his head a little while looking at my notes.
So far, my relationship with him is almost perfect. We rarely fight. Ang pinag aawayan nga lang namin ay kung ano ang gusto kong ulam. Pag wala akong sinasagot minsan bubuntong hininga na lang siya.
BINABASA MO ANG
Resting in Blowing Gale (Element #1)
FanfictionBar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull life of Hypnos Skyler Axeydel. Until he met the woman who drives customized pick up truck. 03-01-22