TWENTY FIVE

37 2 0
                                    

TWENTY FIVE

HANSEL DWAYNE'S POV

Naalimpungatan ako at kinusot kusot ko pa ang mga mata ko dahan-dahan akong umupo at napansin kong naka-off na yung computer kaya agad kong hinanap ang presensya ni Lovi ngunit bigo ako dahil nag iisa lang ako dito sa kwarto niya.
'Nasaan kaya yung babaing yun?'

Tumayo ako at tumungo sa pintuan pinihit ko yung doorknob at tuluyan ng lumabas. Maingat ako bumaba ng hagdanan hanggang sa nasilayan ko si Lovi na nakahiga sa sofa. Agad kong pinuntahan ang natutulog na si Lovi nang maaninag ko ang maamong mukha ni Lovi ay hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Umupo pa ako upang matitigan ko ng mabuti ang napakagandang mukha ni Lovi.

*Thuddamp! Thuddamp! Thuddamp!*

Agad kong sinapo yung dibdib ko at nararamdaman ko ring umiinit ang buong mukha ko! Agad akong tumayo at iniiwas ang tingin ko kay Lovi maka-ilang beses akong nag-exhaled at ti-nap yung chest ko 'Whew! This weird feelings..ano ba talagang ibig sabihin nito? Do i like her?... This is the second time around that i felt these... but minsan naiinis ako sakanya...minsan naman natutuwa ako sakanya.. hay.. ano na ba talaga siya sa'kin?..'

Para akong lutang na pumanhik paakyat pabalik sa kwarto niya.. hanggang sa tuluyan na kong nasa loob nun ay para parin akong tanga. Dahan dahan akong umupo sa edge ng kama at malayo ang tingin.

*Briiinggggg* mahinang tunog ng cellphone

Nakuha nun ang atensyon ko kaya naman nagbalik ako sa senses ko. Pinakinggan ko ng mabuti kung saan banda nag-ri-ring yung phone.. isa-isa ko namang inangat yung mga unan sa kama hanggang sa nakita ko yung cellphone ko.

"Hindi ko naman matandaan na inilagay ko ito dito? I know nandoon ito sa unan ko.."

In-unlocked ko yung screen ng phone at katakot takot na messages at missed calls ang nakita ko. Si Dad at Mel lang ang nasa list ng missed calls. Chi-neck ko naman kaagad yung message ni Mel.

From: Mel
Mr.CEO I've been trying to call you many times,Sir I just want to update you Sir that Mr. Tiu wants the copy of the sales for this month.

"Sh*t! I totally forgot it! Hindi naman kasi nag-message tong Tiu na toh sa'kin sa Y.M"

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto then sa paglabas ko ng pintuan ay nakasalubong ko si Tita na pupungas pungas pa.

"Oh Hansel..ang aga mo namang nagising.."

"Kayo din po Tita."

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos na po Tita"

"Sandali at ipagluluto kita ng makakain mo"

"Naku,Tita salamat po pero wag na po kayong mag abala..aalis na rin po kasi ako" pigil ko

"Ha? Ang aga naman.. sandali nasaan ba si Lovi?"

"Natutulog pa po siya."

"Teka gigisingin ko lang----"

Pinigilan ko siya "Tita wag na po..pakisabi na lang po sakanya na umalis na po ako..sige po Tita" hindi ko na hinintay pang magsalita si Tita patakbo na kong bumaba ng hagdanan at nagmamadaling lumabas ng maindoor hanggang sa tuluyan na kong nakalabas ng gate. Sumakay ako sa driver seat ng sasakyan..binuhay ang makina nun at agad na pinatakbo papaalis sa lugar nila Lovi.

LOVI MARGARET'S POV

"I'm sorry Lovi...kailangan ko ng lumayo sa'yo..." binibitawan niya na ang magkahawak naming mga kamay

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon