TWENTY EIGHT
LOVI MARGARET'S POV
Nakatulala ako at nakatingin sa kawalan tama bang? Tama ba talagang hinalikan niya ko sa noo?! Nakakainis! Dahan dahan kong hinaplos ang magkabilang pisnge ko.
"Nakakainis.." i mumbled
'Naiinis talaga ako! Naiinis ako sa sarili ko! Imbes na magalit ako sa Demonyong yun dahil ninakawan niya ko ng halik mukhang nagustuhan ko pa yung ginawa niya..(-_-) nakakainis talaga!'Nakuha nung mga crew yung atensyon ko nagmamadali kasi silang lumabas sa tent hindi na ko nagtanong kung bakit aligaga sila sumunod na lang ako kahit naguguluhan ako sa kinikilos nila. Lakad takbo yung ginagawa namin hanggang sa nakarating kami doon sa magiging pitstop ni Hansel.
Pinaupo ako nung medyo may edad ng lalaki malapit sa monitor kung saan namin mapapanood ng live yung race.
Pinagmamasdan ko naman yung ibang crew member sa mga ginagawa nila...yung iba chine-check yung tires, yung mga tools, tapos yung gas.
Tahimik lang ako habang pinapakinggan sila 'Hay... nakaka-out of place naman dito..'
"Sir! The race is starting!"
Nang marinig nila yun lahat sila nagtipon-tipon at pumunta rin sa tapat ng monitor. Itinuro sakin nitong katabi ko yung sasakyan ni Hansel.. habang nag-ka-countdown yung stoplight ay nakakaramdam na ko ng kaba...hanggang sa umilaw na yung GO light at nagsimula nang humarurot yung mga sasakyan. Naghihiyawan at nagsisigawan yung mga crew na nandito nag-chee-cheer sila para kay Hansel. Sandali lang pala ang itatagal ng competition na toh, Five laps lang pala dahil daw may Drift Contest pa raw.
Sa unang lap pumapang-apat lang ang standing ni Hansel nang nag pangalawa na ay wala paring pagbabago sa standing niya bago mag pangatlong lap ay pumunta muna siya sa pitstop upang magpalagay ng gas. Nang pumangatlong lap na ay mabilis niyang nakuha ang pangatlong pwesto nagtuloy-tuloy yung swerte niya hanggang sa last lap. Mabilis niyang nasungkit ang pang unang pwesto. Nagsigawan naman yung mga crew members na kasama ko kaya pati tuloy ako hindi ko mapigilang hindi matuwa. Nang natapos na ang buong laps ay tumakbo papalabas yung mga crews.. pati din ako nakitakbo na... sa sobrang dami ng mga taong gustong sumalubong sakanya hindi na ko lumapit sa kinalalagyan niya huminto na lang ako at nakangiting pinagmamasdan siya.
Halos lahat ng tao nagkakagulo sakanya.. hanggang nagkasalubong yung paningin namin..ngumiti siya and i admit it sobrang gwapo niya! Naglakad siya towards me
"Boss!" He called "I told you! I'm gonna win this race!" He yelled
Nang exactly nasa tapat ko na siya he hugged me tightly "Para sa'yo yung panalo ko" he whispered
Halos mamula naman yung buong mukha ko sa sinabi niya..Para sa'kin? For me really?! I didn't expect na sasabihin niya yun..
Humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sa'kin then he grabs my hands.
"I'm so proud of you,Boss" i'm wearing my sweetest smile
He suddenly kissed my forehead again... bumibilis na naman tuloy ang heartbeat ko hay..kapag lagi niyang ginawa yan i swear! Magkakasakit na talaga ako sa puso!
"Hey,Bro!"
Sabay kaming napalingon ni Hansel sa panira ng moment na yun!
"Congratulations Bro! I knew you'd never disappoint me" It's James
Binitawan ni Hansel yung kamay ko bahagya tuloy akong nalungkot...binigyan niya ng bro fist si James then nagusap na sila. Hindi ko sila pinapakinggan naiinis kasi ako kay James inagaw niya yung atensyon ni Hansel!
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...