FOURTY FIVE

22 1 1
                                    

FOURTY FIVE

CREIG MARIO'S POV

"Whaaaaatttt?!" Halos maubo ako sa sinabi nitong si Jelo

"Bakit mukhang gulat na gulat ka? Bro.. Aminin mo na hanggang ngayon attracted ka parin kay Lovi"

"Gago ka ba? Anong attracted pinagsasasabi mo? Bro.. Move on na move on na ko kay Lovi... I'm a changed man" pagyayabang ko

"Changed man??? Talaga? Eh hanggang ngayon nga wala kang girlfriend eh.."

"Tarantado ka talaga eh noh porke't walang girlfriend hindi na magbabago? Pwede namang nagbago sa mabuti.. At isa pa Jelo pagod na ko maging playboy.."

"May lagnat ka ata?" Sabay hipo sa noo ko "Kailan ka pa umayaw sa pagiging playboy mo?"

"Ano ka ba dati pa"

"Pero maiba ako..Di ba alam mo naman dati patay na patay ako dyan kay Lovi.. Pero bro nagkita na kami ni Lovi nitong nakaraan lang.. Creig wala naman akong naramdaman katulad ng naramdaman mo.. Talaga wala.." Itinaas niya pa yung kanang kamay niya parang nanunumpa lang

"Oh tapos? Anong ibig mong sabihin?" Poker face ako

"Bro aminin mo na.. Gusto mo parin si Lovi.."

"Hindi nga.. Ang kulit mo.. Yung feelings ko na yun tinapon ko na matagal na"

"Kung ganun.. Mabuti yan Bro.. Dapat talagang itapon mo na" ti-nap niya ang balikat ko "Tara punta tayo sa Bar sagot ko"

Tinignan ko siya "Aba himala pwede ka ng mag-Bar?"

"Goodmood lang kasi ako ngayon" ngiting ngiti si loko oh

"Bakit naman?"

"Secret"

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa balikat ko "Sige na uuwe na ko"

"Huh? Huy..bakit?"

"Tinatamad ako mag-Bar kung gusto mo tawagan mo si Kino o mas mabuting tawagan mo si Kiku"

"Oy Creig! Ang K.J naman nito oh"

"Bye!" Nagsimula na kong maglakad papunta sa bigbike ko at habang naglalakad ako ay naisip ko ang sinabi ni Jelo.

Anong attracted? Anong may feelings? Kagaguhan!.. Matagal ko ng tinanggap na hindi talaga kami ni Lovi para sa isa't isa.. At masaya na ko para sakanila ni Hansel.. Ayoko ng maging kontrabida sa buhay nilang dalawa.

Nang maayos akong nakasakay sa bigbike ay agad ko ng in-start ang makina at pinaharurot yun hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang makaalis doon.

Habang nagmamaneho ako ay nakaramdam ako ng gutom kaya naghanap ako ng pinakamalapit na fastfood.

Burger King ang mabilis kong nahanap agad kong ipinarada ang bigbike at mabilis na pumasok sa loob.

Habang namimili ako ng kakainin ko ay nakarinig ako ng boses na napakapamilyar sa pandinig ko pero binalewala ko lang iyon.

Nang matapos akong um-order ay naghanap na ko ng bakanteng upuan.

I'm so hungry na!!

Kakain na sana ako ng makita ko ang taong nasa harapan ko. .. Napahinto ako..

Fvck! Pinaglalaruan ba talaga ako ngayon ng tadhana?

Sa dami dami naman ng makikita ko talagang siya pa! Siya pa talaga?! Pwede namang ibang ex ko... Siya talaga ang favorite ng tadhana ipakita sakin.

"Oh nandito karin pala Creig" nag-wave siya sakin at ngumiti

Naramdaman ko na naman ang pagiging tense ko.

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon