THIRTY-ONE
LOVI MARGARET'S POV
Halos four hours lang ang itinulog ko masyado akong napuyat sa chikahan namin ni Coleen... Naalala ko pa yung nung i-kwinento ko sakanya yung hinalikan ako ni Hansel at yung pakiramdam ko nun ang sabi niya sa'kin 'Naku, Ate! Hala ka! Inlove ka na!'
"Boo!"
"Ay kamote!" Nahampas ko yung bintana sa gulat "Ano ba Coleen! Huwag mo kong gulatin ng ganun!" Saway ko sakanya
Ngingiti-ngiti si Coleen "Wala pa ba yung hinihintay mo?"
Tinutukoy niya si Hansel
Napailing ako
"Hmmm..late na ah... laging on time yun si kuya Hansel pumunta dito" pati siya nakisilip na din sa bintana
"Tara kumain na tayo" yaya ko sakanya at nauna ng maglakad papunta sa kusina
Nasaan na ba yun si Hansel? Dati nauuna pa siya sakin kumain... Siguro tulog parin yun napagod siguro ng husto yun sa byahe namin kahapon...
Eksaktong pagpasok ko sa kusina ay tinawag ako ni Coleen kumaripas agad ako ng takbo papalabas "Bakit? Bakit?! Nandyan na siya?!" Agad akong dumungaw sa bintana
"Teh... O.A? may bisita ka pero hindi siya..." i heard her
"Si....Creig?" halos kumunot ang noo ko
Hala! Anong ginagawa ni Creig dito?
"Oh bakit ka pa nandito teh?" Tinignan ko si Coleen "Labasin mo kaya siya"
"Ha? Bakit naman?" Wala naman kasi akong business kay Creig
"Malamang pumunta siya dito eh anong dahilan naman kaya kung bakit siya pupunta dito?"
"Aba hindi ko alam.."
"Ate it's obviously na ikaw yung dahilan.. ano ba yan ang slow..makakain na nga..." Coleen said at nilayasan niya na ko
"Luh... kapag hindi alam slow agad? Labo nun" sinulyapan kong muli si Creig na nasa labas at nakatayo na siya sa tapat ng gate
"Hay... no choice puntahan ko na nga tong lalaking 'toh" nag-martsa na ko papalabas ng maindoor ng naaninag niya ko ay agad niya kong binati
"Morning" he greeted
"Morning" i greeted back "Anong ginagawa mo dito?"
"Hmmm... may susunduin ako" he said at hinawakan niya yung gate
"Ahhh... new girlfriend mo? Taga-dito samin? Saan siya nakatira?" I asked baka kasi kakilala ko
Ngumiti siya "Di ka pa ba papasok?"
"Hmm.. hindi pa bakit? Tsaka may hinihintay ako"
"Ahh... yung hinihintay mo hindi-------"
"Hi Creig!" napalingon kaming sabay ni Creig kay Mamsi
"Goodmorning po Tita" bati ni Creig
"Anong ginagawa mo diyan sa labas? Lovi bakit hindi mo pinapapasok si Creig?" Sita ni Mamsi
Hindi na ko nagsalita at binuksan na lang ang gate "Pasok ka" mahina kong nasabi
"Salamat" he smiled at me
"Kumain ka na ba? Halika saluhan mo kami sa loob" yaya ni Mamsi
Nagkatinginan kami ni Creig bago siya tuluyang sumunod kay Mamsi... isinarado ko muna yung gate bago naglakad papasok sa maindoor.
'Hay..nasaan na ba yung lalaking yun? Anong oras na!'
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...