TWO

87 4 0
                                    

TWO

Naihatid na ko ni Jelo sa bahay at si Coleen lang ang nadatnan kong nandoon.

"Nasaan sila Mamsi?" Tanong ko kay Coleen na kasalukuyang nanonood ng t.v

"Nag-grocery.." she said at nakatutok parin sa t.v

"Ah.." sabi ko at naglakad na paakyat ng hagdanan

"Sino yung naghatid sayo?" Napahinto ako sa tanong ni Coleen at muli ko siyang tinignan "Boyfriend mo?" She said at naka-smile pa siya

"Ha? Sino?" Napakunot naman yung noo ko

"Yung binabaan mong black volvo kanina.." she pouted

"Oy! Di ko boyfriend yun.. manliligaw ikaw ang bata bata mo pa ang chismosa mo.." i teased her

"Di na ko bata noh! 14 na kaya ako! Pwede na nga akong mag boyfriend eh!"

Tinapunan ko siya ng evil look "Hoy magtigil ka nga! Wag kang kerengkeng ah! Boyfriend-boyfriend.. mag aral ka muna!"

"Nagsalita.. sino kaya yung twelve pa lang may fiancé na?" Alam kong inaasar nya ko
'Oo alam yun ng sis ko..kinukwento ko kasi sakanya si Creig pero ang alam niya ok pa ang relasyon namin ni Creig as friends dahil pinalabas kong cool off lang ang nangyari sa aming dalawa'

"Teka ate.. manliligaw mo lang ba yun?" She asked

I nodded

"Alam ni kuya Creig?" Tanong niya again

I nodded

"Anong reaction? Anong sinabi niya? Wala ba siyang ginawa?" Sunod sunod niyang tanong

"Deadma.. sige akyat na ko" after i said that tuluyan na akong umakyat naririnig ko pang tinatawag niya ko pero hindi ko na lang siya pinansin wala ako sa mood makipag chikahan sakanya. Nang makapasok na ako sa room ko ay agad kong ni-lock yung pinto at dali daling isinalampak yung katawan ko sa kama. Ipinikit ko yung mga mata ko at inisip ang naging reaksyon ni Creig sa pag confess sakin ni Jelo.

Blank expression.. walang pakielam, straight face. Idinilat kong muli ang mga mata ko at naramdaman ko namang bigla na lang pumatak ang mga luha ko.

Yes it hurts.. ayoko mang paniwalain na kinalimutan niya na ako pero yun yung meaning na ipinakita niya sakin. Yun bang parang hindi ako nag-exist sa buhay niya, para siyang may amnesia at hindi na ako kilala. Ang sakit lang talaga.. kung sino pa yung taong aasahan mong may malasakit sayo yun pa pala yung wala.. but i know kasalanan ko rin kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa wala at nagpapakulong sa ala-alang lumipas na.

****

"Lovi..are you okay honey?"

"Ha?" Napatingin ako kay Mamsi

"Kanina ka pa nakatulala diyan at hindi ka pa kumakain" Mamsi looks worried

"Ah..okay lang po ako Mamsi.." i assured her at agad ng sumubo ng almusal ko.

"Ubusin mo na yang breakfast mo at baka ma-late ka na naman" Sabi ni Mamsi at sinandukan niya ng rice si Coleen

"At kami din madadamay ni Papsi" Coleen said

I just rolled my eyes on her ayokong makipag asaran sakanya ang aga aga pa wala ako sa mood.

After namin mag breakfast ay dating daily routine namin, inihatid muna kami ni Papsi sa school bago siya pumasok sa office.

Nang saktong nakapasok na ko sa loob ng school ay para namang kaboteng sumulpot si Jelo sa tabi ko.

"Hi beautiful.." bati niya

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon