THIRTY
LOVI MARGARET'S POV
Nakatulala ako halos wala ring tulog.. ni hindi ako dinalaw ng antok kagabi... He's a Jerk! A really really Bad Jerk!! He dared to kiss me! At First Kiss ko pa ang kinuha niya! Wala siyang kasing sama! Pero......
Bakit ganun ang naramdaman ko? Nagustuhan ko yung halik niya...
Dahan dahan kong pinadaanan ng daliri ko ang mga labing naangkin niya...
'Hanggang ngayon naiisip ko parin ang halik niya...ang sarap pala sa pakiramdam kapag hinalikan ka.... nakaka-kaba at nakaka-excite..'Nararamdaman kong nag-iinit ang magkabilang pisnge ko at kasabay din nun ang papalakas na papalakas na pagkabog ng dibdib ko.
Humigpit ang pagkahawak ko sa kumot...pano pagnagkita kami? Parang hindi ko ata siya kayang harapin... parang ang awkward sa pagitan naming dalawa...
"Good Morning!"
"Ay Kamote!" Halos mapatalon ako sa pagkakaupo ko
"Do you want some breakfast?" He smiled widely
Halos mangamatis sa pula ang buong mukha ko! Kaya binaon ko ang mukha ko sa kumot "A-Ano... Si-Sige" nautal ako
Iniisip ko pa nga lang kanina na ang awkward kapag nakita ko siya tapos nanadya naman tong tadhana bigla siyang ipinakita sakin ng wala man lang pasabi.
"Egg and bacon?" Tanong nya ulit
Tango lang tugon ko
Hindi ko na muli siyang narinig magsalita kaya akala ko umalis na siya unti unti ko nang tinanggal itong kumot na nakatakip sa mukha ko pero ang loko ayan nakatambay pa sa harapan ng pintuan at nakangti ng nakakaloko.
"Na-Nandyan ka pa?" i manage to say
"Bakit namumula yang pisnge mo?" Sita niya at titig na titig sa mukha ko
Agad akong na alarma at hinipo ang magkabilang pisnge ko "Uy! Hindi noh! Namumula ka dyan!"
He chuckled softly
Napatulala ako sakanya ang lakas ng epekto sakin ng simpleng pagbungisngis niya... mas lalo atang namula 'tong pisngi ko! Please tama na Hansel huminto ka na sa pag giggled mo kasi baka masanay ako at hanap-hanapin ko.
"Oh nakatulala ka?" He noticed "Don't tell me na gwa-gwapuhan ka sa'kin?" Then nag-pose pa siya ng pogi sign
"'Pag sinabi ko bang oo maniniwala ka?" I said accidentally
What the! What did i just say right now?!
"Huh?" He asked na para bang nagulat
"Hindi ka pa ba magluluto?" Pag-iiba ko sa tanong niya
Tumuwid siya ng pagkakatayo niya "Wala tayo sa condo ko kaya di ako magluluto... o-order ako" he said sarcastically
"Oh eh di...um-order ka na... dali! Nagugutom na ko!" Utos ko
"Wow.. parang may alipin ka ah..."
"Reklamo pa?"
"Eto na nga Boss oh.." tatalikod na sana siya ng bigla muli siyang humarap sa'kin "Actually naniniwala ako sa sinabi mo" he smile "Pogi talaga ang Boss mo" After he said those tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
*Thuddamp! Thuddamp! Thuddamp!* Whoah! Ang heart ko! Ang heart ko! Ang pogi nya sa smile niya! Oh my!! Kinikilig ako >. Humiga akong muli sa kama ko at parang tangang nagpaikot-ikot sa kumot hanggang sa mabalot na ang buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...