FIVE
CREIG MARIO'S POV
When i saw her starting to cry medyo nainis ako.. kasi naman bukod sakin may iba na siyang iniiyakan and it pissed me off. Lalo na yung lumabas sila mula doon sa school clinic tapos nakaakbay pa si Jelo sakanya para alalayan nya sa paglalakad nakakainis din kaya yun! Dati ako ang nag pro-protect sakanya ngayon iba na ang tinutulungan niya! Tapos eto pang Jelo na toh ang kulit-kulit kanina pa siyang sabi ng sabi 'Paano si Lovi.. kailangan ko siyang ihatid baka may mangyari sakanyang masama' parang tanga.. ang laki laki na nun noh! Kaya tinext ko kaagad si Kino na isabay nila si Lovi para naman matahimik na tong baliw na toh!
"Ayan kasabay na daw nila si Lovi..ngayon pwede na ba tayong umuwe? Pagod na kasi ako.." naiinis na ako
Ngumiti siya "Oo,bro pwede na..thanks ha"
"Sakay na..dahan dahan lang ha"
Maingat siyang umangkas sa likuran ng motor ko then humawak siya sa likurang bahagi ng motor.
"Oh..bakit ka dyan humawak?" I asked him
"Bro, sa paa ang injured ko hindi sa kamay.." he said
I just rolled my eyes at binuhay na yung makina ng motor then umalis na kami.
As we go naalala ko yung pinagusapan namin dati about kay Lovi.
"Alam mo bro, i think gusto ka ng babaing yun.." sabi ni Jelo at tinuturo niya si Lovi na nakatingin sa amin.
Bahagya ko siyang dinibdiban "Tanga..walang gusto yan sakin natutulala lang yan.." palusot ko at tatawa tawa pa ako
"Hindi mo ba siya type?" Napatigi ako sa tanong ni Jelo
"Siya?" At tinignan ko si Lovi na nakatingin parin sa amin "Hindi noh"
"Sure ka ba? Kasi minsan nahuhuli kitang nakatingin sakanya.."
Kumunot naman yung noo ko "Baliw hindi kaya.." tumingin ulit ako kay Lovi then sakto namang nakita ko si Chelsea at sumenyas ako sakanya na lumapit siya sakin.
"Buti naman hindi mo siya gusto..ayokong maging karibal ka Creig.." he seriously said that
Tinignan ko siya "Seryoso ka? Sakanya.."
He nodded "Sobra,Creig... sobrang seryoso.."-End of flashback-
I smiled habang nakatingin ako sa daanan 'I'm happy buti naman at may seryoso na sayong magmamahal Lovi.. Makakalimutan mo na rin ang isang g*gong katulad ko.. i hope si Jelo na ang magpapasaya sayo.. Sana si Jelo na lang ang mahalin mo..'
LOVI MARGARET'S POV
*Hatching!* 'Hay..may nag iisip siguro sakin...'
Naihatid na ako nila Kino sa bahay at kasalukuyan na akong nasa kwarto ko. Nagpalit muna ako ng damit bago bumaba at pumunta sa salas.
"Ikaw ate ah.. masyado ng mahaba ang buhok mo.." Coleen teased me
"Ano?" Di ko siya ma-gets
"Sino na naman yung naghatid sayo? Manliligaw mo ulit? Inferness sayo ate puro bigtime ang nabubulag ng byuti mo" she giggled
"Sira" marahan ko siyang binatukan
"Aray naman.." hinaplos niya yung ulo niya
Umupo ako sa tabi niya at kinuha yung popcorn bowl "Di ko manliligaw yun.. friend ko yun..ikaw masyado kang chismosa" tinapunan ko siya ng masamang tingin
"Chismosa naman.." she pouted
Di ko siya pinansin at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa t.v "Ano naman tong pinapanood mo?"
"One more chance.." she said at umupo sa tabi ko
"Bakit ka nanonood nito? Broken hearted ka ba?" I asked her at dinampot yung remote
"Oy ate!" Inagaw niya yung remote sa kamay ko "Nauna ako sayo dito! Tsaka kailangan bang broken hearted ka bago mo pwede mapanood yan?! Kung ayaw mo niyan dun ka na sa room mo.."
"Bakit ang highblood mo? Adik toh.." i giggled
"Hmp! Hina-highblood mo kaya ako..."
