FORTY ONE
LOVI MARGARET'S POV
Nakaupo kami ni Hansel sa waiting area ng ospital.. si Hansel bising-busy sa kakapindot sa cellphone niya..ako naman eto hindi na ko mapakali sa magiging resulta ng pregnancy test ko..
Tina-tap ko paulit ulit ang paa ko at kasabay nun ang maya't mayang paglingon ko sa pintuan ng obgyne..halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang takot..natatakot ako kapag nag-positive ang result..pano na ang pangarap ko? Pano na ang pamilya ko? Pano na ko? Anong mangyayari sakin? Ayokong tumaba! Ayokong magkaroon ng stretch marks! Ayokong malosyang!
"Huy..Anong iniisip mo dyan nakapikit ka pa?" Napadilat ako ng marinig kong sinabi yan ni Hansel "Para kang sira dyan" tatawa tawa siya
Inirapan ko siya "Ikaw ang sira dyan.. bakit parang ang relax relax mo? Hindi ka ba kinakabahan?"
"Why would i have to be nervous?" He said and minding his cellphone
"Of course, pano kung positive ang resulta... hindi mo ba naiisip kung anong mangyayari satin?"
"Siyempre magiging masaya ako kapag positive.. and don't worry i assured you i have plans for the both of you in the future" he calmly said
"How could you say that"
"What?" Tinignan niya ko
"Anong what? Alam mo ba talaga yang pinagsasasabi mo? Nakasalalay ang future natin dito.."
"Hindi ka ba nakikinig.. di ba sinabi ko na nga may plano na ko para sa future niyo"
"Niyo? Nino?"
"Ang slow.."
"Yan ka na naman ikaw na naman ang nakakaintindi ng sinasabi mo"
"Oh bakit badtrip ka?"
"Badtrip ka kasi kausap"
"Ano?" He faced on me
Sabay kaming napatingin sa pintuan ng obygyne ng marinig namin ang pagbukas nito. At lumabas ang babaeng naka-white coat at nakangiti itong sinesenyasan kaming pumasok sa loob. Agad kaming tumayo ni Hansel at sumunod sa babae sa loob.
Nang nakapasok kami ay pinaupo muna kami nung doctora sa chairs bago niya inilabas ang brown envelope.
Titig na titig ako sa envelope na yan.. shocks! Nandyan na ang resulta ng test!
"Mr.Torres here's the test result" iniabot nung doctora yang envelope kay Hansel
Kinuha agad ni Hansel iyon at binuksan ang envelope.. inilabas niya ang puting papel mula roon at seryoso niya iyong tinignan.
Kabadong kabado ako habang iniintay ko ang reaksyon ni Hansel nang matapos niya ng basahin iyon ay tumingin siya sakin..emotionless
"Ano?" Kuryos ako eh "Ano nakalagay? Huwag mo kong titigan anong resulta?!" Hinawakan ko ang kamay niya "Ano ba Hansel para tong baliw" medyo naiinis na ko ayaw pa kasing sabihin kung negative o positive.
Maya-maya ay ngumiti siya nagkasalubong tuloy ang mga kilay ko..
"Congratulations to the both of you" bati nung doktora
"Positive.. magkaka-baby na tayo! Yes!"
Positive??.. ang..ang...SHUT UP!!!!!! That can't be!!!
Kinuha ko kay Hansel yung papel at ako mismo ang tumingin nun.. baka nagkamali lang ng basa si Hansel..
Habang inii-scan yun ng mga mata ko ay halos panghinaan na ko ng pag-asa ng makita ko ang naka-bold na Positive..
Dahan dahan kong naibaba ang papel pakiramdam ko naubusan ako bigla ng lakas..
"Baby! I'm so happy!! I'm gonna be a father soon!"
Naramdaman kong niyakap ako ni Hansel ... kung siya masayang masaya ako naman gusto ko ng umiyak.. badnews toh para sakin (T.T)***************
Masayang masaya si Hansel habang papalabas kami sa hospital. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
"May gusto ka bang kainin Baby?" Ask niya
Iniling ko ang ulo ko
"Basta kung may gusto kang kainin kahit ano just tell me okay" nag-winked siya
"Wala akong gustong kainin..wala ako sa mood kumain" nakasimangot ako at hindi ko siya nililingon
"Wait..galit ka ba?" He asked
"Hindi.." i straightly said
"Teka nga" huminto siya kaya pati ako nadamay "Ano bang nangyayari sayo?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko "Kanina ka pa ganyan magmula ng malaman natin yung resulta"
I sighed "Huwag ka sanang magagalit sakin Hansel.. actually" i look at him at yung expression niya sobrang seryoso "Sa totoo lang.. hindi ako masyadong masaya sa resulta" i looked down alam ko kasing nakaka-upset yung sinabi ko..
Hinihintay ko siyang mag-react pero ang tahimik niya.. hindi niya siguro nagustuhan yung sinabi ko.. hindi naman sa hindi ako masaya of course masaya din ako pero hindi sobra sobra.. hindi pa kasi ako ready maging mother napaka bata ko pa at ang dami ko pang pangarap sa buhay.. kaya nalulungkot ako kasi hindi ko na magagawa yung mga gusto ko.
I startled when i felt his palm pats my head "I'm sorry.. napaka-insensitive ko hindi ko man lang tinanong kung anong nararamdaman mo.." he cuffed my cheeks "I know you have a lot of things you wanted to do.. sorry for being a selfish.." he suddenly pulled me towards him and tightly embraced me "You're the only good thing that comes in my life.. You're the reason for my every smile.. You've changed me....a lot" i heard he giggled "I love you so much.. every parts,every edges and every flaws you have.. you're imperfectly perfect to me.." he burried his face on my neck "That little part of me inside you.. that's the evidence of how much i love you.. and soon our little nudger will come out in this world.. and we will show and make him feel how much we love him and how much we're so lucky to have him.." kumawala na siya sa pagkakayakap sakin at masaya akong tinignan "You love me right?" I nodded "Then you will love him as much as you love me" he smiled
Kumunot ang noo ko at naramdaman kong namumuo na ang mga luha ko "I'm sorry..I'm sorry,Baby.." napaiyak na ko ng tuluyan
He hugs me "It's okay..Baby"
Iyak na ko ng iyak at napayakap narin ako sakanya ng mahigpit.. ang sama ko.. ang sama sama ko.. sorry baby inisip ka ni mommy na badnews ka para sakin.. napaka bad ko. (T.T) kung hindi pa nagsalita ang daddy mo hindi ko maiisip na mali ako.. i'm sorry baby simula ngayon i'll cherish you.. mamahalin kita at proprotektahan... i'm sorry ulit baby..
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...