ix

115 7 0
                                    


"Sira ka."

Narinig ko ang halakhak niya. "Charot charot lang bebe ko."

"Sa edad mong 'yan, bagets na bagets ka."

"What? Because I am really bagets, ano ka ba naman, Ange? Para ka na namang others d'yan." tumawa na naman siya.

Seriously?

Tumayo ako para dalhin sa lababo ang aking pinagkainan. Tapos na rin naman siya kumain. Tinulungan ko siyang magligpit.

"Ang galing, may dishwashing soap ka pero mukhang tuldok pa lang ang bawas." sabi niya habang naghuhugas ng pinggan. Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa totoo lang hindi ako marunong mag hugas ng pinggan, mag luto, mag linis ng bahay.

Sa ibang bagay ako marunong. Sa mga simpleng bagay tulad ng gawaing bahay ay wala akong binatbat. Ewan ko rin kila Rai kung bakit hindi kami tinuruan ni Yvo. Ang pinili nilang ituro ay ang mga extreme sports. Sa delikadong bagay kami sinanay. Sa mga simpleng bagay, wala.

Walang alam.

Pero kaya naman 'yan matutunan, hindi ba? Kung hindi ko alam ngayon, sa susunod pwedeng marunong na ako. Practice makes everything perfect right?

"Oh ano na, baka matunaw naman ako sa tingin mo?" pang bubuyo na naman ni Sky.

"Oh my gosh. I'm not looking at you kaya. I'm looking at how you wash the plates." at kung paano matakpan ng bula ang ugat niya sa kamay na gustong gusto ko na tanggalin kada natatamaan.

Hindi ko na siya hinintay matapos ron, dumiretso na ako sa living room at binuksan ang TV. Narinig ko ang lakad ni Skyler akala ko ay didiretso siya sa tabi ko pero dumiretso siya sa likod ko at inalis ang towel ron, sinimulan niya na tuyuin ang buhok ko.

"May balak ka bang magpatayo ng salon?" I asked, I closed my eyes.

"Bakit mo natanong?" marahan niyang tinutuyo ang buhok ko. May pag iingat sa galaw niya.

"Wala lang, baka kasi you want to build one, mukhang may future ka sa pagpapatuyo ng buhok."

Tumawa siya, "Oh Ange. This one is exclusive only for you. Gumamit sila ng blower. Ikaw? I am your human blower."

"You're so corny."

"Mais kasi ako sa past life ko."

Kumunot ang noo ko at napansin niya ata dahil hinawakan niya ang noo ko at pilit na binababa ang pagkakakunot niyon.

"Paano mo nalaman kung anong klaseng tao ka nung past life mo?"

"Only geniuses have that."

"So I am not a genius?"

"Hindi galing sa 'kin 'yan." tumawa na naman siya. Nakakaloka.

Tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. I saw Rai's name.

"Hello?"

"My baby! You finally answered. How are you? Bakit kasama mo si Skyler kanina? At ano ang sabi niya? May relasyon kayo? Ano? Paano? You said yes? Anyway, highway, I called because you need to go to my house."

"S?" tanong ko kung sa subdivition niya ba magkikita. Alam niya na kapag letra lang, ibig sabihin may kasamang iba.

"Oh? You're with him right now? Tsk. Yes, baby. Use your Civic."

"Alright. I'm on my way."

Napalingon ako sa nasa likuran ko. Sakto rin na hindi na niya tinutuyo 'yon. Marahan na lang niyang sinusuklay gamit ang daliri niya.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon