NINE
LOVI MARGARET'S POV
One week had passed, at lalo kaming naging close ni Jelo, magaling narin pala yung injury niya at mamaya magsisimula na ulit siyang magpractice ng basketball. Si Creig naman ayun medyo suplado parin pero kinakausap niya na ko kahit papaano, Ay! Si Janine din pala close na kami.. lagi kaming nagkwe-kwentuhan about some girly stuff, then si Kino naman ok lang..medyo maloko nga lang.. sino pa ba? Hmm.. Ah! Yung haliparot girl..si Chelsea i know simula pa lang mag krus ang landas namin hindi na kami magiging close. As in EVER!
"Loviiii!"
Ang tinis talaga ng boses nitong si Janine.
"Oh..tapos mo na ba yung ginagawa mong report?"
"Hindi pa nga eh..pero malapit na.." she held my wrist "Nag lunch ka na?"
I shook my head
"Tara..sabay na tayo"
"Ok..sige.."
Sabay na kaming pumunta ni Janine sa cafeteria, At as usual nandoon silang lahat except nga lang kay Jelo. Yung eyes ko naman awtomatik na hinahagilap ang presensya ni Jelo, Nasaan kaya yung lalaking yun?
"Oi.. may hindi mapakali" Si Kino at nakangiting nakakaloko
Sila Janine at Chelsea naman tinignan ako then nag giggled, si Creig naman ayan busing-busy sa kakabasa ng Magazine.
Clear throat "Ehem... Nandoon siya sa dean office pinapasa niya lang yung report paper niya" Kino said
"Ah.." tumayo ako "Bili lang ako ng lunch ko" paalam ko sakanila.
Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang sulyapan si Creig. Bakit ba ang gwapo gwapo niya? Hay..nahihirapan na ko sa nararamdaman ko para sakanya.. Ey Lovi! Kailan ka pa napapanghinaan ng loob? Hindi mo kilala ang word na give up! Think positive Lovi! Think positive!
Sandali lang ang tinagal ko mamili ng lunch ko, agad na bumalik ako sakanila at inilapag ko yung tray then umupo na ako.
"Wala palang pasok sa Monday noh"-Janine
"Oo nga daw, ano bang meron sa Monday?"-Chelsea
"It's our school anniversary.."-Kino
Of course Kino knew it! Kasali siya sa student council eh.
"School anniv. pala.. eh bakit walang pasok?"-Chelsea
"Actually dapat talaga may pasok.. the student council team had prepared a special school fair on that day kaso... by monday wala naman yung principal natin may special meeting siya sa whatever people kaya ayun postponed muna yung school anniversary" Kino explained
"Ay.. ganun pala.."-Janine
"Matutuloy parin naman yung school anniversary eh----"
Creig interupted Kino "Isasabay na lang sa school games yung anniversary ng school.."
"Really! Woohoo! I think that will be awsome!" Janine said excitedly
Nagpatuloy na ako sa pagkain ko sila naman ang ingay nila nag-uusap parin sila tungkol doon sa school games.
"Lovi..."
I stopped when i heard that familiar tone calling my name.
"Petchay na yang kinakain mo"
Napakunot naman yung noo ko then tinikman ko ulit yung nasa loob ng bibig ko. Erk! I hate this taste!
Agad kong tinakpan yung bibig ko baka kasi anymoment mailuwa ko yung nasa bibig ko. Tumayo ako mula sa kinakaupuan ko at isa-isa silang tinignan, i gave them an excuse-me-look then dali dali na akong tumakbo papalayo sa kanila at isa lang ang nasa isip kong lugar ang 'Restroom'.
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Novela JuvenilFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...