FOUR

69 4 0
                                    

FOUR

LOVI MARGARET'S POV

Di na ko nagulat ng nadatnan kong nag aabang si Jelo sa labas ng classroom ko kanina rin namang lunch sinundo niya ko.

"Hi!" Bati niya

"Hi.." at inagaw niya sakin yung bag ko eh di siya na gentleman "Uhm thanks"

He just smiled at me then magkasabay na kaming pumunta sa school court.

"Akin na yung bag ko Jelo.." kinukuha ko yung bag ko sakanya

"Bakit?" He asked at di niya ibinibigay sakin yung bag

"Doon kasi ako manonood..bawal ako dyan pumasok.." itinuturo ko yung main door kung saan dumadaan yung mga players.

"From now on.. dito ka na manonood ng practice game namin.." he winked at me

"Ha?..pero.." bago pa ako makapagsalita hinila niya na ko papasok doon sa main door.

"Patay ako nito sa fans mo.." i mumbled

"Ano?.." he asked

"Wala... sabi ko galingan mo.." at itinaas ko pa yung right hand ko para makipag-apir sakanya

Ngumiti naman siya at nakipag-apir sakin "Sige upo ka na dun.." itinuro niya yung bench and he pinched my left cheek "Pampaswerte" then umalis na siya at pumunta sa mga ka-grupo niya.

*Blink Blink Blink* 'Ow shet! Bumibilis yung tibok ng puso ko.. yung pisnge ko umiinit..'

"Uy!.."

"Ay kamote!" Gulat ko at sapo sapo ko yung dibdib ko "Janine..ginulat mo naman ako.."

"Sorry.." at naka-peace sign siya "Para ka kasing wala sa sarili mo kanina.. halika na upo tayo dito.." at pinaupo niya ko sa tabi niya.

Habang tinitignan ko yung mga nakaupo sa bench napansin ko puro kami babaeng nakaupo doon, ah i know! Siguro mga girlfriends to nung ibang players.

"So.. boyfriend mo na pala si Jelo..i'm happy for both of you!" Tuwang tuwa si Janine at hinawakan niya pa ang kamay ko "Bagay na bagay talaga kayong dalawa!"

Na shocked naman ako sa sinabi niya "Ha? Boyfriend?"

"Kasi dinala ka na niya dito.. so may relationship na kayo.." Janine smiled

'Ano daw? Porke't dinala dito mag syota na agad? Di ba pwedeng friends lang..?'

"It's not what you think Janine.. hindi pa kami magsyota.." i defended myself

"Ay.. ganoon ba..kala ko pa naman official na kayo.. pero ok lang atleast ok naman yung relationship nyong dalawa" she smiled, and so do i

After a couple minutes nagsimula na rin yung practice game nila. At ako naman parang tangang nakatingin sa bawat galaw ni Creig. 'My gosh! Ang cool cool niya talaga! Wala pa rin siyang ipinagbago sa paglalaro ng basketball.'

Hanggang sa may bli-nock siyang mag shoo-shoot ng bola 'Whoah! Ang galing talaga ng fiancé ko!'

"Oh my god! Is he okay?" Narinig kong sabi ni Janine

Napatingin naman ako kay Janine "Anong okay? Ang galing kaya niya nakita mo ba kung paano niya---" oh yeah si Creig ang sinasabi ko

"My god si Jelo! Na injured ata!" Sigaw niya
'Ah si Jelo lang pala eh..Si JELO?!'

Agad kong nilingon ang kumpulan sa inside court. Then nakita kong inalalayan nila maglakad si Jelo papuntang bench. Sa kaba ko naman ay patakbo kong pinuntuhan kung nasaan si Jelo.

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon