THIRTEEN
LOVI MARGARET'S POV
Halos maging bato ako sa kinakatayuan ko sa dami-dami ng taong pwedeng makakita sa'kin na kausap 'tong demonyong 'toh ay ang pinakamamahal ko pang lalaki! Ang malas! sobrang malas!
'Anong gagawin ko?! Lintek nakatingin si Creig! Teka ano ah! pisti! Lovi kalma lang wag kang mag panik'
Butil butil na pawis naman ang patuloy na naglalabasan sa buo kong katawan.. ganyan talaga ako kabahan wag kayong ano.
"Oh si Captain pala.." rinig kong bulong nitong demonyo sa likuran ko.
Naramdaman ko namang pahakbang papalayo sakin si demon kaya agad kong hinawakan yung laylayan ng t-shirt na suot-suot niya para pigilan siya.
"Why?" sabi niya at nakikita ko siya mula sa peripheral view ko.
"Uwe na tayo.." Dire-diretcho kong sabi habang titig na titig parin ako kay Creig.
"Oh kala ko ba ayaw mong sumabay sakin? tapos ngayon uwe na tayo? adik ka noh?" pang-aasar niya pang sabi
'Bobo naman nitong demonyong toh di marunong makatunog ng awkward moment!'
"Kung ayaw mo di wag! di ka naman pinipilit!" naglakad na akong papalayo kay demonyo
"Oops sandali..." pinigilan niya ko at marahang hinawakan yung wrist ko
"Tampo agad eh.. halika na nga" ngiting aso
Tinignan ko lang siya ng masama at inirapan, tinawanan nya lang ako at agad ng hinila papalayo doon sa garden.
Habang naglalakad kaming dalawa naiisip ko naman yung ekspresyon ng mukha kanina ni Creig.
Blanko, Seryoso, Nakakatakot yung pagtitig niya.. ano kayang iniisip niya kanina? Hay ang hirap manghula..
"Hoy.." marahan niya kong siniko "Tulala ka dyan.. mukhang malalim ang iniisip ah.."
Tinapunan ko siya ng masamang tingin "Oo..iniisip ko kung paano ka papatayin ng hindi mo malalaman..."
He chuckle
"Bitiwan mo na nga ako...!" Reklamo ko
"Ayoko nga.. baka bigla kang dumukot ng knife tapos saksakin mo na lang akong bigla"
"Sira! Alam mo kung papatayin kita hindi dito sa school masyadong halata"
"Wala kang originality... dahil dyan humanda ka sa ride to hell natin mamaya" marahan siyang tumawa
"Don't worry Mr.Satan i'm always ready! Pero bago muna tayo mag ride to hell na yang sinasabi mo pwede bang bitawan mo na yung kamay ko? Baka kasi may makakita satin baka akalain na magsyota tayo at ichismis pa sa buong campus" habang sinasabi ko yan nadidiri nako sa na-iimagine ko..
Bigla naman siyang huminto ganun din ako "Excuse me" lumingon siya sakin "Chussy ka pa? Sa gwapo kong toh ang daming naglalaway sa mala-adonis kong features!" Oh umiral na naman ang kahambogan
"Excuse me din! Sila lang ang naglalaway at hindi ako kasali sa salitang 'Sila'.." taas-kilay kong sabi
Nagbitaw agad yung mga kamay namin "Ayoko din namang ma-chismis na tayo... kasi ang hirap isipin ay mali! Ang sakit isipin... luge ako kung ma-chichismis na magsyota tayo.." marahan niyang iniling-iling yung ulo niya
"Hiyang-hiya naman ako sa ka-gwapuhan mo! Kaya naman pala mula doon" itinuro ko yung pinanggalingan namin kanina "Hanggang dito hawak-hawak mong ganyan yung kamay ko!" Di-nemonstrate ko pa yung pagkakahawak niya kanina sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...