THIRTY TWO
LOVI MARGARET'S POV
Mugtong mugto na ang mata ko sa kakaiyak tuyo't na tuyo't narin ang lalamunan ko at pagod na pagod na rin ang katawan ko.. nanatili parin akong nakaupo at nakatingin paibaba parang wala ako sa sarili ko. Ramdam ko parin ang sakit na tumutusok sa puso ko hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.. gusto ko ng umuwe pero tinatamad ang katawan kong tumayo para akong laruan na nawalan ng baterya..
Mahigpit kong hinahawakan ang panyong hawak-hawak ko gusto ko pa sanang umiyak ngunit wala na atang luha pa ang lalabas sa mga maga kong mata.
Napansin kong may nagpatong ng phone ko sa lap ko kaya naman tinignan ko kung sino ang mabait na pumulot ng phone ko sa sahig at
"Creig?.." my voice cracked
Halos lumaki ang mga maga kong mata "A-Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong na sabi ko
Umupo sa tabi ko si Creig at hinawakan niya ang magkabilang kamay ko dahan dahan kong inialis ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.
Creig sigh "Hindi ko na itatanong kung bakit ka naiyak..." may iniabot siya sa'king lollipop "Oh..tahan na" pag-aalo niya
Nakatitig lang ako sa lollipop na nasa harapan ko imbes na matuwa ako kabaligtaran nun ang nararamdaman ko..nalulungkot na naman tuloy ako naaalala ko na naman tuloy siya. Huminga na lang ako ng malalim at napatingin paitaas gustuhin ko mang umiyak wala na talagang luha eh naubos na.
Creig suddenly grabs my right hand and put the candy on it wala akong pakialam sa ginagawa niya nananatili parin akong nakatulala sa kawalan.
"Ang laki na ng ipinagbago mo" I heard him chuckles "You've become a fine woman..." he patted the top of my head.
Umiling ako "No..i'm still the same.. crybaby parin ako... clumsy ..independent at sobrang weak.."
"Hmmm sige accepted na ang crybaby at clumsy..pero independent at weak parang hindi naman..." isinandal niya ang likuran sa couch "I still remember dati sobrang dependent ka sakin pero ngayon sobrang strong mo na.. and i'm very proud of you.. you totally forgot the jerk.. you totally forgotten me.."
Napatingin ako sakanya i saw him smiling tinitigan ko pang mabuti ang buong kabuuan ng mukha niya i realized na tama nga siya nakalimutan ko na talaga siya... hindi na siya kilala ng puso ko..hindi na ko katulad ng dati na kapag nakikita ko siya ay na e-excite ako...ngayon ayan katabi ko pa siya pero wala ng spark.. wala ng kilig-factor...wala na talaga as in totally normal na lang.. isa lang naman ang dahilan kung bakit ganito na ang nararamdaman ko para kay Creig... hindi ko na siya mahal... Si Hansel...si Hansel na ang mahal ko.. dapat ipaglaban ko siya! Dapat hindi ko hayaang mawala na lang siya sa'kin! Hindi ko hahayaang magsisi ako sa bandang huli! Tama! Dapat hindi ako umiyak! Kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko!
"Creig... pwede bang humingi ng favor?"
"Yes,what is it?"
"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?"
"Hay... of course! Yan lang naman ang hinihintay kong sabihin mo eh..so tara na?"
I nodded
'Kailangan kong makapag isip kung paano ko babaguhin ang utak ni Hansel sa pag-iwan niya sa'kin...Pero.. pano ko sisimulan?'HANSEL DWAYNE'S POV
Nakaupo ako sa veranda at umiinom ng malamig na sanmig light... Kanina pang masakit ang ulo ko kakaisip kay Lovi.. Tama ba ang desisyon kong pakawalan siya at isuko siya kay Creig kahit alam ko sa sarili kong mahal ko na siya? Ngunit kahit magsisi man ako sa desisyon kong iyon huli na ang lahat nasabi ko na ang lahat-lahat upang saktan si Lovi at kunin siya ni Creig.
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...