vi

156 7 0
                                    


"Sa hinhin at payat mong 'yan, saan mo iniimbak ang mga pagkain na kinakain mo?" tanong ni Sky habang naglalakad kami papunta sa korean food stall.

Napatingin ako sa sariling katawan. Hindi naman ako payat, physically healthy nga ako eh. And I also got curves in the right places, kaya. Sa ganitong pagkakataon, nagbabawi ako sa katawan ko. Dahil nga madalas ako makalimot na kumain, 'pag may pagkakataon, nilalaan ko na lang sa kain.

Nagkibit balikat lang ako bago masayang tiningnan ang stall. Kung ano ano ang tinuro ko habang si Skyler naman ang nagsasabi kay Manang. Nilukot ko ang papel ng shawarma at naghanap ng matatapunan.

Gumilid ako dahil ang daming dumadaan na tao. Nang may mahagip na bench ang mata ko, walang alinlangan akong umupo ron habang nakatanaw sa mga tao. Ang iba ay busy na busy sa paglipat lipat ng mga hanger. Minsan ay tinataas nila ang napili na hanger o hindi kaya itatapat sa sarili. Ang iba naman ay nakapila sa linya ng mga pagkain. Iyong iba ay masayang nagtatawanan at nag k-kwentuhan. At syempre, hindi naman mawawala ang mga PDA.

"Gel... Kanina pa kita hinahanap." napatingin ako sa kasama ko na naghahabol ng hininga sa harapan ko. Bitbit ang mga tinuturo ko na nakalagay sa isang paper bag.

Titig na titig siya sa 'kin habang naghahabol ng hininga. Kinuha ko sa kamay niya ang bitbit na pagkain at ang tubig ay binuksan ko at inabot ko sa kanya.

"Sa'yo 'yan." pagtanggi niya sa tubig.

"Drink this." mas nilapit ko sa kanya ang tubig. Pinalobo pa niya ang kanyang pisngi bago binuga ang hangin na naipon sa loob.

Dahil nakaupo ako at siya ay binayayaan ng tangkad, nakatingala ako sa kanya.

"But I bought that for you."

"It's okay. You can have it. You need it the most." I smiled at him. Ako na ang kumuha ng kamay niya at pilit na nilalagay ron ang tubig. He looked hesitant. Ang cute naman nito. "It's alright. We can buy another one later, or we can share."

"Sige na nga, mapilit ka, eh."

Ngumiti ako bago binalingan ng tingin ang mga pagkain na binigay niya sa 'kin at sinimulan kainin. Inalok ko pa siya pero tumanggi siya.

"Aren't you hungry?" I asked in the midst of our silence.

Nakanguso siyang umiling. "Makita lang kitang busog, ayos na 'ko."

I tsked playfully. "I heard that a lot of times already."

"Edi maganda, narinig mo ulit." wala sa sarili niyang sagot habang nakatingin sa malayo. "Mga pesteng 'yon sino sino naman kaya ang bumanat ng ganoon sa kanya? Ang pangit ng banat nila mga pang high school, pwe." bulong bulong niya, ang tingin ay nasa malayo pa rin.

Is he talking to someone invincible to the eyes of a normal person? I'm wondering... and at the same time it's scary.

"Are you okay?" tanong ko.

Lumingon siya sa 'kin, bahagya pa na nang laki ang mata.

"Ayos ka lang ba?" paguulit ko ng tanong.

"I'm not bobo, Gel. I can understand Filipino and English."

Ngayon, mata ko naman ang nanlaki. Oh my gosh. Did I offend him or something?

"I'm sorry." agap ko. "I didn't mean to offend you or something, you're not answering my question kasi."

"Ayos lang. Ayos na ayos, ito na ata ang pinaka masayang araw ng buhay ko," sambit niya at tumawa, kasabay non ay ang pagpula ng kanyang pisngi. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon