epilogue i

137 3 0
                                    

Hypnos Skyler Axeydel Castiallianno 

Epilogue I


Putangina.

Itong bobong Kollin at bobong Riley ay tumawag na naman sa 'kin para puntahan sila sa campus nila. Mga bobo amputa, anong akala nila malapit lang ang school ko sa school nila? Mga nanaginip ng gising ang mga gago. Halos isang oras ang guguluhin ko sa pagmamaneho makapunta lang sa kanila, 30 minutes lang dapat pero syempre idagdag ang traffic.

Pang badtrip ko talaga ang dalawang iyon. Puta, anong gagawin ko sa school nila? Manonood ng practice nila? Eh anong mapapala ka doon? Wala naman ah?!

Captain si Kollin ng football team ng school nila. Si Riley naman ay pabigat na kinuha ni Kollin. Ewan puta basta alam ko captain si Kollin, ewan ko anong ganap nitong si Riley.

Natigil ang pinapakinggan kong music nang mag ring ang cellphone ko na nakaconnect sa bluetooth. Napa irap ako sa ere ng makita ang pangalan ni Kollin.

Pinindot ko ang accept button.

"Ano puta?" bungad ko.

Rinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya at iba't ibang ingay ng mga babae.

"Hoy gago dalian mo na, daming chics. Hanapan kita ng tatlo," pang uuto niya.

"Bobo kaya kong maghanap kahit lima pa. 'Di ko kailangan ng tulong mo." mayabang kong sagot.

"Hoy tangina mo ah, pumunta ka dito. Ditcher nang taon amputa. Isang araw na ang lumipas simula nang magsimula kami mag training. Ano?! Kaibigan mo pa ba kami?!"

Putcha, ang clingy naman nito! Isang araw pa lang ako hindi nagpupunta kung makapag inarte 'tong si Kollin kala mo girlfriend eh.

"Pakialam ko sa training mo tanga. 'Wag ka ngang mang guilt trip, busy ako."

"Sungit amputa. 'Wag ganon lods, punta ka na dito. Bilisan mo!"

"Pisteng yawa." huling sabi ko at binaba ang tawag.

Masyadong mainipin si tanga eh mag p-park na nga ako. Sinara ko ang pinto ng sasakyan ko. Lalakad na sana ako kaso puta... anghel ba 'to?! Wala sa sarili akong napasandal sa pinto ng sasakyan ko at tiningnan ang babaeng natawa.

We are five cars apart. Medyo marami na rin ang tao dahil siguro uwian na ng iba. Pero nanatili ang tingin ko sa babae.

Ang tagal ko sa Manila, pero bakit ngayon ko lang nakita ang babae na 'to? Like bro, she's so different from others... In so fucking many ways, yes, I can tell that already. I'm fucking mesmerized while staring at her. She seems so happy with the guy she's talking with. Her perfect white teeth are showing, her cheeks and eyes are smiling genuinely with her. Fuck it man... I want her to be mine. Hindi ko akalain na darating ako sa ganitong stage ng buhay ko. Puta, nakita ko lang siya tapos gugustuhin ko agad siyang maging akin?

In my 22 years of living, I never thought that I would meet an angel. Was it possible to compare her to an angel? Bro, legit her face is so angelic. Her light brown eyes are full of liveliness. It's bright and happy. Buhay na buhay ang mga mata niya.

I bit my lower lip as I realized that my heart is beating so fucking fast. Fuck... Anong tawag sa ganito? Love at fucking first sight? I never believe in anything like that.

Love...

Love is, I don't know... Not for me I guess? I realized that it's not for me years ago. And now...

Can it be mine? Can I feel love? Am I capable of loving? Because...

I want her to love me. All of me.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon