xiv

123 7 5
                                        


Nang matapos ang kanta. Bahagya kaming natigilan ng makarinig kami ng sunod sunod na sasakyan. Mabilis na pumunta si Jade sa malaking bintana at sumilip doon, hinugot niya ang cellphone mula sa sariling bulsa. Tuloy tuloy ang pag play ng sumunod na kanta habang nakatingin kaming lahat sa kanya at pina pakiramdaman ang paligid.

"Yung jowa ni Era kasama ang mga dabarkads." bored na sambit ni Ija habang naglalakad papalapit sa amin. Binalik ng tatlo ang paningin sa screen.

Si Jade naman ay pinakita ang cellphone sa akin, mula sa camera na nakakabit sa bahay ng tauhan niya (doon may magandang spot para makita ng malinaw ang nasa labas ng bahay namin ni Skyler), sunod sunod na pumarada ang Jaguar f-type sa harapan ng bahay namin ni Skyler. Nangunguna ang asul na kulay, iyon ang kanya. Sumunod ang pula, dilaw at puti. What's this? The Philippine flag?

"Tanginang 'yan. Ano 'yan bandila ng Pilipinas?" sambit ni Jade. Same, I thought so too.

"Shh," sabi ko at binalik ang tingin kila Rai.

Pi-nause ni Rai ang TV at pinakinggan namin ang lakad nila. "Malapit na sila gago, cancel that song and play another one para hindi suspicious na biglang tumigil ang ingay." sambit ni Jade. Binuksan ni Tana ang isang bote ng JD at tinapat sa bibig ni Jade.

"Ahh..." sabi ni Tana at hinawakan sa panga si Jade, tulad ng dati, tapon sa demonyo. Tumungga ako sa hawak na beer at inubos ang laman. Sunod na hinawakan ni Tana ay ang panga ko bago bumilang.

"Shit!" sambit ni Skyler sa gilid ko. Humalik siya sa sintido ko bago yumakap sa gilid ko. "Bakit mo nilalasing ang bebe ko, ha?" aniya kay Spr na nagkibit balikat lang.

"Hey," bati ko sa kanya.

"Hey your face." lumapit siya sa leeg ko at sumiksik doon. "Kasama ko pala ang mga walang ambag sa lipunan. At dahil nga wala silang ambag sa lipunan, tangina. Wala man lang biniling pagkain, sarili lang ang bitbit, ako pa ang nag take out dahil nakakahiya naman sa mga kaibigan mo."

"It's okay. Hayaan mo na." sagot ko sa kanya at ngumuso lang siya. May humawak sa kamay niya na nakapulupot sa bewang ko at inalis ang mga 'yon.

"Tanginang 'yan." angil ni Skyler. Hindi siya pinansin ni Riley at mas lalong tinulak pa ang mukha palayo sa 'kin.

"Hey there, angel!" bati ni Kollin sa harapan ko. Si Riley ay nasa gilid niya at sabay silang bumeso sa pisngi ko.

"Hey, feel at home guys, anyway, where's Niko?" ngumuso si Riley. Nakita ko si Niko na may bitbit na apat na box ng pizza at may nakapatong na mga paperbag doon. Tumayo ako para tumulong sa kanya.

"Hey, anghel. 'Sup?" bumeso siya sa pisngi ko. "Tanginang mga bobo 'to, bobo talaga eh, 'di man lang ako tinulungan."

Tumawa ako sa sinabi niya. Ang dalawa nga ay sapilitan na inalis ang kamay ni Skyler sa 'kin para makabeso.

"Mga excited."

"Saan?" tanong ko.

"Basta." nakangisi niyang tugon.

"Inuman na!" sambit ni Riley, kumuha ng red cup at naglagay ng alak doon. Kinuha ni Niko ang bitbit kong paper bag at inayos ang laman no'n sa lamesa. Nilapitan naman ako ni Skyler at humalik sa noo ko.

"Maliligo lang ako." nakangiti akong tumango sa kanya.

"Kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay. Oh giliw..." rinig kong pagkanta ni Rai na sinasabayan ni Riley na may hawak na red cup sa isang kamay. Si Spr ay nakain ng pizza habang nakatingin sa screen. Si Yvo naman ay nakatingin sa cellphone at bahagyang nakakunot ang noo. Si Ija naman ay nasa tabi ko at nakain rin ng pizza.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon