TWELVE
LOVI MARGARET'S POV
Medyo na alimpungatan ako dahil sa malakas na pagtunog ng alarm clock ko. Agad ko namang in-off yun nag-unat sandali bago dahan-dahang tumayo.
"Brrrr! Gising nako.." marahan kong sinampal-sampal ang magkabilang pisnge ko para lalo akong magising.
Isa-isa ko na munang inayos ang mga susuotin ko bago ako tuluyang pumunta ng banyo.
******
Patapos na kaming mag-almusal ng may marinig kaming busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Agad naman kaming nagkatinginang apat iniisip kung sino ang bisita sa ganito kaaga.
"Ako na ang titingin.. ubusin nyo na yang pagkain nyo" prisinta ni Mamsi at agad ng pumunta sa harapan ng pintuan.
Eksaktong tatlong subo ng kutsara ang ginawa ko bago bumalik si Mamsi. Sabay-sabay naman naming tinignan si Mamsi nung nakaupo na ito.
"Yellow car.." ang ikli lang ng sinabi ni Mamsi
Kumunot naman yung noo ko sa yellow car.. kanino naman kaya yun?
"Kaninong sundo yun?" Si Papsi nagtanong
"Baka kay ate.." sabat naman nito ni Coleen
"Hala! Ba't sakin? Wala naman saking susundo eh.." depensa ko
Totoo naman eh.. sino naman kayang abnormal ang susundo sakin? Si Creig? Nah... sobrang imposible.
"Baka naman sayo Coleen?.."-Papsi
"Oo nga.. baka manliligaw mo" ganti ko
"Sino naman ang manliligaw sakin?.." taas-kilay na sabi niya
"Baka naman nagkamali lang ng parada?" Si Mamsi
"Pwede din.." pagsang ayon ni Coleen
"Oh siya tama ng tanungan at mahuhuli na tayo sa mga pupuntahan natin.." si Papsi at agad na sinulyapan ang wristwatch niya.
Tumayo na kami sabay-sabay at nagpaalam muna kay Mamsi bago kami tuluyang lumabas ng bahay.
Si Coleen ang naunang sumakay sa sasakyan sumunod naman si Papsi kaya as usual ang huli ang magbubukas at magsasarado ng gate.
Bago ko buksan yung gate ay napansin ko ang yellow car na sinasabi ni Mamsi at take note ah! Nakaharang siya sa driveway. Agad kong binuksan yung gate at tinulak yun sa magkabilang dulo matapos nun ay ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa yellow car na nakaparada sa tapat.
Hmm.. parang nakita ko na toh.. siguro kamukha lang nung sasakyan na yun.. pero dream car ko yang car na yan eh.. Camaro Chevy! Teka! Hindi kaya kay mister Sunget toh?! Ay imposible hindi naman nun alam yung address ko.
Dahan dahan kong kinatok yung bintana ng sasakyan. Dahan dahan din namang bumababa yung tinted black na bintana nitong sasakyan.
Agad ko namang sinilip yung driver "Kuya yung--" parang nanigas yung dila at bibig ko ng makita ko ang nakangiting mukha ng demonyong toh. Sasabihin ko pa ba kung sinong demonyo? Matik na.
"Suprise?" Nang aasar pa yung boses nya
Halos maningkit naman yung mga mata ko sa bwisit! Ang aga kasi magpakita ng impaktong toh! Ang aga mang-bad day!
"Ang tagal mong lumabas kanina pa ko dito" reklamo niya
Tinitignan ko lang siya ng masama kung alam niya lang pinapatay ko na siya sa isipan ko.
"Get in.. sabay na tayong pumasok" he smiled
Lumunok muna ako bago ako magsimulang magsalita "Ayoko nga.. pumasok ka mag-isa mo.. at pwede ba itabi mo tong sasakyan mo at dadaan kami"
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...