"Manood ka na..ang ingay mo"
Sabay na kaming nanonood hanggang sa dumating na yung scene nila Basha at Popoy na nagmamakaawa si Basha kay Popoy saying; Sana ako na lang...ako na lang ulit.
And expected ko na aagos na naman ang mga luha ko.
Singhot "Kawawa...naman...si Basha.." Coleen said
'Kaya ayoko nanonood nitong One More Chance eh.. naalala ko lang si Creig eh. Masyado akong na ka-karelate kay Basha (T.T)'Hanggang natapos na yung pinapanood namin magang maga na yung mata at ilong namin.
"Girls.. na kapag saing na ba---" Humarap kami kay Mamsi "Anong nangyari sainyo? Teka..umiyak ba kayo?"
"Nanood lang po kami ng One More Chance.." Coleen said
"Kaya naman pala maga yang mata't ilong niyo..oh siya magsasaing na muna ako..kayo ayusin nyo tong pinamili kong prutas.." utos ni Mamsi
Kinuha ko yung isang supot ng prutas at sumunod na kami ni Coleen kay Mamsi sa kusina.
"Wow! Mamsi chicken curry ang dinner natin? Naku! Mapaparami ang kain ko nito" -Coleen
"Don't worry Coleen dadamihan ko ang kanin.." They both laughed
Ako naman i'm smiling habang pinapanood silang nagtatawanan.
"May suprise ako sayo fiancé" Masayang masaya ako habang inilalapag ko ang tupperware sa kitchen table
"Let me guess.." nag-gesture siya na nag-iisip "Hmmm..nagluto ka?.. adobo!" Nag clap pa siya
Umiling ako "Hmm..correct na yung guess mong nagluto ako but yung ulam hindi.." i smiled at him
"Hmm..sinigang final guess na!"
Umiling ulit ako
" Hindi pa rin?.. ok can you please tell me what it is?" His voice was curious
In-open ko na yung lid ng tupper ware "Tenen! Chicken Curry! I cook this for you fiancé..with full of love" i looked at him tapos yung face niya ganito (-.-) "Oh..bakit ganyan reaction mo?"
"Ugh..Fiancé naman.. i don't like chicken curry.. i hate spicy.." Medyo sad yung voice niya
"Ay..sorry fiancé di ko alam.."
"Hay...akin na nga yan.." kinuha niya yung tupperware
Kumunot naman yung noo ko "Oh.. bakit mo kinuha?"
"Kakainin ko bakit?" Tumayo siya at kumuha ng plato then nilagyan niya yun ng kanin
"Kakainin mo? Eh akala ko ba ayaw mo sa spicy?"
Umupo siya at nilagyan niya ng ulam yung tabi ng kanin niya "You cook this diba? So pinaghirapan to ng fiancé ko siyempre.. i have to eat this.." he smiled then sumubo na
Napansin ko namang napapikit siya i know maanghang talaga yung luto ko madami akong inilagay na spices because it's my favorite.
"Woo!" Uminom agad siya ng tubig "Grabe fiancé full of love nga..woo!" Halos maluha luha na siya ako naman di ko mapigilang di matawa sa itsura niya
"Oy..fiancé bakit ka tumatawa? Saluhan mo ko dito.." yaya niya
"Sure.." i smiled
At masaya kaming nagsasalo sa niluto ko."Lovi..oy Lovi!"
"P-po?"
"Ano bang iniisip mo dyan at lutang ka?" Mamsi asked
"W-wala po.."
"Ate.. kanina pa pinapakuha sayo ni Mamsi yung chili powder sa ref." Sabat ni Coleen
"Sabi ko nga..eto na nga oh kukunin ko na.." binuksan ko yung refrigerator then kinuha yung chili powder and handed it to Mamsi
"Coleen ayusin mo na yang lamesa maghanda ka na ng mga plato.."-Mamsi
"K dot.." Coleen pouted
"Mamsi wala ka na po bang iuutos sakin?" I asked
"Wala na.. manood ka na lang ng t.v at ayoko utusan ang taong lutang.." she smiled ganun din si Coleen
"Ok fine.. ako na naman ang aasarin niyo.. sige mag tag-team kayo.." i said then lumabas na sa kusina naririnig ko naman yung hagikgikan nilang dalawa.
'Lagi na lang ako ang inaasar ng dalawang yun..hmp! Makaakyat na nga lang..'
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...